Chapter 1

64 2 0
                                    

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ko habang nililinga ang tingin sa paligid ko. Bawat magulang ay pumupunta sa kanilang batiin ito sa pagtatapos ng eskwela ngayong taon. It's our graduation today. Wearing a white toga and cap, a flower pinned to our left chest.

Tinanggal ko ang suot-suot kong cap. Bumaba ang mata ko sa dalwang medalyang nakasuot sa leeg ko. Hawak-hawak ko rin ang mga certificates na natanggap ko sa pagiging salutatorian ng junior high school.

"You did so well, Christine..." Bulong ko sa sarili ko at may ngiti sa labi. Dahil tapos na ang ceremony, pakalat-kalat na ang mga estudyante sa paligid. Hindi ko na rin matanaw ang mga kaibigan ko kung nasaan sila. Siguro ay kausap ang mga magulang nila.

Nagpasya akong umupo nalang sa gilid ng bleachers ng gym namin. Inilapag ko ang mga hawak ko sa tabi at pinagmamasdan ang mga taong nasa harap ko.

Ito ang pangalawang graduation na walang dumalo para saakin. Aaminin ko, nakakainggit at nakakalungkot dahil napapaligiran ako ng mga masasayang magulang. Kahit ako ang nakatanggap ng isa sa mataas na parangal, wala naman masaya para saakin.

Kahit sabihin ko ulit sa sarili ko na sanay na ako, ayoko pa rin mawalan ng pag-asa na balang araw, makakadalo rin sila sa ganitong pangyayari sa buhay ko. Para sakanila ang lahat ng ginagawa ko. Baka sakaling mapansin at mahalin nila ako sa ganitong paraan.

"Mag-isa ka na naman."

Napalingon ako sa tabi ko.

"Grant." Tawag ko.

Ipinatong niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Wala naman. Pinapahupa ko lang 'yung mga tao para mahanap ko sila Cath."

Marahan siyang tumango at kinuha ang mga gamit na nakalapag sa tabi ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, "Tara nanduon sila."

Ngumiti ako at tumayo.

"Kanina ka pa ba nakaupo roon?"

Umiling ako, "Kakaupo ko lang. Nahiwalay lang ako sainyo nung natapos na 'yung ceremony."

"May handaan kila Cath, sasama ka diba?"

Hindi ko alam ang tungkol doon. Ang sabi ko sa Tita ko, maaga akong uuwi para kay Charlotte.

"Itetext ko lang ang Tita ko." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda na suot ko. Mag-papasuyo ako na bantayan si Charlotte kung sakaling gabihin kami.


To Tita Emma:

Tita, may handaan po sa bahay ng kaibigan ko. Sorry po kung gagabihin ako at pakisabi na rin po kay Charlotte iyon. Salamat po.


"Chris." Napaangat ako ng tingin kay Grant nang tawagin niya ako. "Sinabi mo ba sa magulang mo na ngayon ang graduation natin?" Tanong niya.

Malakas akong bumuga ng hangin dahil sa tanong niya. Wala naman na akong matatago sakanila dahil alam na nila ang sitwasyon ko at isa pa, mahirap itago ang mga bagay na pilit na sumusulpot.

"Sinubukan ko pero," kinagat ko ang ibabang labi ko. "N-Natatakot ako..."

Hindi umimik si Grant. Tapat naman ako sakanila dahil sila lang ang nakakausap ko na maayos kapag nasa labas ako. Sa tuwing kasama ko sila, wala akong takot.

Medyo napaigtad ako nang maramdaman ang papulupot ng braso ni Grant sa balikat ko na ikinatingin ko sakanya.

"Ang ganda ng speech mo kanina," ngiting sambit niya.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon