Chapter 14

25 1 2
                                    

"Tulog na si Charlotte," bungad na sabi ni Tita nang makarating ako.

Lumapit ako kay Tita na naka-upo sa pang-isahang upuan at mukhang nanonood siya sa tv dahil nakabukas iyon. Paglapit ko ay nag-mano ako.

"Okay po. Kukunin ko lang po siya," sabi ko at isang tango lang ang sinagot ni Tita. Umakyat ako sa kwarto ni Tita para kunin na ang kapatid ko. Binuhat ko si Charlotte at kasama ang bag niya na pang-iskwela bago bumaba. "Salamat po, Tita."

Tumayo si Tita at sinamahan ako palabas. "Mag-ingat kayong dalawa."

"Opo," sagot ko at tuluyan ng nag-lakad papuntang bahay namin. Pagkarating namin ay nilatag ko ang banig pati mga unan sa sahig saka hiniga si Charlotte. Nag-palit ako ng pang bahay na damit at nag-hilamos.

Hindi pa ako matutulog dahil kailangan kong mag-aral para sa paparating namin na mid-terms. Gagawin ko rin ang mga assignments at reports na kailangan ipasa ngayong linggo.

Kinuha ko ang foldable desk ko at ang luma kong lamp desk na bigay saakin ni Cath. Matagal na saakin 'to kaya todo ang pag-iingat ko dahil ginagamit ko siya kapag nag-aaral ako dahil hindi ko binubuksan ang ilaw dito sa kwarto namin.

Pagkatapos kong mag-aral ng halos dalawang oras ay nag-pasya na akong matulog. Maaga pa ang pasok ko bukas pati rin si Charlotte. Nagising ako ng ala-singko. Bumangon ako at ginising si Charlotte para sabihan siyang maligo na habang ako ay dumiretso ng kusina para mag-luto ng almusal para saamin at kila Mama.

Hindi ko na matandaan kung kailan ko silang huling nakita. Madalang lang na magising sila ng maaga at sa gabi rin. Alam kong nasa kwarto lang sila ng second floor, nag-kukulong at nagpapaka-adik sa mga bisyo nila.

Patagal ng patagal, nawawalan na ako ng pake sakanila. Tumatanda na rin ako at lumalaki na rin si Charlotte. Ang balak na pag-alis namin sa poder ng mga magulang namin, nararamdaman kong mapalapit na. May naiipon na rin ako kahit paano pero hindi ko pa ang kung saan kami titira ni Charlotte pag-alis namin.

Naging mabilis ang pagdaan ng araw. Sumapit na rin ang birthday ko pero hindi ako nag-celebrate dahil hell week namin iyon. Masaya na ako na nakatanggap ako ng pagbati galing sa mga kaibigan ko.

janicegal: Happy Birthday to our sunshineee! I miss you!

smargie: Happy Birthday. Take care.

cathisag: Happy Birthday, mare. Stay strong kayo ng Nico mo.

jeanedrianne: hala teh. pasmado ka ata.

jeanedrianne: Happy Birthday. Pa-chicken joy ka naman.

achrisdv: Akala ko ba diet ka?

achrisdv: @cathisag pinagsasabi mo mare

grantsantos: maligayang bati lodi

cathisag: tanga kaarawan 'yon.

grantsantos: ay weh. may sumasapaw. birthday mo?

cathisag: bobo ka tanga

Sinabi ko na rin kay Tita Emma na 'wag ng paghandaan ang birthday ko dahil iyon ang kagustuhan ko. Wala naman espesyal sa araw na 'yon. Hindi nga alam ng mga magulang namin na gumawa saamin kung kailan nila kami dinala sa mundong 'to.

"Chris! Day-off mo ba?" Tanong ni Rem.

"Oo, bakit?" Kunot-noong tanong ko.

"Sama ka saamin! Pupunta kami ng food park since tapos na ang mid-terms natin."

Balak ko sanang maaga umuwi at mag-pahinga pero naisip ko, matagal ko ng tinatanggihan si Rem at Kaleb sa tuwing inaaya nila ako. Ngiting tumango bilang pang-sangayon na sasama ako sakanila.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon