Chapter 15

38 1 8
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng mag-simula akong magtrabaho sa bahay ni Nico. I'm kind of surprise dahil kadalasan, wala siya buong araw sa bahay at ako lang ang tao roon at ginagawa ang trabaho ko tulad ng linisin ang napaka-lawak na kwarto ni Nico, ipagluto siya ng breakfast and dinner. Minsan lang siya mag-lunch sa bahay dahil wala siya sa bahay sa oras na 'yon.

Normal naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Halos hindi narin kami nag-papalitan ng salita dahil mailap ko lang siya makita. Kapag natatapos ko ang mga gawain ko at marami pa akong oras ay tumatambay lang ako sa garden na nasa likod lang ng bahay ni Nico. Hindi ko nga inaakalang mahilig pala mag-alaga ng halaman ang lalake na 'yon.

Bago sumapit ang gabi, nag-luluto na ako ng dinner bago ako umalis at pag-dating naman ni Nico ay nakahanda na ang pagkain niya. Ganon ang set-up namin dalawa. We rarely see each other since we're both working.

Laging tulog si Charlotte sa tuwing umuuwi ako ng gabi. Bakasyon kaya wala naman siyang ginagawa kung hindi ay tumulong kay Tita at mag-laro sa mga kaibigan niya. Biglang sumagi sa isip ko na sa susunod na taon ay gagraduate na siya ng grade school.

"Ano ba ang trabaho mo ngayon?" Tanong ni Tita Emma. Kakauwi ko lang at sinabihan niya ako na mag-pahinga saglit dito sa sala. Habang nasa itaas si Charlotte, natutulog.

Sumimsim ako ng juice na binigay ni Tita kanina bago nag-salita. "Parang katulong po. Malaki 'yung sweldo kaya kumagat ako at kilala ko naman 'yung amo ko," sagot ko.

Bumalakid ang pag-aalala sa mukha niya, "Sigurado ka?"

"Opo," ngiting sabi ko. Hindi rin naman ako ganon napapagod sa trabaho ko. Mabait din si Nico dahil tinanggap niya 'yung alok ko. Naging madali ang buhay ko saglit.

Buntong-hiningang tumango si Tita. "Oh, sige. Kung 'yan ang sabi mo. 'Wag mo kaming intindihin ni Charlotte rito. Tinuturuan ko na rin siya mag-luto kahit papaano."

"Talaga po? Salamat, Tita. Hayaan niyo po, sa unang sweldo ko, kakain tayo sa labas tatlo."

"Hay nako, hindi na. Ipunin mo para sa sarili mo."

Wala naman akong gusto. Iyon ang gustong sabihin pero hindi ko nalang sinabi at ngumiti na lamang. Sa tulong ni Tita, naraos ko ang unang taon ko sa kolehiyo. Hindi 'man naging madali nung una pero ang mahalaga, hindi ako tumigil. At wala rin akong balak na gawin 'yon kahit anong pilit ng magulang ko saakin.

Naging mabilis ang paglipas ng araw ko. Kapag wala akong pasok, tumutulong ako kay Tita sa pagtinda. Ganon lang ang routine ko sa araw-araw at walang espesyal doon.

"Christine."

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko na tinawag ako ni Nico. Pagharap ko, una ko agad napansin ang suot niya. Wearing a white long sleeve with his black tie and black slacks. His hair neatly brush up. Holding his brief case on his right hand.

"Aalis ka na?" Tanong ko at binitawan ang hose. Nag-didilig kasi ako ng halaman at base palang sa suot ni Nico, papasok na siya sa trabaho niya.

Tumango siya, "Here." Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Puting envelope ang nakita kong hawak niya. "Your salary."

My mouth went to 'o' and took it from him. Tiningala ko siya at ngumiti, "Thank you."

"You can also leave early today," sabi niya at tumalikod saka nag-lakad na paalis. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nawala agad siya sa paningin ko.

Tinapos ko muna ang lahat ng trabaho ko at nag-luto para sa dinner ni Nico mamaya pag-uwi niya. Nag-sabi naman siya na marunong siya mag-microwave ng pagkain kaya mukhang hindi na ako mag-aalala na hindi siya makakakain pag-uwi niya.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon