Chapter 22

41 1 10
                                    

Yakap-yakap ko si Dream sa bisig ko para hindi siya mag-panic dahil sa tunog ng fireworks mula sa labas. Si Mirri naman ay nasa tabi ni Nico. Parehas silang nakahiga sa kama niya. Malapit na sumapit ang bagong taon at wala kaming balak dalawa ni Nico na lumabas ng bahay. Nanatili lang kami sa tabi ng mga alaga namin.

Ito ang unang beses na hindi ko kasama si Charlotte at Tita Emma na salubungin ang bagong taon. Sinabihan naman ako ni Nico na pwede akong umuwi pero agad kong naisip na mag-isa lang siya sa bahay na sasalubungin ang bagong taon kasama sila Dream kaya napag-desisyonan ko na hindi umuwi at samahan siya. Ako ang nalulungkot para sakanya kung mag-isa lang siya rito.

Kinaumagahan ako umuwi. Binisita ko rin ang bahay namin kung nasaan sila Mama. Hindi na ako nagulat na madatnan ang magulong bahay. Dahil hindi na kami rito natutulog ni Charlotte tulad ng dati, solo ng magulang namin ang buong bahay.

Narinig ko ang mahihinang kalabog mula sa second floor. Siguro ay gising na sila. Pumunta muna ako sa kwarto para mag-palit ng damit bago nag-bihis. Laging naka-lock ang kwarto namin dahil naroon lahat ng importanteng documents na tinatago ko pati rin ang ibang ipon ko.

Sinimulan ko ng linisin ang bahay. Hindi ko na alam kung ilang araw at linggo ko na hindi nakikita ang mukha ng magulang ko dahil busy sila sa kaniya-kaniya nilang bisyo. Minsan, hindi 'man kadalas ay humihiling ako sakanya na baguhin niya ang magulang ko. Na gampanan na nila ang responsibilidad nila saamin ng kapatid ko. Kahit iyon lang... sapat na saakin. Handa naman akong tulungan sila.

I just want a simple family. Is it too much to ask for?

"Asan si Rem?"

Ilang araw din ang lumipas ay bumalik na ulit ang klase ko sa school. Si Kaleb lang ang naabutan ko kaya tinanong ko agad sakanya kung nasaan si Rem dahil lagi silang sabay pumasok.

Nag-kibit bakikat siya saka sumagot, "Hindi ko alam."

"Hindi ba kayo mag-kapit bahay?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Malapit lang bahay namin pero siya ang laging pumupunta sa bahay kapag papasok kami."

Napatango nalang ako sa sinabi ni Kaleb. Hindi ko alam kung napansin din ba niya pero pakiramdam ko, iniiwasan ako ni Rem. Mag-katabi pa rin naman kami pero hindi kami nag-iimikan mag-mula nung reporting namin ni Nico. Nung una ay hindi ko muna 'yon pinansin pero hanggang sumapit na ang Christmas break namin, hindi pa rin kami nag-kakausap.

"Rem," tawag ko sakanya nang makarating siya ng room. Naisip ko na ako nalang siguro ang unang gagawa ng move para mag-kausap kami. She's my friend. Baka may problema siyang hindi masabi saakin. I'm willing to help her.

"Bakit?"

I smiled, warmly. "Kamusta pasko at new year mo?"

Saglit niya akong sinulyapan at inalis din ang tingin saakin. Kinuha niya ang phone niya at binuksan iyon.

"Ayos lang," tipid niyang sagot.

Iyon lang ang naging usapan namin dalawa nung araw na 'yon. Lumipas ang ilang araw, hindi pa rin ako kinakausap ni Rem. Tinanong ko si Kaleb kung may problema ba si Rem.

"Mukhang wala naman. Baka may dalaw kaya ganyan siya."

Ngumuso ako, "Pero nakita kong kinausap ka niya noong isang araw," sabi ko at hindi mapigilang bumuga ng malakas na hangin. "Galit ba siya saakin? Bakit ako lang ang hindi niya kinakausap?"

Mahinang natawa si Kaleb at ginulo ang buhok ko. "Hayaan mo siya. Matagal ko na siyang kilala. Alam ko agad kung may problema siya o wala."

"Pero kahit na... Sana 'man lang imikin niya ako. Pakiramdam ko kasi may ginawa akong hindi maganda sakanya."

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon