Chapter 30

38 2 1
                                    

Tw: violence & death

"Congratualations, Ate!"

Mainit akong niyakap ni Charlotte nang makalapit ako sakanila ni Tita Emma. Sa wakas, nakapag-tapos na ako.

Pagkatapos namin mag-yakapan ni Charlotte ay bumaling ang tingin ko kay Tita Emma na nasa tabi niya, lumuluha. Mahina akong natawa at walang imik na hinagkan ang tiyahin ko.

"Tita, bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko.

"Wala lang... Masaya lang ako." Hikbing sagot niya.

Napangiti ako. Naalala ko nung kami pa mismo ni Charlotte ang nag-hatid sakanya papuntang terminal pauwi ng probinsya. Mag-mula noon ay lagi niya akong tinatawagan at kinakamusta. Hindi raw siya sanay na hindi niya kami kasama ng kapatid ko.

Sa Café pa rin ako nag-tatrabaho. Ginawa akong regular ni Sir Zach kaya kahit papaano ay tumaas ang sweldo ko. Isang taon na rin kami mag-kakasama nina Janice at Cath sa condo niya.

"Tara na. Nag-hihintay ang mga kaibigan mo sa labas," sabi ni Tita.

Hinubad ko ang itim kong cap pati rin ang medal ko bilamg Cum Laude. Sabay kaming tatlo na lumabas ng venue para hanapin ang mga kaibigan ko. Kahit sinabihan ko na sila na 'wag ng pumunta, nag-pumilit pa rin sila.

"Here she is! Oh my gosh, my girl."

Patakbong lumapit saakin si Janice at sinalubong ako ng yakap. Tumatawang niyakap ko rin siya pabalik. Akala ko busy siya kaya hindi siya makakapunta pero gumawa raw siya ng paraan para makapunta sa graduation ko.

"Tuwang-tuwa? Parang ikaw nag-paaral ah," sabi ni Grant nang makalapit saamin dalawa. Sumunod sakanya sina Margie at Cath. "Asan na ba 'yung isa na 'yon?"

"Kasama ang Mama at Papa niya," sagot ni Cath sa tanong niya. "Congrats, Chris."

"Thank you, Cath." Nakangiti kong pasasalamat at niyakap siya. Inabutan niya ako ng bouquet. Bigla kong naalala sila Tito at Tita.

"Celebrate tayo sa condo," aniya.

"Celebration ng mga Cum Laude," singit ni Grant. "Hindi na ako magugulat kung si Janice rin makakakuha 'non next year."

"Duh?! Do you think I have the same brain cell like them?! I'm dumb! I barely ace my plates tapos sasabihin mo 'yan!" Singhal ni Janice kay Grant.

"Oh, bakit kasalanan ko? Sinasabi ko lang naman na hindi na ako magugulat kung magiging Cum Laude ka."

"What if I will be? What will you going to do?! Huh?!"

"Uutang sa'yo, siyempre! Architect ka na lodi! Papagawa ako ng bahay! Tapos 'yung ex mo 'yung engineer!" Mabilis siyang sinuntok ni Janice sa dibdib kasabay ng pag-batok sakanya ni Cath sa kabilang gilid niya. Aray, double kill siya. "Tangina niyo ah! Masakit 'yon! Sumbong ko kayo sa bebe ko!"

"E, 'di sumbong mo. Iharap mo muna saamin." Pag-hahamon ni Cath.

Tumaas ang sulok ng labi ni Grant at inakbayan si Cath. Matalim agad siyang tinignan nito, mukhang naiirita sa kabigan niya.

"Ayoko baka sumunod din 'yung ex mo."

"Gago ka talaga!"

Tinawanan lang siya ng malakas ni Grant. Sinimulan na siyang pag-tulungan ni Janice at Cath dahil sobrang pasmado ng bibig kakabanggit sa ex ng dalawa. Porket may jowa na, ang lakas na mang-asar.

Nag-paalam na rin si Charlotte at Tita. Mag-bobonding muna raw sila habang kasama ko ang mga kaibigan ko.

"What are your plans after this?"

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon