Chapter 18

27 1 19
                                    

"Nasa loob na si Amira."

Naunang pumasok sa gate si Rem at sumunod naman si Kaleb. Nagkatinginan kami ni Kaleb at binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Si Nico?" Bungad na tanong agad ni Rem nang makapasok habang nililinga ang tingin sa paligid ng bahay.

"Siya agad ang hanap?" Punong sarkasmong tanong ni Kaleb.

Nakita kong umasim ang mukha ni Rem saka tinapunan ng tingin ang kababata niya, "Malamang! Siya ang may-ari ng bahay," aniya sabay nilingon ako. "So, asan siya?"

Maliit akong ngumti, "Nasa kwarto niya. Bababa nalang daw siya."

Tumaas ng kaunti ang kilay ni Rem saakin na ipinagtaka ko bago naunang mag-lakad papasok ng bahay. May problema ba siya saakin? Sinagot ko lang naman ang tanong niya ah.

"Pasensya ka na." Pinatong ni Kaleb ang kamay niya sa balikat ko. "Pati ako, hindi ko alam ang inaakto niya kaya 'wag mo nalang siyang pansinin." Kaleb gave me an apologetic simile.

Hindi nalang ako sumagot at sa halip ay marahang tumango. Medyo inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko kung anong mangyayari ngayong araw at kung paano hindi mahahalata ng mga kasama namin ang sitwasyon namin ni Nico sa sariling bahay niya.

Walang imik na sumunod kami ni Kaleb kay Rem sa pagpasok ng bahay. Nadatnan namin si Amira na nakatutok sa laptop niya. Hindi 'man lang siya nag-angat ng tingin sa kadarating lang na si Rem at Kaleb.

"Wow, ang laki!" Malakas na sabi ni Rem.

Umupo ako sa tabi ni Amira. Si Kaleb naman ay nasa tabi ko at si Rem ay umupo sa single sofa na nasa kanan lang ni Kaleb.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Ako, Chris, hindi pa." Ngiting sagot ni Rem. Mukhang napalitan na ang mood ni Rem ngayon.

"Hindi ako gutom," sagot naman ni Kaleb.

Sinulyapan ko si Amira. "Ikaw Amira?" Tanong ko.

Tinapunan niya ako ng tingin bago ibinalik ulit ang atensyon sa laptop niya. "Ayos lang ako," aniya. "Mag-simula na tayo."

Tumango ako. Mas maganda kung mag-sisimula na kami para naman may matapos na kami kahit papaano lalo na't may afternoon class pa kami mamaya. Hindi ko na rin kakailanganin na umakyat sa kwarto na nasa itaas dahil binaba ko na ang mga gamit ko. Nakabihis na rin ako ng white printed shirt na naka-tuck in sa faded jeans ko.

"Chris, alam mo password ng wifi rito?" Nakatingin na tanong saakin ni Rem.

Tumango ako, "Oo, akin na. I-connect ko 'yung phone mo." Nilahad ko ang palad ko para kunin ang phone ni Rem. Agad naman niyang binigay saakin at kinonnect ko ito sa wifi. Pati rin si Kaleb ay nag-pasuyo saakin na pati rin sakanya ay gawin ko.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang laptop ko at nag-simula ng gawin ang part ko sa report namin. Tahimik lang ang dalawang katabi ko pero si Rem ay walang tigil sa pag-sasalita tungkol sa bahay ng Nico.

"May pool kaya rito?" Rinig kong tanong ni Rem.

"Ano naman kung meron?" Asik ni Kakeb.

"Wala lang!" Malakas na sambit ni Rem na ikinatingin ko sakanya. "Curious lang naman ako kasi first time ko makatapak sa bahay ni Nico! Andaming beses ko na siya naging
Ka-grupo last year pero ngayon lang siya nag-imbita rito sa pamamahay niya."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Rem. At isa pa, hindi naman si Nico ang nag-imbita na rito kami gumawa. Siya ang nag-initiate na rito nalang namin gawin ang report namin. She was the one who bring it up pero bakit ganun ang sinabi niya?

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon