Chapter 16

33 1 10
                                    

"May apat po akong morning class tapos dalawang tanghali po. Bali ang napagkasunduan po namin ni Nico, 'yung amo ko po ay pwede akong matulog doon para magawa ko pa rin ang trabaho ko."

Halos mahilo ako kanina habang pinag-uusapan namin ni Nico ang mangyayari dahil sobrang up tight ng schedule namin this year. Isang araw lang ang walang pasok ko. May saturday class ako na hapon. Buti nalang din ay mag-kaklase kami ni Nico at agad nag-kasundo sa pinagusapan namin kanina.

"Nico?" Kunot-noong tanong ni Tita Emma. Sinasabi ko sakanya ang napag-usapan namin ni Nico para alam niya kung bakit hindi ako makakauwi ng ilang araw. Hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko kahit na mag-kakilala kami ni Nico na amo ko.

"Kaklase ko po siya," sagot ko.

"Tapos may bahay?"

Tumango ako, "Opo."

"Akala ko, pamilyado o kaya matanda na ang amo mo."

Mahina akong natawa at umiling. "Uhm... base po sa sinabi niya, sa mama niya raw po 'yung bahay tapos siya lang ang nakatira roon kasi nasa ibang bansa ang mama niya."

Nalaglag ang panga ng Tita ko dahil sa sinabi ko at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Iyon lang ang alam ko na dahilan na sinabi mismo ni Nico saakin at wala ng iba.

Nang makabawi si Tita ay malakas siyang tumikhim, "Oh, sige. Ituloy mo na ulit ang plano mo."

Malakas akong bumuga ng hangin saka nag-salita. "Balak ko po sana, since mukhang marunong na po si Charlotte mag-luto, siya nalang po 'yung bahala sa apat na araw na pagkain nila Mama."

"O, kaya mag-papadala nalang ako ng lutong ulam kila Ate. Kilala ko silang dalawa," humalukipkip si Tita at sumandal sa upuan. "Kapag masama ang gising, delikado para kay Charlotte."

Marahan akong napatango bilang pangsang-ayon sa sinabi ng Tita ko. "Thank you po," ani ko. "Pagkatapos ko ng apat na araw, uuwi po ako kinaumagahan since tanghali naman po 'yung pasok ko pero sa bahay pa rin po ako ni Nico uuwi kung ayos lang po sainyo 'yon."

"Kung diyan ka okay, okay lang lang din saakin. Lagi ko naman sinasabi na ako bahala kay Charlotte," nakangiting sambit ni Tita. "Ituloy mo lang lahat ng gusto mong plano para sainyong dalawa. Kung nasaan kayo, andoon din ako."

I smiled warmly to her. Both of us want to escape on where we are right now. Konti nalang... Ilang araw at buwan nalang ang bibilangin ko basta maganda ang ginagawa ko sa trabaho ko, makakaalis na kami. Unti-unti, hihiwalay na kami sa magulang namin. Mamumuhay na kami sa wakas ng tahimik at masaya. Kaming dalawa lang ng kapatid ko kasama ang Tita namin na tumayong magulang namin.

"Charlotte, halika rito." Tawag ko sa kapatid ko na nag-lalaro sa cellphone niya na binigay ko. Binitawan niya ang phone niya at walang imik na lumapit saakin. Dinampot ko ang suklay sa tabi ko at sinimulang suklayan ang buhok ni Charlotte. "Makinig ka saakin ha?"

Tumango siya.

"Kay Tita Emma ka muna matutulog simula bukas, okay?" Malumanay kong sabi sakanya habang sinusuklayan siya. "Hindi na rin kita mahahatid at masusundo sa school mo pero may tiwala naman ako sayo na iingatan mo ang sarili mo diba?"

"Opo, Ate..."

"Pasensya ka na kung hindi muna kita maalagaan pansamantala."

"Kaya ko na po ang sarili ko, Ate."

Tumawa ako at itinigil ang pagsusuklay sakanya. "Talaga? Hindi ka na kailangan alagaan ni Ate?"

Nilingon niya ako, "Malaki na po ako."

Mahina kong pinisil ang pisngi niya, "Alam ko pero baby ka pa rin sa paningin ko."

She looked at me flatly and gently remove my hand from her cheeks. "Ate naman..."

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon