Chapter 25
Spencer
NAWALAN na ako ng gana kumain. Matutulog na lang ako sa dorm.
Tsk.
Napatingin ako sa wrist watch na suot ko ng makitang mag aalas-siyete na ng gabi. Yung lalaki kasi kanina ay dinala ako sa hall ng mga stager.
Masyado kasing malayo 'yon dito sa kinatatayuan ko ngayon.
Wala na ring masyadong estudyante ang nasa labas ng eskwelahan. Malayo kasi ang mismong university at dorm sa main gate. Mahabang hallway ang daraanan mo bago ka makalabas sa mismong eskwelahan.
Nahahati kase ang Sinister University sa tatlong na hall. Ang main hall na para sa mga Tyronians at Elitians.
Halo-halo kami sa klase dahil kadalasan sa mga Elite ay new student o transferee katulad ko. Ngunit nagkakatalo lang ito sa dorm.
Ang mga Tyro naman ay walang karapatan na pumili kung sino ang gusto nilang maka-room mate.
Maglalakad na sana ako papasok ng main hall ng may mahagip ako ng tingin. Hindi ko inaasahang makikita ko siya. Nakatalikod siya sa akin at palinga-linga sa mga building at puno na malapit sa kaniya. Ano ang hinahanap niya.
Siya ang taong kanina pa ako pinagmamasdan mula sa malayo. Kanina ko pa nararamdaman ang titig niya ngunit dahil hindi ko siya makita at makilala ay hindi ko pinapansin ang pagmamasid niya.
Ngunit ngayon ay iba. Nakita na kita at wala ka nang kawala. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko. Agad kong tinanggal ang contact lens ko dahil sa sobrang init.
M-masakit at mahapdi, napayuko ako at ipinikit-pikit ang mata. Umaasang maibsan ang hapdi ngunit nang inangat ko ang aking mukha ay ang saktong paglingon niya sa direksyon ko. Nakita ko ang gulat na bumakas sa mukha niya.
Hindi ko maintindihan dahil pakiramdam ko ay kilala ko siya. Pero wala akong maalala na nagkita na kami. Lalong nangunot ang noo ko ng tumindi ang sakit sa dalawa kong mata.
Napansin ko ang panginginig ng labi niya. Hindi ko makita ang emosyon sa mata niya dahil nanlalabo ang dalawa kong mata.
Hindi ko alam pero nag-umpisang magsihulugan ang mga luhang hindi ko alam na mayroon pa pala ako.
Sa haba ng panahon na hindi ako umiyak ay hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay naluluha ako habang nakatitig sa lalaking napakalayo sa akin ngunit pakiramdam ko'y kaharap ko lamang.
Kung kanina hindi ko makita ang emosyon niya ngayon ay sigurado akong bakas ang sakit at pag-aalala sa mga mata niya.
Why I am crying?
"W-who are y-you?"
***
Finlo
KANINA pa pabalik-balik si Isaac sa harapan namin na nakasabunot pa sa buhok niya. Nagkatingin naman kami ni Baxter sa inaasta niya.
Nginuso niya si Flint na nasa tabi namin. Ibig niyang sabihin ay tanungin ko. Sinulyapan ko ang kapatid kong nagbabasa ng libro.
"Pst, bro. Did you have any idea what happen to our Yişhāq?" Tinignan niya si Isaac na hanggang ngayon ay parang tangang ngingiti tapos kukunot ang noo at nagpabalik-balik nanaman sa harapan namin.
Yişhāq is a Late Latin word from Hebrew.
Tama lang na gano'n ang itawag namin sa kaniya dahil bukod sa sweet at childish siya ay siya rin ang pinakamabait na miyembro ng Sovran Huddle. Siya rin kasi ang pinakabata sa aming lahat.
19 years old to 21 years old na kaming lahat maliban sa kaniya na 18 years old lang. Advance kasi ang utak niyan kahit isip-bata siya.
Hindi na nga siya nakaranas ng high school life dahil dineretso college na siya ng parents niya. Madali rin siyang pasiyahin dahil bigyan mo lang siya ng bar ng chocolate o cheap na candy basta matamis ay tatanggapin niya.
Pero ngayon ay nakakapanibago dahil parang hindi siya ang Yişhāq na nakilala namin.
Hindi naman nakakapanibago ang pag-ngiti ngiti niya mag-isa pero nakakagulat pa rin dahil hindi kami sanay sa bigla-biglang pag babago ng mood niya.
"What happened to him?" Napalingon kami kay Kael na nakakunot noong naglalakad pababa ng hagdan habang tinitignan ang parang tanga na si Isaac.
Nakakagulat na hindi pa rin siya natigil kahit narinig niya na ang boses ng best friend niya.
"Aba, dumating yan dito na ganyan na. Parang tanga na ngumingiti tapos biglang mag-seseryoso then hanggang ngayon simulang dumating siya ay hindi na siya tumigil kakapabalik-balik sa harapan namin." Ako na ang sumagot.
Lalong kumunot ang noo ni Kael ng marinig ang sinabi ko.
"Hey Yişhāq, what happened to y--"
"Is he sick?" Flint stopped Kael from talking. Nabigla kami sa sinabi niya. Bakit niya naman naitanong 'yon?
"N-ngayon lang to nangyari. Ano bang nangyayar--"
"Baka nasobrahan sa pag-aaral." Walang pakealam na bara sa akin ni Baxter, naglakad na siya sa computer niya at hindi na pinansin si Isaac.
We got shock when he unexpectedly sit in the single couch. Nangingiti pa siya habang nagnining-ning ang mga mata niya.
Naibagsak ni Flint ang librong binabasa at napatitig na lang kay Isaac.
Si Kael naman ay dumeretso sa kusina.
"Dude, it's creepy." Napapangangang baling ko kay Flint.
"Is he on drugs, Finlo?" Binatukan ko siya, sinamaan niya ako ng tingin.
"What the heck, Flint Dion! He's our Yişhāq for man's sake!" Bahagya siyang napalayo ng sumigaw ako sa harap ng mukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin habang pinupunasan ang mukha niya. Tsk, arte talaga nito.
Hindi na siya nakapagsalita ng dumating si Kael na may hawak na box ng cake sa kanang kamay at chocolate bar sa kaliwa.
"We must try this." Seryosong sabi sa amin ni Kael habang nakatitig kay Isaac.
Bumaling naman sa amin si Baxter, nacurious din siguro kung babalik ba sa dati si Isaac.
Pero ang mas ikinabigla namin ay nang ilapag ni Kael ang cake at chocolate at tapikin siya sa balikat ay tinignan lang siya nito.
"Hey, buddy. Try this new Deintē Kuocho of your favorite cake shop." Kibit balikat na sumandal si Isaac sa couch at nakangiting tinitigan ang kisame.
"O-oy cake!" Napalingon kami kay Annaliese na halos magkumahog sa pagbaba sa hagdan.
Naramdaman kong agad na napatayo si Flint sa tabi ko. "Blair, be careful!" Nag-aalalang sigaw niya.
Tss. In-denial pa ang kapatid ko. Ayaw pa umamin. Hindi siya pinansin ni Annaliese at agad na kinuha ang platitong dala ni Kael at kumuha ng slice ng cake sa box. Tinitigan namin si Isaac.
Alam naming ayaw niya ng may ibang nakain sa cake na bigay ni Kael sa kaniya. Pero ang inaasahan naming reaksyon ay hindi namin nakuha.
"What the fuck is happening to you, Isaac Rye Jamilton?!" Malakas na sigaw ni Kael. Napikon na siguro si pareng Kael. Napatigil sa pagsubo si Annaliese, nakanguso at nalilitong tinignan niya si Isaac na nakangiti pang tumingin sa aming lahat.
"I'm in love."