Chapter 12

29 1 3
                                    

"Happy Birthday, Charlotte! Wish ka na!"

Pinikit ni Charlotte ang mga mata niya at pinagdikit ang palad niya. I smiled warmly as I watch her making a wish in her mind. Parehas kami ni Tita Emma na nakangiting pinapanood siya hanggang sa hinihipan niya na ang kandila sa cake.

"Yehey!" Masayang sambit ko at pumalakpak. Marahan kong hinaplos ang buhok ng kapatid ko. Masaya ako dahil masaya siya ngayong kaarawan niya. Buti nalang talaga ay naka-abot pa ako at hinintay nila akong dalawa ni Tita dahil dala-dala ko ang cake niya.

"Kukuha lang ako ng plato natin," paalam ni Tita saka tumayo. Naiwan kami ni Charlotte rito sa lamesa ng sala.

"May regalo ako para sayo," sabi ko.

"Talaga, Ate?" Puno ng kislap ang mata niya nang sinabi ko iyon.

"Oo naman! Teka, kukunin ko lang."

Tumayo ako at kinuha ang paper bag na binili ko kahapon. Binigay ko iyon sa kapatid ko at pinanood siyang buksan ang regalo ko para sakanya.

"Wow! Bag?!" Hindi makapaniwalang sambit niya. Ngiting tumango naman ako. Napansin ko kasi na luma na rin ang bag niya at malapit ng masira kaya iyon ang naisip kong regalo. Lahat kasi ng pinaglumaan ko, napupunta sakanya. Gusto ko siyang bilhan ng bago at para sakanya lang. "Thank you, Ate!"

"You're welcome."

"Yes! Pero next year ko na 'to gagamitin para sa susunod na pasukan, bago rin ang bag ko tulad ng mga kaklase ko."

Saglit nawala ang ngiti ko. Ngayon ko lang narinig ang katagang 'yon mula sakanya dahil wala naman siyang sinasabi saakin. Kahit na lagi ko siyang kinakamusta tungkol sa pag-aaral niya, wala akong kaalam-alam na may nararamdaman pala siyang ganon.

Umusog ako palapit sa tabi niya. Pinulupot ko ang braso ko sakanya at marahan siyang hinila palapit saakin.

"Hayaan mo, bibilhan ka ni Ate ng mga bagong gamit sa school every year, okay?"

"Talaga po?"

"Oo, promise ni Ate 'yan," sabi ko at itinaas ang pinky finger ko sakanya. Itinaas din niya ang sakanya at nag-pinky promise kami mag-kapatid. "Nasgustuhan mo ba 'yung cake mo?" Tanong ko.

"Ang ganda nga po kaso mukhang mamahalin."

Natatawang ginulo ko ang buhok niya. Mag-kapatid nga kami. Unang tingin palang sa isang bagay, alam na namin kung mahal o hindi. Kung alam lang ni Charlotte na hindi naman ako ang bumili niyan kung hindi ang isang taong hindi ko naman ineexpect na bibili talaga siya.

"What's her favorite flavor of cake?"

Kunot-noo kong nilingon si Nico. Pauwi na kami dahil wala naman na kaming ibang pinuntahan pagkatapos kumain.

"Nino?" Naguguluhang tanong ko.

"Your sister."

"Bakit mo naman natanong?"

Sumulyap siya saakin at nag-tama ang mata namin. Agad niya rin inalis ang tingin niya dahil nag-mamaneho siya at malakas na tumikhim.

"I heard her birthday is coming?"

Mas lalo akong naguluhan kung paano niya nalaman ang nararating na birthday ng kapatid ko.

"Sino naman nag-sabi sayo?" Sa pagkakaalam ko, kay Kaleb ko lang sinabi kanina ang tungkol sa kapatid ko habang ginagawa namin ang report sa library. "Sinabi ba ni Kaleb sayo?" Sunod kong tanong.

"I told you, I just heard it, Christine." Matigas niyang sambit.

"Grabe naman 'yang tenga mo sumagap ng chismis," ani ko at mahinang natawa.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon