Chapter 14

128 6 0
                                    

Chapter 14

Mikaella

GINAWA ko naman lahat para ako ang piliin nya eh. Kulang na lang lumuhod ako para ako naman ang mahalin nya. Ngunit sino nga ba ako?

Naging kaklase nya lang ako last year. Mahal nya pa rin ang first love nya. Ang first love nyang pinili ang isa sa mga kaibigan nya. Ang babaeng hanggang ngayon never syang pinili. Bakit ang sarap mahalin ng taong hindi ka mahal? Tatlong taon na nyang hinihila ang buwan na nais nya, sa kahihila nya rito ni hindi nya magawang pansinin ang bituin na nais magpakuha sa kanya.

Ako itong nagmamahal sa kanya. Pero ano? Binabalewala nya. Kaya umalis ako sa dating unibersidad na pinapasukan ko. Dahil ginamit nya lang ako. Pinaasa nya akong maibabalik nya ang intensidad ng pag-ibig ko.

Ilang beses ko na ring sinubukang kalimutan sya, ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya.

Ganoon na ba ako katanga? Para patuloy na mahalin ang taong may mahal ng iba?

Siguro hindi pa ito ang panahon para umibig ako ng totoo.

Namimiss ko na ang unang bestfriend ko sa unibersidad na ito. Wala akong makausap sa mga panahong ganito. Isa akong Elite. Dito ako pinag aral ni Daddy, marami daw magtatangka sa buhay ko dahil marami syang kalaban sa negosyo.

Isang linggo na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ni anino nya hindi ko makita. Nandito ako sa garden ng mga Tyro sa dating pinagdalhan nya sa akin. Lalo lang kasi akong nadedepress kapag naaalala ko ang lalaking minahal ko. Ang lalaking hanggang ngayon ay minamahal ko. Transferee lang ako dito sa Shindeir University. Mahal ang tuition pero nais ni Daddy ang kaligtasan ko.

Wala akong bagong kaibigan dahil puro maarteng mga Stager ang halos kaklase ko. Habang ang mga Tyro ay ilag sa akin dahil isa akong Elite.

"Mahal na mahal kita pero bakit hanggang ngayon ay sya parin? Kailan ba magiging ako? Kailan?"

"Stupid."

"Wala kang karapatang sabihan ako ng tanga. Hindi mo alam kung ano ang naradamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano--" Unti-unting nag sink in sa akin ang boses ng nagsalita.

Napalingon ako ngunit imbis na sya ang makita ko ay binato nya ako ng puting panyo. Hindi ko pa ng naibabalik sakanya ang dati nyang panyo. May bago nanaman. Pero teka puti nanaman? Ibig sabihin mayaman sya? Tanga ka talaga Mikaela. Makakapasok ba yan dito kung poorlalu yan?

"Stupid Annoying Creature." Pinamunas ko ang panyong ibinigay nya. Dali dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya. Ngunit nawala sya sa pwesto nya.

"Germs."

"Ang arte mo talaga bestie!"

"Tsk."

"Waaaaait! Bakit basa ka?"

"Wet look is the new style, right?"

"Nag-jojoke kaba, bestie?"

"I'm not."

"Hehe kala ko nag-jojoke ka."

"SAC."

"Ayiee nadagdagan nanaman ang itatawag mo sa akin." Pero agad nawala ang ngiti ko ng maalala kong basang basa sya.

"Hala bestie! Magpalit kana."

"Mr. Chan is coming."

"Who's Mr. Chan?"

"He's my personal butler." May naalala akong itanong.

"Waaait! What's your name?"

"Spencer."

"Why it is so manly?" She rolled her eyes and didn't answer my question.

May hinhingal na lalaking tumigil sa tabi ni bestie. Yumuko ito bago inabot kay bestie ang pair ng uniform namin.

"You may go now."

"Yes, Queen."

Nakayukong naglakad yung lalaki kanina. Sya siguro ang tinutukoy ni bestie na si Mr. Chan.

"Bestie hindi ka man lang nag thank you."

"It's his job."

Napanguso nalang ako sa tono ng boses nya. Kanina ko pa napapansin na nagpipigil sya ng galit. Bakit kaya?

Nagsimula na syang maglakad papuntang comfort room. Iniwan nya pa ako doon ng walang paalam.

Mabuti na lang nakasabay agad ako sa bilis ng lakad nya.

She opened the girl's CR and a lot of students was there. May nag memake up, nag aayos ng buhok at nagbibihis.

Isinara agad ni Spencer ang pinto.

"They didn't care if someone saw their naked body. Shameless dogs."

"Alam mo bestie! Ganyan na sa pilipinas ngayon. Saan kaba galing na planeta at hindi ka ata updated?"

Hindi na sya nagsalita. Sungit talaga.

Sunod naming pinasukan ay ang Engineering's CR.

Walang tao dahil oras pa ng klase nila. Agad kaming pumasok na dalawa. Pumasok si bestie sa isa sa mga cubicle, while me. Nag ayos lang ako ng kulot kong buhok.

5 minutes lang at tapos agad si bestfriend. Ambilis naman. Ni hindi pa ako nakakapag suklay.

Nakakatuwa lang kasi kapag kasama ko si bestie ni hindi ko naaalala ang tungkol sa kanya. Sana makalimutan ko na talaga sya.

"Hoy, babae! Ikaw ba yung nakabangga ko kaninang umaga?"

"Ha?" Nagulat ako ng may humablot sa akin. Tatlong lalaki na may malalaking katawan.

"Hindi mo ba kami nakikilala? Kami ang Three-Head Demons."

"Ah eh, really?" Napatingin ako kay bestfriend. She waved her hand sign a goodbye. Siguro papasok na sya. Napanguso ako, iiwan nya talaga ako dito? Ang bad ni best friend.

"Hindi kaba natatakot sa amin, miss?"

"Alam nyo bang boyfrind ko ang isa sa mga Sovran Huddle?"

"Hoy miss! Laos nayan. Halos lahat ng babae dito yan ang pinapangarap!"

"Oo nga. Laos na yan miss." Napanguso ako. Busit naman oh.

"Totoo nga, kaya bitawan mo na ako pre. Boyfriend ko si Baxter Henderson!" Sa totoo lang narinig ko lang yun na pinagnanasaan ng mga kaklase ko.

"Hoy miss, di mo kami madadaan sa ganyan. Ibalik mo ang wallet ng kaibigan namin."

"Hoy, pake ko sa wallet ng kaibigan nyo? Ako nga hindi nagwawallet tapos magnanakaw pa ako ng wallet? Duh!"

"Aba--"

"What's happening here?"

May narinig akong panlalaking boses. Malamig pero malambing pakinggan. Napansin kong lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ko.

"B-Baxter."

"Sibat na tayo pre, isa sa mga sovran yan." Hindi ko na napag tuunan ng pansin ang sinabi ng lalaki ng may biglang pumulupot na braso sa baywang ko. Natulala ako ng makita ang gwapo nyang mukha.

Hinawakan nya ang braso kong namula sa pagkakahawak ng mukhang unggoy na iyon.

"Baby, are you hurt?"

"Hindi ba halata, honey?!" Kunyari galit ako hihi.

Napatingin sya sa mga lalaking ngayon ay umaatras na. Syempre isa sa mga sovran ang kaharap nila eh.

Teka sovran? Sovran?? Isa sa mga SOVRAN HUDDLE?

Poisonous Flower (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon