Chapter 36

69 1 3
                                    

"Saglit lang ako, baby. I promise, when I comeback, we will sleep together again."

Mas lalong humaba ang nguso ni Cassie. Mag-kaharap kaming dalawa at nasa tabi niya ang Ate Charlotte niya. Akala ko pa naman ay hindi niya ako mararamdaman at makikitang umalis dahil tulog siya pero mali ako.

"You always leave," rinig kong bulong niya.

Napakagat ako ng labi. I know. I'm aware of that but that was my job. Wherever Nico go, I should go too also. Marahan kong hinawakan ang magkabilang balikat niya, "Because I need to, baby. You'll got hungry and got sick if I don't work."

"Can't you just stay here?" Tanong niya at inangat ang ulo niya. Nagtama ang mata namin dalawa. Namumuo na sa mata niya sa nagbabadyang luha roon. My heart tighten because she's going to cry.

Hindi ako sumagot at niyakap nalang ang kapatid ko. Tiningala ko si Charlotte at binigyan siya ng senyas na kailangan ko ng umalis dahil baka nasa ibaba na si Nico.

Tumango si Charlotte at kinuha si Cassie sa pagkakayakap saakin. Before I let my sister go, I kiss her at her forehead.

"Balitaan mo 'ko, okay? Tatawag ako araw-araw," sabi ko.

"Sige, Ate. Ako na bahala kay Cassie."

"Pwede mo siyang dalhin o kaya iwan kila Cath kung may lakad ka ha? Sinabihan ko na sila."

Ngiting tumango si Charlotte. Muli kong sinulyapan si Cassie na malakas ng umiiyak. I kiss her again and said I love you before leaving our unit.

Kahit sa labas lang ng pinto ay rinig na rinig ko ang malakas niyang pag-iyak. Parang gusto ko nalang hindi umalis kung ganyan siya lalo na't isang linggo ako roon.

Mabigat ang loob na naglakad ako paalis hatak-hatak ang maletang dala ko. Pagbaba ko sa lobby nakita ko agad si Nico na nakaupo sa isang sofa roon. He's wearing a black hoodie and black pants. He's busy to his phone and wearing a sunglasses kahit nasa loob siya.

Huminga ako ng malalim bago siya nilapitan. Nang makarating ako sa harapan niya ay napatingin siya saakin. Hinubad niya ang salamin niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo niya.

I became conscious when I saw how his eyes examine my whole. What's wrong? May mali ba sa suot ko? I'm wearing a white sweater and black shorts. Is there anything wrong with it?

"It's cold there," ani Nico.

Kumunot ang noo ko, "Sa eroplano?" Pwede naman akong mang-hingi ng kumot. Ganun ang ginagawa ko kung nilalamig ako o kaya gusto kong matulog.

"No," sagot niya at tumayo. Inagaw niya ang hawakan ng maleta ko mula saakin at iginaya iyon sakanya. "At California. The wind is getting colder since winter is coming."

Oh no... Puro shirt at jeans lang ang dala ko! Hindi ko naman alam na tag-lamig na roon! Noong huli kong punta roon ay hindi pa ganon kalamig. Bahala na siguro. Dodoblehin ko nalang ang suot ko.

"Malay ko ba," sambit ko, "tara na. Baka ma-late pa tayo sa flight natin."

Nauna na akong naglakad palabas. Kaya pala balot na balot siya! Hindi 'man lang niya ako ininform! Nasa pilipinas palang kami pero naiinis na ako sakanya.

Narinig ko ang pag-unlocked ng kotse niya at pumasok na ako sa loob ng passenger seat habang siya ay inilagay niya sa compartment ang maletang dala ko pagkatapos ay sumakay na rin saka pinaandar ang sasakyan.

Wala umimik saamin dalawa hanggang nakarating kami sa airport. Habang hinihintay ang boarding namin ay kumain muna kami. Nang makasakay na kami ng eroplano ay tabi ang seat namin dalawa.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon