Chapter 28

28 2 1
                                    

Pinapanood ko ang mga sasakyang nadadaanan namin mula sa labas ng bintana. Its already night. Ginabi kaming dalawa dahil tinapos ni Nico ang pag-rereview niya habang ako ay hindi nakapag-concentrate dahil hindi pa rin maalis sa isip ko iyon.

Mag-mula ng sabihin ni Nico na kalimutan ko ang narinig ko kay Rm, hindi na ulit kami nag-imikan sa isa't-isa. Pakiramdam ko, kahit itanong ko ulit kung ano ang ibig-sabihin ni Rem sa mga sinabi niya ay hindi sasabihin saakin ni Nico.

Like I don't have choice to hide myself at the corner.

Sino bang hindi maiintriga kung ganun ang maririnig mo? Sinong hindi maguguluhan ikaw lang ang hindi nakakaintindi habang sila, alam na alam nila ang pinaguusapan nilang dalawa? Iniisip ko kung ako ba ang pinaguusapan nila kaya hindi masabi ni Nico ang bagay na 'yon.

Masasaktan ba ako kapag nalaman ko 'yon? Masisira ba kaming dalawa?

Sinulyapan ko si Nico na tahimik na nag-mamaneho sa tabi ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngayon. Pinoprotektahan niya ba ako sa paraan na ganito? Alam niya bang unti-unti akong nasasaktan dahil sa hindi niya pagiging tapat saakin.

Kung ano naman 'yon, tatanggapin ko.

Hindi ako magagalit dahil hindi naman ako marunong magalit. Kung masasaktan 'man ako, okay lang dahil atleast, sinabi niya saakin. Gagawa ako ng paraan para hindi kami magkalabuan.

Gagawin ko ang lahat kasi mahal ko siya.

"We're home," mahinang sambit ko pagdating namin sa bahay. Tulad ng dati, sinalubong kami ni Dream. "Let's go, baby."

Umakyat ako sa kwarto para mag-palit ng pambahaya at bumaba ulit para mag-luto ng hapunan namin ni Nico. Pagkatapos kong mag-luto ay tinawag ko na siya para sabay kami kumain.

"I'll eat later. You can eat first."

Hindi na ako nakapagsalita at pinanood ang palayo niyang likod saakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at bumalik sa kusina para kumain. Before I eat, I feed Mirri and Dream.

Kunti lang ang nakain ko dahil nawalan ako ng gana. I feel so empty without him. Iniiwasan niya ba ako dahil baka mag-tanong ulit ako at para hindi naming mapag-usapan ang tungkol doon?

Bumuga ako ng hangin at iniling ang ulo ko para pansamantalang tanggalin ang bagay na 'yon sa isip ko. Kailangan ko pang mag-aral dahil may exam pa kami bukas.

Sumunod saakin si Dream sa kwarto ko. Umupo ako sa study desk ko at nag-simula ng mag-aral.

Natapos ako mga bandang ala-una. Inunat ko ang braso ko at tumayo para matulog na. Mahina akong natawa nang makita ko si Dream na natutulog sa kama ko. Ako tuloy ang nahiya na tumabi dahil baka magising ko siya.

Naisip kong silipin si Nico sa kwarto niya. Baka hanggang ngayon ay may ginagawa pa rin siya at nakalimutan niya ng kumain.

Pero naabutan kong tulog na siya. Walang ingay akong nag-lakad palapit sakanya. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Naiwan niya pang bukas ang lamp shade na nasa gilid ng kama niya.

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Inangat ko ang kamay ko at maingat na sinuklay ang buhok niya. Hindi ko matatanong kung kumain na ba siya o natulog siya ng hindi kumakain.

"Kailan mo kaya sasabihin saakin 'yon?" Bulong ko sa sarili ko at patuloy na sinusuklay ang buhok niya. Maingat ako dahil ayokong magising ko siya. "Pero alam mo naman 'di ba? Tulad ng sinabi ko sa'yo dati, lagi kitang hihintayin."

Napatigil ako nang gumalaw siya at tinalikuran ako. Ngiting napa-iling nalang ako. Hindi niya pa rin ako nararamdaman. Dumukwang ako palapit sakanya at hinalikan ang sintido niya.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon