Chapter 20
Mikaella
ANG creepy talaga dito sa main house nila Lolo. Parang ang dami laging nagmamasid sa akin kapag naglalakad ako sa hallway nitong mansion.
Papunta ako sa library nila dahil ipinasundo ako ni Lolo Glancey kay Lilith, ang second in command nya. Kumatok lang tapos di na ako inantay. Nakakatakot tuloy.
Dito ako magpapalipas ng weekend dahil namimiss na raw ako ni Lola Dobley.
Si Daddy naman ay wala sa mansion namin kaya wala din akong kasama. Pumunta sya sa isa sa mga business tour n'ya, gusto nya man ako isama. May pasok naman ako sa SU.
Nasa labas na ako ng pintuan ng library ngunit hindi ako tumuloy dahil sa nararamdaman kong kaba.
Hindi ko malaman kung bakit o paano pero kusang bumukas ang pinto ng library na s'yang ikinagulat ko.
Hihirit na sana ako dahil sa gulat pero napigil ko ito sa isa pang pagkakagulantang. Maraming baril ang nakatutok sa akin. Higit sa kwarenta ang tantya ko.
Makakahirit kapa ba kung ganito karaming baril ang nakatutok sa iyo?
"Drop your guns, she's my friend's granddaughter." Napalingon ako sa nagsalita. Isang matanda. Ngunit tingin ko ay nasa 50 years old lang ito. Hindi sya gaanong katandaan hindi katulad kila Lolo na gurang na talaga.
Ooops hehe. Napansin ko kasi na parang hindi sila tumatanda. Parang ka-edad lang nila si Daddy. Pero alam kong kaedad nya si Lolo.
Aish ang gulo!
Ang ganda nung babaeng kasama nya. Mukhang magkasing tanda lang sila ni Lola ko pero mukhang mas bata sya sa mukha. Parang si Dawn Zulueta at Richard Gutierrez.
Hindi natanda, ano kayang gamit nila? Matanong nga mamaya, papagamit ko kay Daddy para stay nalang sya sa mukha nya ngayon ahihihihi.
Hala baka, vampire sila. Oemgeeeee! Dapat masabihan ko sila Lolo at Lola. Nasa danger ang aming lifeeetue!
Nakita ko si Lolo at Lola na nakayuko sa gilid. Napatingin ako sa dalawang matanda. Maganda at gwapo ngunit nakakakilabot ang awra.
Parang best friend ko awwiiih. Mukhang mag-asawa sila dahil naka angkla ang kamay ng babae sa braso ng lalaking nagsalita kanina.
Kaso magmamasid padin ako. Because based in my theory. They are a vampire. Omegeshhhh si bestfriend ba vampire din?
Tumabi ang mga armadong lalaki para paraanin ako. Makaraan na nga baka ratratin nila ako.
"Bow your head." Ma-awtoridad na sabi nung lalaking nadaaanan ko sa gilid. Mukhang sya ang Head, para na nga syang mangangain eh.
Sinunod ko nalang sya kasi nakatakot yung hawak nyang rifle ih huhu.
Umupo ako sa kaliwang upuan. Magkaharap kasi si Lolo at Lola pati na ang bisita. Samantalang ako ay nasa gilid nila nakaupo. Para akong maid ng mga mayayaman.
Pero ako lang yung maid na sosyal kasi nakaupo ako. Tsaka ang ganda ko kaya sabi ni Daddy.
"This is the time that we will need your blood--" Natigil ang pagsasalita nya nang tumayo ako.
"O to the M to the G! Lolo Glancey! Lola Dobley! Tumakas na tayo! Mga bampira sila, uubusin nila ang dugo natin. Gusto ko pa mag kaanak Lolo! Dadalo pa kayo sa kasal ko! Kambal ang gusto ko! Gusto ko sa beach ikasal. Tapos gusto ko pumuntang Italy, Spain, Europe, and France! Ikakasal kami ni Baxter sa Madagascar tapos Bride's Maid ko si best friend..."
Lumuhod na ako sa harapan nila. Nakakatakot yung mga lalaking nakapaligid samin pero mas natatakot ako kapag naubusan kami ng dugo.
"Maawa po kayo, wag nyo po kukunin ang dugo namin. Marami po sa hospital. Fresh po lahat yon. Mukhang mayaman po kayo eh hehe. Tsaka tuyot na po ang dugo ni Lolo at Lola. Puro white cells nalang po ang natitira sa kanila. Ako po may red cells pa kaso yung sakin naman po eh maalat. Nung nasugatan ako ng kutsilyo. Tinikman ko kaso di masarap. Kaya wag na po ang dugo namin ang kunin nyo. Pretty pleaseeee?"
May mga luha na sa mata ko. Pumikit pikit pa ako habang nagsasalita. Sana tumalab ang beautiful face ko hihi. Magaling kaya akong actress nung kinder. Kinuha ako nung business partner ni Daddy para mag tang--
"A-an HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Si Lolo yang natawa. Napanguso nalang
"I-IBA IMAGINATION MO, HIJA. HAHAHAHAHAHAHAHA!" Yung matandang lalaki kanina na pinutol ko sa pagsasalita. Akala ko nakakatakot sya pero natawa pala sya. Medyo nawala ang kaba ko.
"E-eh?" Bakit natawa si Lolo? Niligtas ko na nga sila e.
Sunod na nagtawanan ang mga lalaking kargado ng baril. Pati si Lola huhu. Akala ko sakin sya kakampi. Pero may isang hindi natawa. Yung matandang babae, siguro naintindihan nya yung sinabi k--
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" Ang sama nila, akala ko kakampi sya sakin. Kaso mas malakas pa ang tawa nya sa asawa nya. May pahampas hampas pa sya sa glass table namin.
Napaatras ako ng sa unang pag hampas nya ay may crack agad. Hala. Sa sunod nyang paghampas ay nahati sa gitna ang glass table namin. Napatigil ang lahat sa pagtawa.
"Sweetheart, why did you wreck the glass table?" Umayos ng upo yung matandang babae.
"You are the one who slammed your hands into the glass table. It's not me!" Napatingin ako dun sa lalaki. Ano kaya ang pangalan nya? Kasing edad nya si Lolo Glancey pero kasing bata ng mukha nya si Daddy. Huhu gulo besh.
Mukha ng matatae yung matandang lalaki. Yung mukha nya kasi eh ang asim.
"O-oo nga a-ako ang may k-kasalanan."
"P-pero--" Aalma sana ako kasi nakita kong yung matandang babae ang sumira sa glass table namin. Kaso sinamaan ako ng tingin Lolo Glancey. Mukhang nanginginig sya sa takot. Bakit kaya?
"We can now proceed to our topic." Sabi ni Lola Dobley, sinenyasan nya pa akong tumahimik. Ibig sabihin magpapaubos sila ng dugo?
Masasayang lang ang boses ko sa pag speech kanina?
"Glancey Dominador Sy and Dobley Aganelle Sy, as our deal. We need your bloody cooperation..." Tumigil yung matandang lalaki sa pagsasalita at tumingin sa akin.
Malay ko bang cooperation lang pala ang hinihingi nila. May pa bloody-bloody pa kasi eh. Tsk. Yumuko nalang ako at napanguso.
"You need to find the creator of Mermēra Alterare as soon as possible." Napaangat ang ulo ko sa sinabi nung matandang lalaki.
M-mermēra Alterare? Ano yun?
"Bakit napaaga ata ang paghahanap nyo sa kanya?" Tanong ni Lolo Glancey.
"Prevention is better than cure." Sagot nung matandang babae.
"In the second week of September, she will turn into a lady. Our stock of Mermēra Alterare was now deficient. Before her memories came back, we need the creator of it for more supply." Malabo na ba ang mata ko o naging kulay pula talaga ang mata nung matandang lalaki?
Sino ang paggagamitan ng Mermēra Alterare?
![](https://img.wattpad.com/cover/267039453-288-k942926.jpg)