07 #Red to the rescue

1.7K 67 4
                                    

Ano na namang ginagawa ng Eng-eng na to dito??

Hawak nung lalake yung kamay niyang habang pinaghahahampas niya ito. Lumapit ako para malaman kung ano yung nangyari.











"Red help me.." She said with pouty lips and puppy eyes.












"Anong nangyari?" Tanong ko dun sa lalake na may hawak sakanya na sa tingin ko ay driver ng taxi.











"Ser ayaw po kasi niyang magbayad eh. Ang layo ho ng binyahe namin tapos ayaw magbayad."











Tinignan ko si Eng-eng na parang hindi naman mapakali.











"Manong hindi ko naman po sinabing hindi ko kayo babayaran. Wal--"











Hindi ko na siya pinatapos magsalita at tinakpan ko yung bibig niya gamit ang hintuturo ko saka ako kumuha ng pera sa wallet ko. "Kahit kailan, problema talaga."













"Waaaaaah ambaet mo talaga Red." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako.











"Huh? Sobra po ito sir."











"Ihatid mo na rin siya kung saan mo siya sinundo." Pagka sabi ko nun ay kaagad siyang kumalas sa yakap niya at tinignan niya ako.











"Sige po sir. Salamat."












Aalis na sana ako at sasakay na ng bus nang biglang kumapit si eng-eng sa braso ko.











"Red ayokong umuwi."











Tingnan ko siya ng masama. Nababaliw na naman siya.











"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Umarte ka nga ayon sa edad mo! Para kang bata." Tinanggal ko yung kamay niya na naka kapit sa braso ko saka na ako umalis at sumakay ng bus.

Pagsakay ko agad kong nilagay yung headset ko at ipinikit ko na yung mga mata ko. Kaya nga ako pupunta ng probinsya para makapag relax tapos ganito pa yung mangyayari.

Tinignan ko uli yung pwesto ni Eng-eng at wala na siya doon. Mabuti naman at nakapag isip isip siya. Nakakainis na kasi yung pagiging isip bata niya.

Pero kahit ganun nakokonsensya padin ako dahil sinigawan ko siya. Yung mukha niya kanina parang maiiyak na siya.

Tsss!! Bat ko ba iniisip yun?? Wala naman akong pakielam sakanya. Teka, bakit ba ang tagal ng bus na to?? Ganito ba talaga ang mga bus dito?? Baka mamaya gabihin ako kina lolo.

Nagtingin tingin ako sa labas, ang daming mga biyahero papunta sa iba't ibang probinsiya at ang dami din nilang mga dala. Tinignan ko yung dala ko, Isang backpack at isang body bag lang pero hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako doon.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay pinaandar na nung driver yung bus. Habang nagtitingin ako sa mga dumaaang mga tao sa labas ay may nahagip ang mata ko. "Anak ng.." Agad akong tumayo at pinahinto ko sa driver yung bus saka ako bumaba. Nababaliw na talaga siya.

Pinuntahan ko siya dun sa may waiting shed at nilapitan. Naka yuko lang siya pero nung mapansin niya akong nakatayo sa harapan niya ay tumingala siya at ngumiti.












"Red..?" Ngumiti siya pero halatang nagpipigil siya ng iyak niya. "Bakit ka bumalik? Hinihintay ko lang umalis yung bus na sinakyan mo tapos magpapasundo na ako sa kuya ko."











HashTag: Medyo Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon