Chapter 33

53 1 2
                                    

"Why did I even go here?"

Kanina ko pa pinag-mamasdan ang malaking gate na nasa harap ko. Hindi ko inaasahang babalik pa ako sa lugar na 'to pag-katapos ng ilang taon. Wala rin akong ka-alam alam na parte pala ng pagiging sekretarya niya ang pagpunta ko sa bahay niya.

"Ano po? Sa bahay niyo po?"

[Yeah. Bring the paper works to my house and cancel all my appointments today.] sagot ni Nico.

Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Kakagising ko lang para mag-ayos dahil may pasok ako ngayong araw at nagulat ako, biglang tumawag si Nico saakin.

"Bakit po? Hindi po ba kayo makakapasok sa opisina?" sunod-sunod kong tanong.

[I don't think I can.]

Kumunot ang noo ko, "May nangyari po ba, Sir?"

[Nothing. Ibigay mo lang saakin 'yung mga tatrabahuin ko at pwede ka ng umuwi.]

Pagkatapos 'non ay binaba niya na ang tawag. Hinatid ko si Cassie sa school niya at dumaan sa opisina para kunin ang mga papeles na dapat niyang basahin ngayong araw. Nag-taxi ako papunta sa bahay niya at sa daan ko kinontact ang mga dapat niyang kikitain ngayong araw.

Akala ko lumipat siya ng bahay pero nanatili pa rin pala siya sa malaki niyang bahay. Baka naman may kasama siya sa loob? Asawa niya? 'Di ko alam! Wala naman akong planong alamin kung pamilyado na ba siya o hindi.

Nilabas ko ang phone ko para tawagan siya at sabihin na narito na ako sa tapat ng gate niya. Ayoko naman bigla-bigla nalang pumasok na parang nakatira ako rito.

"Andito na ako," sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

[It's open.]

"Bakit nakabukas ang gate mo? Paano kapag may pumasok na mag-nanakaw?" Pangaral ko sakanya binuksan ang gate saka pumasok. "Asan ka ba?"

[Office.]

Malakas akong bumuntong-hininga at pinatay na ang tawag. Naglakad ako papuntang main door. Wala pa rin pagbabago sa paligid ng bahay niya. Kahit matagal na ng huli ako nandito, ganon pa rin ang itsura.

Nang buksan ko ang malaking pinto ay nakarinig ako ng malakas na tahol. Is that... Dream? Nandito pa rin siya? Malakas akong napasinghap nang makita si Dream na tumatakbo papunta saakin.

Lumuhod ako para salubungin siya. She jumps on me and lick my face, excitedly. Mahina akong natawa at niyakap si Dream. I'm happy that she still here! And she still recognized me after so many years.

"You missed me that much?" malambing kong tanong kay Dream. Malakas siyang tumahol at nag-paikot ikot sa harap ko. "I'm sorry for leaving you, Dream." Tipid akong ngumiti. She probably won't understand me after all.

Tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ni Nico dahil sa pagkakatanda ko ay nasa loob ng kwarto niya ang office niya. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

"Sir, I'm here," sabi ko. Naabutan ko siyang balot na balot ng comforter kahit nakapatay ang aircon niya. Akala ko ba nasa office siya? Bakit mukhang natutulog siya?

"Thanks. Just leave it on my desk," rinig kong sabi niya.

Walang imik na sinunod ko ang sinabi niya. Paglabas ko ng office niya ay napatingin ako sakanya. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko alam kung natutulog ba siya o gising. Parang lamig na lamig siya kahit hindi nakabukas ang aircon niya.

"Okay ka lang, Sir?" Hindi ko na mapigilang mag-tanong. Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya. "May sakit ba kayo?"

"N-No... You can go home," mahinang sagot niya.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon