Chapter 27

119 4 0
                                    

Chapter 27

Third Person's POV

UMIILING na nagpatuloy sa paglalakad ang babae. Nawiwirduhan siyang tinignan ng mga nakatambay na estudyante sa hallway. Pero dahil malalim ang iniisip nito ay hindi niya napapansin ang mga taong kung ano ano na ang iniisip tungkol sa kanya.

Habang naglalakad kasi ito ay biglang pepreno ang mga paa at nakakunot noong lampasan ang tingin ta's biglang papaling ang mukha sa kaliwa't kanang bahagi at magpapatuloy sa paglalakad. Paulit-ulit niya ito kung gawin kaya hindi mapigilang magchismisan ng mga estudyante kung ano ba talaga ang nangyayari sa dalaga.

"May konoy ba 'yan, ghorl?" Tanong ng babae na may asiwang tono.

"Weirdo." Komento ng isang lalaki habang may nandidiring ekspresyon.

"Baka nahawa sa bestfriend niyang bitch." Nakataas ang kilay na sabi ng isang estudyante.

Ngunit agad silang namutla at napayuko ng makita kung sino ang taong kasunod ng babae sa paglalakad.

Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa kanila.

***

I immediately push him when a I felt a bunch of students will push the cafeteria's door. He's stunned because of my sudden action. Kaya mabilis akong nakalayo sa kanya.

Umupo agad ako sa medyo malayong upuan. The group of students was staring at him. Medyo malayo na ako sa kanya pero nakakaasar parin sya.

Saktong dumating ang waiter na agad kong pinasalamatan.

I felt my eyes turned back to it's original color.

I regretted that I didn't wear a contact lens. May nakaalam na ng sikreto ko at nararamdaman ko parin ang titig nya.

I started eating my food, don't minding his gaze.

Muli kong naalala ang pangyayari bago niya malaman ang sekreto ko.

Nanatili akong nakaharap sa ceiling ng kwarto ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang taong iyon. Five days had passed but until now I still can't believe that I cried. Hahabulin ko na sana ang lalaking iyon ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Maaring trained reaper or mafia assassin ang taong iyon. Gustuhin ko man siyang sundan ay mas inuna kong aluin ang sarili.

Bakit ako umiyak ng malinaw kong makita ang mga mata niya na balot ng pag-aalala? Sino siya sa buhay ko? Bakit ang buong katawan ko ay tila kilala siya?

Mga tanong na alam kong hindi ko rin masasagot.

I get up on bed and decided to eat my breakfast in cafeteria. I wore our uniform and lazily walked.

Para lang akong nakalutang dahil nakatulala lang akong naglalakad sa hallway. Nakakainis na hindi ko magawang tanggalin ang lalaki sa isipan ko at kung pipilitin kong isipin kung sino siya sa buhay ko ay nasakit ng matindi ang ulo ko.

Nang makarating ako sa cafeteria ay walang katao-tao. Taka kong tinignan ang wristwatch na nakalagay sa kanang braso ko.

Ala-sais y medya lang pala ng umaga. Napaaga ako ng kaunti pero hindi ko na inalala yon dahil alas-kwatro naman ng umaga nagbubukas ang cafeteria.

Poisonous Flower (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon