Chapter 2
Third Person's POV
"PLEASE b-baby, understand t-tha---" Naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito.
"Mom, can we order to Tito Gael the Gold Dagger of Ahmose? It's my dream toy you know." makahulugang saad ng bata. Kumikinang ang mga mata na kahit sinong tumitig ay mahahalina.
"She's really the daughter of them." bulong ng babae na ang asawa niya lamang ang nakarinig.
Sabay silang nagkatinginan sa isa't-isa. Kinakabahan sa hiling ng kanilang prinsesa. Akmang sasagot na sila ng biglang magkagulo ang mga tao. Nakarinig sila ng malalakas na putok ng baril at ang pagtilapon ng mga bangkay ng mga tao sa kung saan-saan.
Kinabahan ang babae at lalaki para sa kanilang anak, agad silang tumayo at hinawakan ang kanilang anak na walang kaemo-emosyong nakatingin sa mga lalaking may mga hawak na matataas na de-kalibre ng baril. Nanginig ang dalawa ng mapansing sa dereksyon nilang tatlo papunta ang mga armadong lalaki.
Napatingin sila sa kanilang unica ija, na sana ay hindi nila ginawa. Napaatras sila ng isang hakbang dito ng maramdaman ang nakakatakot na awrang inilalabas ng batang babae. Mas natatakot sila sa kaya nitong gawin kaysa sa mga taong papalapit sa kanila. Kahit alam nilang hindi ito marunong gumamit ng baril ay hindi nila maiwasang mangamba.
Wala silang laban kung sila nga ang puntirya ng mga ito. Hindi sila nagdala ng armas dahil ayaw nilang makita ito ng kanilang anak. Huli na para makatakbo dahil napapaligiran na sila ng mga armadong lalaki. Napaluhod nalang ang babae sa kawalan ng pag-asa.
Hindi nila akalain na may mangyayaring ganito sa simpleng bonding nila. Hangga't maari pa naman ay ayaw nilang maipakita sa bata na gumagamit sila ng baril. Dahil kapag ito ang natuto ay siguradong magiging delikadong nilalang ang batang ito.
Kahit bata pa lamang ay mahilig na ito sa iba't-ibang klase ng baril na kahit anong pilit nilang lihis ay yon pa rin ang paulit-ulit na hinihiling nito.
Nagpasabog ng tear gas ang mga lalaking nakaitim. Naamoy agad ito ng babae at ng asawa nya. Sabay silang nanghina. Samantalang ang kanilang prinsesa ay nanatiling nakatayo.
Nag simulang ulit mag paputok ang mga lalaking nakaitim. Nakakarinding hiyawan ang maririnig sa paligid.
"Long time no see, Ms. Raziel Villagrazia. Oh nariyan ka pala Mr. Villagrazia." Humalakhak pa ito habang kinakasa ang hawak na baril.
Agad nilang niyakap ang kanilang anak. Ang tinawag na Raziel ay ang babae.
Mabilis naitindihan ng bata ang sitwasyon sa kanyang murang edad. Pilit tinatandaan ng mura niyang isipan kung paano ikasa at magpaputok ang mga kalalakihan. Kung ang ibang bata ay nahagulgol na dahil nakakita ng mataas na kalibre ng baril, iba siya dahil mas tinitigan niya pang maigi kung paano ito gamitin.
"H'wag ang anak namin please, maawa kayo."
Nanatiling nakaluhod si Raziel Villagrazia nais niyang magmakaawa pa sa mga lalaking nakaitim. Ngunit mukhang hindi ito madadala sa patawaran. Pareho silang dalawa ng kanyang asawa na naghihina dahil sa amoy ng tear gas.
"Rowell, anong gagawin natin?" Tanong ni Raziel sa asawa na nag ngangalang Rowell.
"Raziel, hon. Wala tayong laban. Ni wala tayong dalang armas. Kailangan nating protektahan ang ating anak." Nahihirapan na sa pagsasalita si Rowell dulot ng tear gas na bumabalot sa buong paligid.