13 # The Surprise

1.1K 48 3
                                    


Aaliyah's POV


Pag gising ko nandito na naman ako sa lugar na pinaka ayokong nasisilayan pag gising ko, ang ospital.

Gusto ko sanang bumangon pero hindi kaya ng katawan ko.


"Anak anong masakit sayo? May gusto ka bang kainin? May kailangan ka ba? Kahit ano, sabihin mo lang."


Umiling ako kay nanay na natataranta na ngayon dahil nandito na naman kami sa ospital.


"Sinabi na kasi namin sayo na kami na lang ng nanay mo ang pupunta doon pero pinilit mo paring sumama."


Ngumiti ako kay tatay. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong sabihin na huwag na silang mag-alala dahil magiging okay din ang lahat.

Biglang lumuha si nanay habang hawak hawak niya ang kamay ko. Gusto kong punasan ang luha sa mga mata niya pero wala akong lakas upang igalaw ang mga kamay ko. Unti unti nang nilalamon ng sakit ko ang katawan ko. Sana lang may pagkakataon pa ako para makita uli si Red.


"Anak magpagaling ka ha? Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sayo."


Pinilit kong ngumiti para iparating sakanya na okay lang ako. Ayokong nakikita silang malungkot, natatakot tuloy akong iwan sila ng ganito.

Ang totoo niyan hindi naman talaga sila tunay na mag asawa ni tatay Tisoy. Meron kasi talagang asawa si nanay Tisay kaya lang namatay ito ng maaga, sobrang mahal nila ang isa't isa at kahit na ilang beses siyang nalaglagan ng dinadala ay hindi siya iniwanan nito kaya nga lang ay maaga itong pumanaw.

Ito namang si tatay Tisoy ay first love niya itong si nanay kaya kahit na tumanda sila ng ganito ay hindi parin niya iniwan si nanay. Bilib ako sa pagmamahal ni tatay kay nanay dahil kahit na may minamahal itong iba ay patuloy parin ang pagmamahal niya dito, minsan tinanong ko siya kung hindi ba siya napapagod na magmahal at ang isinagot niya sakin ay.. 'Ang tunay na nagmamahal ay hindi napapagod, lumipas man ang mahabang panahon hinding hindi lilipas ang nararamdaman ko sa taong minamahal ko. Siya ang perslab ko at siya na rin ang magiging last lab ko.'

Kapag naalala ko yung sinabi niya saking yun natutuwa ang puso ko. Si Red kasi ang perslab ko at alam kong siya din ang last lab ko.

Bata pa lang ako nang makita ko si Red sa picture na nasa wallet ni uncle Kyle, sabi niya sakin pag malaki na kami ipapakilala niya ako sa anak niya kaya lang matagal na panahon din bago uli kami nagkita ni uncle Kyle dahil nga sa nangyari sakin at ang nakakalungkot pa doon ay sa ospital ang muli naming pagkikita. Pagkatapos nun ay hindi ko na inopen yung tungkol kay Red at umuwi na lang ako dito sa Pilipinas at bumili ng bahay malapit sakanila, sinwerte naman ata ako sa paghihintay dahil pagkatapos ng ilang taong pananatili ko dito ay dumating siya.

Noong una ko siyang makita hindi ako makapaniwala na siya nga yun dahil mas gumwapo pa siya ng 10x at hindi lang yun mas gwapo siya sa malapitan. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko para lang maka lapit sakanya mabuti na lang talaga at malakas ang loob ko at napalapit ako sakanya. Simula nung araw na nakasama ko siya hindi na bumagal sa pagtibok ang puso ko, siya ata ang dahilan kaya lumala ang sakit ko sa puso ahahaha joke lang yun dati na talaga malala ang sakit ko. Feeling ko nga lalo pa akong lumakas nung nakilala ko si Red eh, isa kasi siya sa dahilan kung bakit excited akong gumising sa umaga, nainspire din akong sumulat sa diary ko dahil sakanya dahil nga wala akong mga kaibigan kaya dinadaan ko na lang sa pagsulat sa diary ang lahat. Dahil din kay Red kaya kinakaya ko lahat ng mga pang da-down sakin ni mommy, iisipin ko lang si Red at magiging okay na ang lahat.

HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon