Chapter 22

124 4 0
                                    

Chapter 22

Baxter

"BAKIT kulay blue ang azul?" Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa ginagawa ko. Kumpleto na ang Sovran Huddle dito sa headquarter. Nagpakita na sa amin ang Czar makalipas ang tatlong araw.

Si Finlo, hindi parin natigil sa kakatanong ng mga imposibleng bagay. Pag ako nabadtrip, susunugin ko talaga ang mga sapatos niya.

Ang ibang miyembro ay nasa kwarto at ang iba ay maaga pa lang hindi na mahagilap.

The pieces intact means one thing. The game and rules of the Sinister University will be in our hands.

I'm now having a hard time to finish this report. Ta's ang ingay-ingay n'ya pa. Pasalamat siya nasa kwarto pa ang Czar. This is the monthly report of Sinister University.

Dati naman ay hindi ako nahihirapan gumawa nito. Ngayong buwan lang na ito! Ngayon lang talaga. Nakakagigil yung babaeng sangkot sa mga gulo nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng pangalan nya. Parang ang Czar lang ng university na ito.

Kahit kaming miyembro ng Sovran Huddle ay hindi alam ang pangalan nya. Ang alam lang namin ay napakalakas nya at walang nakakatalo sa kanya.

Hindi ko pwedeng ipasa ang report na ito hangga't hindi ko nalalaman ang pangalan ng babaeng iyon.

A lot of trouble was engaged in that girl. She's a living trouble.

Gustong gusto ko na umalis dito pero hindi ko matapos-tapos tong report na ito. I miss my wife.

Yes, I have a wife already.

We're married but until now she didn't know about it. Wala akong balak na sabihin sa kanyang kasal na kami. Gusto kong s'ya mismo 'yong makatuklas tungkol dito.

I don't love her. Kailangan ko lang talaga s'yang pakasalan. Her dad is a moron. Baon sa utang ang tatay n'ya kaya ipina-bid nya ang sariling anak sa isang bidding house. Nagkataon na gulong-gulo ako noon.

My dad wants me to be married as soon as possible that time.

Kaya sa bar ako napadpad, gusto kong magpakalasing noon. Katabi ng bar na iyon ang bidding house. Maingay at puro kantyawan ang buong bidding house noon kaya nakuha nito ang atensyon ko.

When I first saw her I felt strange. Wala siyang malay noon at nakasuot sya ng chiffon dress na aabot sa ilalim ng tuhod n'ya. She looks like a damsel in distress and I am her knight in shining armor. Napailing ako habang nangingisi.

Darn, para na akong si Finlo kung mag-isip. Puro ka-kornihan.

Nakaupo siya sa magarang upuan sa loob ng kulungan. Natutulog at walang kaalam-alam na may mga demonyong pinag-aagawan na sya.

Marami ang nag-bid sa kanya. Kaya ang demonyo nyang ama ay galak na galak habang tinitignan ang mga gagong nagtataas ng card para sa anak n'ya.

Palaki ng palaki ang bid sa kanya.

Kinabahan ako noon na baka makuha siya ng iba. Naitaas ko ang hawak na card ng aking katabi at sumigaw ng limang bilyon. Lahat ng nag-aagawan sa kanya ay nagulat and yes, her price is 5 billion.

Wala ng nakapalag dahil may ibang bidders ang nakakakila sa akin bilang Heir ng Henderson Mafia.

Ako din ang dahilan kung bakit nakapasok siya dito sa SU. Hindi totoong nasa panganib ang buhay n'ya dahil sa rami ng kalaban ng daddy niya sa business world.

Samantalang ang daddy n'ya ay walang pakealam na pinagsasawaan ang perang nakuha kapalit nang pagbebenta sa sariling anak.

It's still a secret. No one knows that I'm already married.

"Pre, bakit nakatunganga ka diyan? Nain-love kana ba sa screen ng computer mo?" Nagulat ako ng biglang may bumatok sa akin. Muntik ng tumama ang gwapo kong mukha sa screen ng computer Nakatulala na pala ako.

"Bakit mo ko binatukan?" Gago talagang Finlo 'to. Lumapit s'ya sa akin at bumulong.

"Pre, sino ang gusto mong magtahi ng barong na susuotin mo?" Nangunot ang noo ko sa ibinulong n'ya. Barong? Bakit naman ako magsusuot non eh wala namang ikakasal?

"Why would I'll wear a barong?" Umarte siyang nagpupunas ng luha at pailing-iling pa.

"Baxter, are you ready?" Nanlamig ako ng marinig ang boses niya. Boses ng taong alam kong tatapos sa buhay ko.

Napalingon ako sa likuran at nakitang may lalaking naglalagay ng magasin sa baril n'ya.

Damn, katapusan ko na nga.

"C-czar."

"Hey, what's happening here?" Shit, Flint saved me.

"Panira ka, bro. Iiyak na sana si Baxter. Bakit umepal kapa?" Sinamaan ko ng tingin si Finlo pero tatawa-tawa lang s'yang lumayo sa akin.

"I have a news." We became alert even the Czar. Inilapag niya na ang paborito niyang baril.

"Woah. Easy lang kayo. Alam kong masarap akong titig--" Kinuha ulit ng Czar ang baril niya at kinasa ito. Natatawa kaming nagkatinginan ni Finlo. Namutla ng todo si Flint.

Binatuhan ako ni Finlo ng maliit na kahon ng chocolate candies. Gago talaga to.

Pinakealaman nanaman ang mga kayamanan ni Isaac.

"H-hehe. S-sabi k-ko n-nga s-sasab-bihin ko n-na yung b-balita."

"Spill." Napaayos kami ng upo ng marinig naming magsalita ang Czar.

Mukhang maiihi na si Flint. Nakakatawang kanina ay ako ang nasa posisyon n'ya. Umupo siya sa tabi ko.

"A girl was listed in The Diabolus Dispacciare." Nangunot ang noo ko. The Diabolus Dispacciare is for those who break our rule.

If your sobriquet will be list the punishment is from us and if its your name. The one ang only Czar will be the one who will punish you.

"A girl? Kailan pa?"

"Kanina lang, yung transferee pala walang sobriquet. How did she able to enter here if she don't have a gang nor pseudonym?" Napansin kong naging attentive ang Czar ng marinig nya ang tungkol sa transferee.. Hmm. Naniningkit kong tinignan ang ikinilos nya. Posible bang yung babaeng yon ang hanggang ngayon ay pinapahanap n'ya sa akin?

"Ilalagay din ba yung transferee sa TDD?" Tanong ni Finlo.

"Oo. Nakaaway niya si Scarlet aka Devil Dagger. Miyembro ng Black Syrasium. Rank 4."

"Bro, pwede ka ng pumalit kay Baxter HAHAHAHAHAHA. Nahina ang taga-hanap natin ng imformation." Binato ko siya ng candy.

"Wait. Sino ang may hawak ng The Diabolus Dispacciare?" Tanong ko. Nakakapagtaka dahil ang alam ko kami pa lang ang gising na apat.

"Denzel the fucker." Siya pala ang nag-iwan ng pagkain sa lamesa.

"Amputs! Masyadong mahabagin yon. Edi big achievement na nakapaglagay siya ng babae sa TDD!"

"Sobriquet lang ang inilagay niya kay Scarlet pero doon sa transferee ay pangalan nito mismo." It means they already know the name of the transferee.

Napalingon kami sa Czar ng mabilis siyang nakalipat sa pwesto namin.

"Her name." Namutla si Flint. Nakatutok kasi ang baril ng Czar sa baba nya, hindi namin namalayan na nakalapit na pala siya kay Flint. Kahit akong katabi nito ay hindi inakala ang mabilis na reaksyon ng Czar.

"S-spencer."

Poisonous Flower (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon