Chapter 23
Spencer
"NO student is allowed here if they don't have a sobriquet." Sabi ng lalaki. Nilagpasan niya ang babaeng naglulupasay kanina at naglakad palapit sa akin.
"What do you mean?"
"Come with me and I'll tell you what is it." Nakangiti siya ngunit ang mata niya ay may ibang pahiwatig. Tumalim ang titig ko sa kaniya.
Nakarinig ako ng singhapan sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa pinag-uusapan namin.
"No." Walang emosyon kong saad. His mouth gasped in air. Parang gulat na gulat siya dahil ngayon lang may tumanggi sa kaniya.
Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan siya pero agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ang tangka kong pag alis. Napayuko ako ng maramdaman kong kulay pula na ang aking mata. Kahit na may contact lens akong suot.
Nagiging dark ang kulay nito, dark red to be exact. Kaya ng makita ito ng babaeng nakasagupa ko sa cafeteria noong nakaraang araw ay tinawag ako nitong halimaw.
Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ang kulay ng mata ko. Kahit anong tanong ko noon kay Aunt-mom ay pilit niyang iniiwasan na sagutin.
Minsan ay sasabihin niyang pag laki ko ay maiintindihan ko ngunit ng mamatay sila pareho ni Uncle-dad.
Lalo akong nawalan ng sagot.
Sagot kung bakit ganito ang kulay ng mga mata ko. Kahit anong research ko sa internet walang ganitong case na nagbabago ang kulay ng mata kapag nagti-trigger or nagagalit.
"State your real name." Hindi ko namalayang hawak niya pa rin pala ang braso ako. Nawala na rin ang kulay pulang bumalot sa mata ko.
Humarap ako sa kaniya, parang nagulat pa siya sa biglang pag tagilid ng mukha ko paharap sa mukha niya.
"W-woah, easy there missy. Hindi ako sa Finlo, kaya hindi kita hahalikan."
Tumatawa niyang sabi na parang nakalimutan niyang pinapanood kami ng mga estudyante. Lalo lang nawala ang mata niya havang tumatawa. Mukha siyang siopao na chinese.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. Hmm, I shouldn't let my guard down. That fucking Z was--
"Go in our headquarter for your punishment Miss?" Nang mapatingin ako sa kaniya ay hawak niya na ang booklet na tinawag nilang Diabolus Dispasire ba? Nah, don't think about it's name, Spencer. You don't care.
"Spencer." Natulala siya ng banggitin ko ang pangalan ko pero hindi na siya nag-komento at agad na isinulat ang pangalan ko sa booklet.
Sunod niyang binalingan ang babaeng masama ang tingin sa akin. "You, come with me." Parang naging maamong tupa siya ng marinig ang sinabi nitong Denzel na 'to.
She rolled her eyes on me like she was the winner. Napatutsa nalang ako. Sana pala hindi ko pinatulan tong mukhang clown na ito.
Ano kayang punishment ang naghihintay sa akin?
***
NAGLALAKAD na ako sa hallway ng university. Kakatapos lang ng apat na oras at kalahating klase. It's monday today but they want us to train a basic self-defense?
Why? Kung natatandaan ko ay Saturday ang training namin.
Judo class ngayon ang ipinagawa sa amin. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil gamay ko ang mga basic ng judo. Basic lang ang itinuro sa amin dahil pang self-defense lang naman ang nais nila ituro.
I'm an old-timer judoka in Japan at the age of 10. I succeed having a black belt when I turned eleven and I had the full training in airsoft.
Kaya ngayong may klase akong ganito sa Sinister University ay hindi na ako nahirapan dahil lahat ay puro basic lang.
Naalala ko ang sinabi kanina ng isa sa mga member ng Sovran chuchu na iyon. Wala akong balak pumunta sa sinasabing headquarter nung lalaki. I don't follow orders from other.
I think I'm hungry, where restaurant should I eat? Italian or Korean? Hmm I think I'm craving in macédoine. It's a French food, a mixture of fruit or vegetable served as a salad or cocktail in garnish.
I don't eat rice in dinner, just a fruit or veggies for my proper diet.
Tsaka ayoko ng mabigat sa tiyan lalo na at pagod ako, mahirap matulog kapag mabigat ang tiyan mo. Madalas din ang pagkapuyat kapag mabigat pa ang tiyan mo.
Magiging hindi ka komportable.
Malapit na ako sa gate, hindi ko na kailangang dumaan sa parking lot dahil wala akong dalang sasakyan ngayong araw.
Napatingin ako sa paligid, kataka-takang tahimik ang mga estudyante. Kanina ko pa napapansing walang bubuyog na bubulong-bulong habang nadaaan ako.
Hindi ko alam pero parang takot silang lahat. Hindi sa akin, alam ko dahil pansin ko at ramdam kong iba ang kinakatakutan nila.
"Bestie!" Naagaw ng atensyon ko ang malakas at pamilyar na tining ng boses. Sumigaw iyon at ramdam kong napatingin sa akin lahat. Alam ko agad kung sino.
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon.
"B-bestie.." Nilingon ko na siya. Hinihingal siya habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya. Halatang malayo ang tinakbo niya dahil para magkaroon ng maraming pawis ang mukha at leeg niya.
"Sabi *hah!* nila.. narinig ko.." Hingal na hingal pa rin siya. Tinitigan ko lang kung paano siya maghabol ng hininga sa harapan ko.
Gaano ba kalayo ang tinakbo nito papunta sa kinaroroonan ko at hiningal ng ganito. Namintog at namumula ang mukha niya.
Yung bangs niya naggiging tatlo nalang dahil pawis na pawis siya.
Ang pinaka ikinatataka ko eh, gaano ba kaimportante ang narinig niya at hinabol niya pa ko?
"Bestietotoobangasdfghjkl." Hindi ko na naitindihan ang tanong niya dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa main gate. Gutom na gutom na ako at abala siya sa gagawin ko.
"Spencer naman! Hoi!" Patuloy pa rin ang lakad ko. Hanggang sa makarating ako sa mismong gate. Humarang agad ang security ng university.
Tatlo sila ngayon may mga hawak na payong na kung titingnan ay hindi akma sa kanilang trabaho. Long and big umbrellas that if you're a ordinary person, you'll think that it is an ordinary umbrella.
But it's really not.
"ID, miss." Ibinigay ko naman ang ID ko sa kaniya. Sunod na nagsalita ang may makinis na hairstyle.
"Please step forward in the monitor." Sinunod ko na lang ang patakaran nila dahil nagugutom na ako.
"Tell to the monitor your full name." Eto ang mahirap sa pretigious at international school. Maraming arte!
Before I state my name, someone dragged me out of the monitor. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakaalma.
Naguguluhan na lang akong nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko na patuloy akong hinihila papasok ulit sa university.
Nagugutom na'ko!