Chapter 37

70 1 11
                                    

"Please comeback here, Christine. I would love to meet your sisters next time. I'm sure they are wonderful."

Ngiting tumango ako kay Tita at niyakap siya saglit. Ngayong araw na kasi ang balik namin ni Nico sa Pilipinas. Tapos na ang trinabaho namin dito sa California at kailangan na namin bumalik.

"Aasikasuhin ko po ang papeles nila para makasama sila," ani ko.

Muli akong nag-paalam kay Tita at kay Sir Klaus bago pumasok ng kotse na maghahatid saamin sa airport. Binuksan ko ang bintana at nakangiting kinawayan sila. Kumaway din si Tita saakin saka umandar na ang kotse paalis.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana buong byahe papuntang airport. Si Nico ay tulog sa balikat ko. Maaga kasi kaming gumising kanina. Mas nauna pang nagising si Tita saamin dahil baka raw malate kami sa flight namin. Alas tres niya kami ginising kahit alas otso ang flight namin.

Nang makarating kami ng airport ay nagpaalam na kami sa driver nila at tumungo na sa loob. Sa eroplano naman ay tinuloy ni Nico ang tulog niya habang ako ay nilibang ang sarili ko sa panonood ng movie na dinownload ko kagabi.

Paglabas namin ng arrival area, may tumawag sa pangalan ni Nico na sabay namin ikinalingon. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Maiko iyon pero napalitan ang gulat ko ng saya dahil sa buhat-buhat niya.

"Dream!" Masayang tawag ko. Bago pa mag-pumiglas si Dream sa bisig ni Maiko ay agad siya nitong binaba at tumakbo papunta saakin. "Baby, hello! I miss you!" I didn't expect this! Hindi 'man lang nag-sabi ang tatay niya!

"Porket andito na mom and dad mo, kinalimutan mo na ako, huh?" Matabang na sambit ni Maiko.

Napailing nalang ako at binuhat si Dream kahit sobrang laki niya saka pinasa siya kay Nico. Dream excitingly licked Nico's face. Nico chuckled as well as I am.

"Damn, so how's the honeymoon-"

Mabilis siyang hinampas ni Nico sa dibdib si Maiko. Ako naman ay iniwas ang tingin. Ramdam ko na unti-unti umakyat ang dugo ko sa mukha ko.

"Well, it looks likes two of you are okay now," natatawang dagdag pa ni Maiko.

Bumuga ng hangin si Nico at binaba si Dream. Inabot niya saakin ang hawakan ng dulo ng leash ni Dream. "Yes, we are. Now, go."

"What the fuck, man? I took care your child again! Ganyan ba ang bayad mo saakin?! Kulang nalang maging nanny ako ng anak mo!" Singhal ni Maiko kay Nico.

"It's a practice when you have one." Inakbayan ako ni Nico at nag-simula na kaming maglakad.

Agad naman sumunod si Maiko saamin, "Anong akala mo sa sperm ko?! Aso?!"

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Maiko. At the same time, I'm having a secondhand embarrassment dahil ang lakas ng pagkasabi ni Maiko roon. Hindi ko alam kung may nakarinig ba o wala. Sana naman wala dahil ako ang nahihiya para sakanya.

"Malay mo," sagot ni Nico.

"Excuse me?" Halatang na-offend si Maiko sa sinagot ng kaibigan niya. "My future child will be the most handsome and beautiful baby in the world!"

Nakalabas na kami ng airport, halatang andami pang ipaglalaban ni Maiko tungkol sa sperm niya. Kakarating lang namin sa Pilipinas pero sperm ni Maiko ang unang maririnig kong usapan.

"Find a wife first."

Napahawak si Maiko sa dibdib niya habang nakatingin kay Nico, "Ouch. That's foul, man."

Tinawanan lang siya ni Nico. Nagpaalam na kaming dalawa kay Maiko at sumakay sa kotse ni Nico. Sa bahay niya muna kami umuwi dahil kay Dream. May katulong na sumalubong saamin nang makarating kami. Nasa sala lang ako habang hinihintay si Nico at nilalaro si Dream. Dadaanan pa namin si Cassie sa apartment ni Grant. Hindi rin nag-tagal ay bumaba na rin si Nico.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon