Chapter 24
Someone's POV
I can see her clearly in this position. Nakakunot ang noo niyang pinapanood ang mga kaklaseng paunang sabak pa lang sa ring ay agad ng bumabagsak.
Mula kanina ko pa siya pinagmamasdan. Napakaganda talaga ng mukha niya ngunit alam kong mas maganda siya kung wala s'yang contact lens na suot.
Ang kaniyang mata na alam kong kulay luntian. Nagmumukha siyang inosente kahit alam mong malamig ito.
Ngunit kahit gano'n ang kulay nito hindi mo pa rin malalaman ang nararamdaman niya o ang iniisip niya. Mas madalas kasing wala siyang emosyon at pakielam sa paligid niya.
Kilalang-kilala ko na siya mula pagkabata namin.
Nangako ka sa akin, H. Pero bakit gano'n? Ako ba talaga ang may kasalanan? Ako nga ba ang nagkulang?
Ngunit alam kong hindi ako dahil siya ang nakalimot sa akin. Hindi niya na ako natatandaan. Ano ang iyong dahilan at pinili mong kalimutan ang iyong nakaraan?
Bakit mo ako kinalimutan, H?
Paglabas niya ng training hall napansin ko agad na pinauna siyang palabasin ng mga kaklase niya.
Alam kong hindi niya napansin ang mga takot nilang ekspresyon. Wala siyang pakielam sa kapaligiran niya. Napansin ko ring halos lahat ng madaraanan niya ay nakayuko.
Kahit ako ay napapatanong. Bakit nila siya iniiwasang tignan?
Napatingin siya sa paligid niya, siguro'y naramdamang may kakaiba ngunit elibs talaga ako sa kaniya. Naging tulala ulit siya habang naglalakad palabas ng main hall ng eskwelahan.
Hindi ko siya masyadong tinitignan dahil tiyak mararamdaman niyang may nagmamasid sa kaniya. Pasulyap-sulyap na lang ako simula ng makalabas siya sa main hall.
Dahil alam kong kapag lumabas siya ay ako ang una niyang hahanapin
Napansin kong malapit na siya sa gate ng unibersidad. Bakit hindi siya dumeretso sa parking lot? At ang alam ko ay bawal lumabas sa main gate kapag Monday to Saturday.
Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya malaya ko siyang pinagmasdan. Napansin kong may babaeng papalapit sa kaniya.
Tumatakbo ito. Mahaba ang kulay brown na buhok at chubby. Maputi rin ito at makinis ngunit hindi akma sa babae ang pagiging magaslaw.
Tsk tsk. Nakakaturn-off.
Napailing na lang ako sa naisip. Sandali lang silang nag usap dahil agad niya na itong tinalikuran.
Rude.
Halatang hingal na hingal ang babae dahil nakahawak pa sa dalawang tuhod habang nagpapahinga.
Grabe. Saan ba siya nang galing at gano'n na lang ang pagod niya?
Hindi ko namalayang wala na ang kanina ko pang pinagmamasdan. Nalingat lang ako, nawala agad?
"Tss. Saan siya nag punta?" Tanong ko sa sarili. Tinignan ko pa ang ibang estudyante na naglalakad.
Walang nakakapansin sa dereksyon ko dahil natatabunan ako ng mga dahon ng mahogany tree.
Napanguso na lang ako dahil hindi ko siya napansing nawala. Dahan-dahan akong umupo patalikod sa harap ng main hall.
Tinignan ko na lang ang cctvs sa area nitong eskwelahan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang mas mataas na building dito sa kinalalagyan ko. Nasa rooftop ako ng Ium Building. Wala na sigurong makakakita sa akin dito.
Minsan lang kita pag masdan, nawala ka nanaman.
Tatalikod na sana ako para umalis pero hindi ko napigilang 'wag sulyapan ang kaninang kinapupwestuhan niya na sana pala ay hindi ko ginawa.
Paglingon ko paharap sa main hall ay agad akong kinilabutan. Hindi ko alam kung paano pero alam kong nakikita niya ako. Nakakatakot na mata ang sumulyap sa akin. Kulay pula. P-paanong nangyaring?
Sa akin pa rin siya nakatitig at ramdam ko ang kilabot na nararamdaman ko sa kaibuturan ng aking katawan. Hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko.
I-ikaw na ba talaga iyan, H? B-bakit kahit ako na iyong k-kasintahan ay hindi ka na k-kilala?
P-paano ako a-alis sa g-ganitong p-pwesto kung pakiramdam ko ay bibitayin ako?
***
Spencer
"WHERE the hell is he?" Lalo pang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. At dahil nagutom ako pinabayaan ko na lang siya. Tsk. Sino ba to?
Patuloy niya pa rin akong hinihila. Saan niya ba ako dadalhin? Pasalamat siya nasa mood ako ngay--
Nagulat ako ng pabalya niya akong bitawan. Para siyang nakakita ng multo habang umaatras. My forehead creased in his reaction.
"W-who the hell are you?" Nanginginig niya pang tanong. Walang emosyon ko siyang tinignan at hindi siya sinagot.
"A-answer m-me!" Nanatili pa din akong nakatitig sa kaniya. Mangibot-ngibot ang bibig niya dahil sa kaba?
O takot? Mmm?
Nang hindi pa rin ako sumagot ay mukhang natauhan siya. Mabilis niyang pinostura ang sarili at agad na hinimas ang batok. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya.
Maamo at mukhang hindi gagawa ng masama ngunit wala akong tiwala. Looks can be deceiving. He may look innocent but I know he has a devil inside him. Everyone has.
His steamy hazelnut eyes looks calm. But the fear and nervousness was still evident.
Matagal kaming nagtitigan hanggang sa siya ang maunang umiwas.
"I-ikaw ba ang n-nahila ko?" Nauutal niyang tanong. Pero hindi pa rin ako sumagot. Halatang unti-unti na rin siyang naiinis sa hindi ko pag-sagot ngunit dahil likas sa akin ang walang pakielam, wala pa rin akong pakielam kahit mag speech pa siya diyan.
"Tsk. Are you deaf and mute?" Tumalim ang tingin niya sa akin. Kaya hindi ko na siya pinansin at tinalikuran siya.
"W-what? Hey, miss--" Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko, dala ng inis agad kong hinablot ang kamay niya at pabaligtad ko siyang inihambalos sa semento.
Unbearable pain was evidence on his face. "Argh. Damn it!" Pabalibag kong inihagis ang kamay niya at iniluhod ko ang kaliwa kong tuhod para makapantay ng mukha ko ang mukha niya.
Idinantay ko ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha niya. Halatang hindi niya inaasahan ang ginawa kong aksyon dahil na corner ko siya.
Halata sa kaniyang mata ang takot, kaba at paghanga. I let out my mischievous grin. I moved my face in his left ear.
"Je suis la reine de l'enfer." Bulong ko sa kaniya na halata kong lalo niyang ikinakaba. Mas lumawak ang ngisi ko ng maramdaman ko ang takot niya.
Nagpapagpag ang kamay na tumayo ako. He's still on the stage of shock. Nanatili siyang nakahiga.
Nakatitig pa rin siya sa akin ngunit bakas at ramdam ko na ang takot.
