Chapter 27

30 2 5
                                    

Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa sala at nag-panggap na walang nangyari. Na parang hindi kami nahuli ng Tita ko sa kusina na... naghahalikan.

Kinapa ko ang pisngi ko. Mainit pa rin. Ibig-sabihin namumula pa rin ako! Sino ba naman kasing hindi mahihiya sa nangyari sa kusina! Dapat talaga nakinig ako kay Nico. Tama ang hinala niya na baka may pumasok pero dahil nag-pumilit ako, ayun! Hindi sinasadyang nakita kami!

"Okay ka lang, Chris?"

Napa-angat ang tingin ko kay Kaleb dahil nag-tanong siya. Marahan lang akong tumango bilang sagot. Lihim kong sinulyapan si Nico sa tabi ko, wala akong makitang bakas sa mukha niya na nahiya siya o namula sa ginawa namin. Bakit parang ako lang ang nahiya?!

"Malapit na natin makahalati itong project na 'to," sabi ni Amira. "Kung pwede lang gawin natin 'to hanggang gabi, tapos na agad 'to."

"'Diba sabi mo may trabaho ka?" Tanong sakanya ni Kaleb.

Nilingon ni Amira si Kaleb sabay tinaasan ito ng kilay. "Kung nga lang diba?" Punong sarkasmong tanong din ni Amira.

"Ang sungit mo naman."

"E, ano naman kung masunagit ako? Parang hindi ka sinusungitan ng bestfriend mo ah. Mas maldita nga 'yon kaysa saakin," sabi ni Amira at inirapan si Kaleb.

Nanlaki ang mata ko dahil sa huling sinabi ni Amira. Walang filter ang bibig! Parang wala siyang pakialam sa sasabihin o magiging reaksyon ni Kaleb tungkol sa kaibigan niyang si Rem.

Narinig ko rin ang mahinang pag-tawa ni Nico sa tabi ko na ikinalingon ko. Ngiting umiling siya na parang tuwang-tuwa siya sa sinabi ni Amira.

Lihim kong kinurot sa tagiliran si Nico at napa-igtad siya saka nilingon ako, salubong ang kilay.

"What was that?" Bulong niya.

Saglit kong tinapunan ng tingin ang dalawang kaharap namin na nag-sisimula ng mag-talo tungkol kay Rem.

"'Wag ka ngang tumawa sa sinabi ni Amira," punong diin kong bulong sakanya.

"Why? She's funny."

"No, it's not."

"I'm not laughing because of what she said. I'm laughing because how straightforward she is. Her mouth doesn't have a filter," dahilan niya. Natatawa siya habang sinasabi niya iyon pero pinipiglan niya dahil matalim ang tingin ko sakanya.

It's rude! Rem is a nice person. Kahit naman hindi na kami nag-uusap ngayon, I don't have any grudges to her. Hindi ko 'man alam kung anong dahilan o kung totoo talagang may gusto siya dati pa kay Nico, I will still respect her.

"Una na ako."

Tumayo rin ako para ihatid sa labas ng bahay namin si Amira. Hapon na kasi at oras na para umalis siya dahil may trabaho pa siya.

"Hindi mo na ako kailangan ihatid sa labas," sabi ni Amira.

Ngumiti ako, "Sa gate lang."

Bumuntong-hininga siya at naunang nag-lakad palabas. Nakasalubong namin si Tita na nag-sisimula na rin mag-ligpit kasama si Charlotte.

"Tita, aalis na po ako. Salamat po," pasasalamat ni Amira kay Tita Emma.

"Aalis ka na? Tapos na ba kayo sa project niyo?" Tanong ni Tita.

Umiling ako, "May trabaho po si Amira, Tita kaya kailangan niyang maunang umalis. Si Kaleb at Nico nasa loob pa. May tinatapos lang pero uuwi rin sila maya-maya," sagot ko.

Napatango si Tita. "Ganun ba. Sige, mag-iingat ka.

Muling nag-paalam si Amira at lumabas na ng gate. Hinatid ko siya ng tingin paalis bago bumalik sa loob para balikan ang dalawang lalake sa loob.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon