Chapter 26

115 3 0
                                    

Chapter 26

Kael

"W-WHAT the h-hell?" Nanlalaki ang mata ko habang sinasambit 'yan.

"Yes, buddy. I'm in love." Ngingisi-ngisi pa siya habang nakatitig sa akin. Iba ang kinang ng mata niya.

"W-what?" Hindi pa rin ako maka-recover. Don't get me wrong. I am not a gay. I-it's just that I am so shock.

Ang alam ko ay wala siyang ibang naikekwento sa akin na babae. Sa tagal ng pinagsamahan namin ay wala siyang na ikwentong babae. Hindi rin siya madaling magkagusto.

"Watcha chakalwotew?" Tanong ni Annaliese habang ngumunguya ng cake na dala ko.

"Tsk. Lunukin mo muna 'yan bago ka magsalita." Nasa likod niya agad si Flint na may dala ng isang basong tubig at sandamakmak na tissue.

"Suuuuuuuuuuuus! Ayaw pa kasi umamin." Tumatawang sabi ni Baxter. Binato lang siya ni Flint ng tissue at ibinaling na ang atensyon kay Annaliese na kasalukuyang namumula at mukhang maiihi na sa kilig.

"T-teka! I-inlove ka?" Tanong ni Finlo. Tss. Slow talaga. Pero--

Agad kong tinignan si Isaac na hanggang ngayon ay akala mong nasa dreamland at may pa kanta -kanta pa siya ng 'la la la'. Nandidiri akong napatingin sa kaniya.

"What the heck is happening to you, Yişhāq?" Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko at agad na napanguso. Mukha siyang pato kung mag-inarte. Eh hindi naman bagay

I looked at him disgustedly. He pouted even more.

Duck. My face turned to it's normal poker face.

"So, what's the name of the chocolate that make you fall in love?" Narinig kong tanong ni Annaliese. Sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Baxter, Finlo at Flint at parang nakahinga kami ng maluwag sa narinig.

Itinuloy na lang ni Flint ang pagsusuklay kay Annaliese. Si Finlo naman ay may sariling mundo habang nagc-crumpled ng mga disposed papers na ginamit sa report at si Baxter ay bumalik na sa ginagawa niya sa computer.

Naalala naming madalas nga palang main-love si Isaac sa chocolate lalo na kapag weirdo ang lasa. Yung tipong hindi niya pa natitikman?

"H'mm, she's so beautiful. I really fall in lov---"

"W-WHAAAAAT?" Sabay-sabay na sigaw namin habang nakatingin sa kaniya.

Nakarinig kami na may lumagabog at nakita si Baxter na naka middle finger sign agad sa amin. Kaya naman kahit gulat ay sabay-sabay kaming nagtawanan.

"HAHAHAHA S-sakit ng t-tiyan k-ko! HAHAHAHAHAHA!" Syempre nangunguna sa pagtawa si Finlo

"I-it w-was epic HAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagulat siguro si Baxter dahil sa sabay-sabay na sigaw naming apat. Ang matindi pa doon ay nabagsakan siya ng swivel chair na inuupuan niya.

"P-PRICELESS! HAHAHAHAHAHAHA"

"S-shut up!" Napipikong ani niya HAHAHAHAHAHA! Hindi pa rin siya naalis sa pwesto niya dahil hinihimas niya ang kaniyang balakang. Paniguradong masakit 'yon HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"Grabe pre! Akalain mo yon? Pwede kana pala naming isali sa Theatre Club ng SU?" Tanong ni Finlo kay Baxter. Nangunot ang noo naming lahat dahil sa sinabi niya. Theatre Club?

"Syempre para kang broken na naglulupasay dyan! HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA! A-AYOKO NA HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHA!"

Napatigil siya sa pag tawa ng makita niyang seryoso kaming lahat na nakatingin sa kaniya. Pati si Baxter na kanina ay nakalupasay sa sahig dahil sa pagkakabagsak, ngayon ay nakatayo na at seryoso ring nakatingin sa kaniya.

"O-oy! G-grabe naman ang b-bobo n-niyo! H-hindi niyo man lang n-na a-appreciate ang joke ko!" Nakanguso pang pag-iinarte ni Finlo.

"Do you want me to laugh?" Kasabay ng mga salitang binitawan niya ay ang pagkasa niya ng baril sa ulo ni Finlo. Napalunok ako sa kaba.

Mukhang hindi maganda ang gising ng Czar.

Parang hindi mapakaling nanlalaki ang mata at nanginginig na napatingin sa amin si Finlo. Tumango ako nang sa akin dumapo ang panginin niya.

Tangna kahit ako ay kinakabahan. Si Czar kase ang taong once in a blue moon lang kung magbiro at araw-araw kung toyoin. Lalo na kapag hindi maganda ang gising niya.

Pero nakakapagtakang ang alam ko ay mula kaninang hapon ay nagkulong na siya sa loob ng kwarto niya.

Ang sabi ni Baxter ay saktong alas-dos siya pumasok sa kwarto niya. Napatingin ako sa malaking wall clock na nakasabit sa itaas na painting ng isang babae.

Alas-nueve na pala.

Ngunit ng mapatingin ako sa painting na nasa baba ng wall clock ay hindi ko na magawang mai-alis ang paningin ko rito. Ngayon ko na lang ulit napansin ang painting na ito. Nakakahalina at nakaka-panghina titigan.

Sinabi na sa amin na wag masyadong titigan ang painting na iyan, ngunit talagang hindi ko mapigilan. Napaka ganda kasi nito at animo'y hinihigit ka upang lalo mong tignan bawat hilatsa ng brush na ginamit ng pintor.

Ang Czar mismo ang gumawa ng canvas na ito. Isang babaeng nakatalikod na may french word na tattoo sa itaas na bahagi ng kaliwang balikat niya.

'Je taime mon epouse'

Iyan ang naka tattoo na letra. Sino kaya siya? Lahat kami nagtataka dahil wala kaming alam na may asawa ang Czar. Kaya inisip nalang namin na may nagpagawa lang nito at hindi na kinuha.

Masyadong maganda ang pag kakagawa at nakakahalina tingnan. Pati ang makinis na likod at kulot na buhok na bahagyang nakalilis upang makita ang tattoo niya. Mararamdaman mo ang pangungulila habang tinitigan ito, parang sadyang dito inilagay ng pintor ang kanyang nararamdaman na emosyon.

Hindi makikita ang buong mukha niya ngunit bahagyang makikita ang ¼ na bahagi at makikita ang malademonyong ngisi ng babae sa painting.

"NOW!" Natigil lang ang pagpapantasya ko sa painting ng marinig ko ang malakas na boses ng Czar. Mabilis akong napalingon sa kanila.

"Gago, umupo ka. Baka ikaw ang isunod niyan." Agad ko namang sinunod ang utos ni Baxter. Nakatabi na pala siya sa akin dito sa sofa. Nakita kong nagkukumahog na lumabas si Finlo sa pintuan ng headquarters.

Walang emosyon ngunit may dalang bigat na tinitigan kami isa-isa ng Czar at saka pumasok sa kwarto niya.

Sabay-sabay kaming napabuntong hininga ng marinig ang malakas niyang pagsara sa pinto ng kwarto niya. Napansin kong madalas ang pagkawala niya sa mood. Ano kayang dahilan?

"What happened to Finlo?" Tanong ko kay Baxter ng makita ko si Finlo na akala mo ay hinabol ng aso dahil hingal na hingal at pinagpapawisan pa. Napatingin ako sa sarili at mabuti'y fresh pa rin ako kahit halos hindi ako makahinga sa presensya ng Czar.

"Kael, stop fantasizing that painting. Be thankful that Czar didn't caught you."

Poisonous Flower (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon