Chapter 32

47 1 2
                                    

"Sorry talaga, Jean. Ilang araw lang ako roon at pagdating namin dito, kukunin ko agad siya."

Kay Jean ko iniwan pansamantala si Cassie. I feel so sorry dahil kailangan pa ni Jean lumuwas sa Manila. Sa La Union kasi siya nakatira at naroon ang trabaho niya. Bukas na ang flight namin ni Nico papuntang Singapore.

"Ayos lang. Nakapag-paaalam naman ako sa boss ko," mahinahong sabi ni Jean. Parehas namin pinapanood si Cassie na mag-laro sa sala. Hinihintay lang namin na dalawin siya ng antok at may pasok pa siya bukas sa school niya.

"Hindi ko naman alam na pati ako isasama niya," sabi ko.

"Secretary ka ng boss mo kaya malamang kung nasaan siya, dapat naroon ka rin."

"Ang masama, si Nicholas ang boss ko."

Mabilis na napalingon saakin si Jean sa sinabi ko. Nang mag-katinginan kami ay sumimangot ako habang siya ay halos lumabas na ang mata niya dahil sa pinasabog kong balita.

"Iisang tao lang ang naiisip natin... 'di ba?"

Tumango ako, "'Wag ka mag-alala, nagulat din ako nang mag-kita ulit kami. Hindi ko naman alam na siya pala 'yung may-ari ng matagal ko ng pinagtatrabahuan."

"So..."

"I'm stuck with him," buntong-hiningang sambit ko. "Tapos ang kulit pa ng kaibigan niya! Akala ko nga last day ko nung araw na 'yon." Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Jean. "Kayo ba? Hindi niyo pa ulit nakikita ang isa't-isa?"

Umiling siya, "Wala ng dahilan para mag-kita ulit kami," sagot niya at maliit na ngumiti. "I know we're both in peace in our own battles. I just don't want to associate myself to him again."

"Doon ka na talaga sa La Union?"

"It's my home."

"Well, opposite for me," bitter kong sabi. Alam ni Jean kung bakit ayokong pumunta sa lugar na 'yon dahil naalala ko lang ang katangahan na ginawa ko kasama si Nico. It was special to me but not anymore. Kahit sa Antipolo, hindi na ako tumapak doon ulit.

Iniiwasan ko lang ang mga lugar na nakakapag-paalala tungkol saamin dalawa. I already swore to myself that I will forget everything.

Next day, I woke up early to get ready for my flight. I wear high-waist jean, yellow tank top and a white cardigan. Kinuha ko ang maliit kong maleta at dinouble check kung may naiwan ba ako.

Pumasok ako ng kwarto para mag-iwan ng note kay Charlotte at tignan ulit si Cassie na natutulog pa. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama at pinakatitigan ang kapatid ko.

Ito ang unang beses na hindi namin makikita ang isa't-isa ng ilang araw at malayo ako sakanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nagising siya, nasa ibang-bansa ako at hindi kami tabi matulog mamaya.

Bumuntong-hininga ako at hinalikan ang noo ni Cassie saka lumabas ng kwarto. Para sakanya itong ginagawa ko. Kailangan ko mag-trabaho dahil gusto ko ay mag-karoon siya ng magandang buhay pag-laki niya. 'Yung hindi na siya mamomroblema sa pera dahil andito ako at handa siyang tulungan.

Pag-dating ko sa building kung saan kami mag-hihintayan ni Nico ay umupo muna ako sa sofa ng lobby at hinintay siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang driver na mag-hahatid saamin sa airport.

"Good morning, Sir," bati ko nang makapasok sa sasakyan. Nasa kabilang gilid si Nico habang ako ay nasa gilid lang din. May malaking espasyo sa gitna namin.

"Morning."

Hindi na ako umimik pa at sinuot ang seatbelt ko. Nilabas ko ang ipad para tignan ang schedule ni Nico pagdating namin ng Singapore. Maaga pa naman pero as usual, traffic.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon