Chapter 7

34 1 0
                                    

"Buti nalang tapos na ang mid-term natin! Makakapag-pahinga na rin tayo sa wakas!"

Sabay kami napa-iling ni Kaleb sa sinabi ni Rem. Kakatapos lang ng pinaka-last test namin. Buti nalang nairaos namin ang hell week. Halos wala rin akong maayos na tulog dahil sa pag-rereview. Ngayong tapos na ang mid-term namin, hihintayin ko nalang ang result ng grades ko. Kailangan kong i-maintain ang grades ko para hindi ako matanggalan ng scholarship.

"Ah! Narinig ko na mag-kakaroon din tayo ng school festival! Waaah! Excited na ako!" Masayang sabi ni Rem.

"Kung kailan finals." Rinig kong buntong-hiningang sambit ni Kaleb sa tabi ko. Mahina kong tinapik ang balikat niya at napatingin naman siya saakin.

"Kakatapos lang ng mid-terms natin, finals agad iniisp mo?" Natatawang sabi ko. Napansin ko na masipag mag-aral itong si Kaleb. Pakiramdam ko nga, grade conscious siya, e. Ibang-iba siya kay Rem na sobrang relax sa pag-aaral at partner niya ang salitang procrastinate.

Lumaki ang mata ni Kaleb, "H-Hindi! What I mean is personally, ayokong mag-habol sa lesson! Hindi ako fast learner..."

"E, 'di tutulungan kita!" Ani ko.

"Huh?!"

Napakamot ako sa buhok ko at mahinang natawa. "Medyo may pagka-fast learner ako! I'm willing to help you!"

Umuwang ang labi niya, "T-Talaga?"

Mabilis akong tumango, "Oo naman! Ako bahala sayo!"

Ngumiti ng maliit si Kaleb at itinulak ang salamin niya. Napatingin ako sa tuktok ng tenga niya na namumula. Naiinitan ba siya? Saglit nag-tama ulit ang mata namin kaya malaki akong ngumiti sakanya.

Dahil sa labas ulit sila kakain dalawa ay nag-paalam ako sakanila na rito ako sa canteen ng school kakain. Bumili ulit ako ng somai at kanin saka isang mineral water. Dala-dala ang tray, nilinga ko ang tingin ko sa paligid para humanap ng mauupuan. Tumigil ang mata ko sa isang babae na kumakain mag-isa sa sulok.

May ngiti sa labi na nag-lakad ako papunta sa table na 'yon. Nang makarating ako ay nilapag ko ang dala kong tray sa lamesa dahilan na napa-angat ng tingin ang taong naka-upo.

"Hello, ganda," ngiting bati ko kay Jean.

Agad niya akong pinalisikan ng mata at binaba ang tingin sa kinakain niyang salad. Kumunot ang noo ko. So, tuloy-tuloy talaga ang diet niya huh?

"Kamusta ang exam?" Tanong ko sakanya at sumubo ng pagkain.

"Okay lang naman."

"Wala ka pa bang nagiging kaibigan sa room niyo?" Nag-aalalang tanong ko dahil napansin ko na ilang buwan na kami rito sa school na 'to pero hindi ko pa siya nakikitang may kasamang ibang tao maliban saakin. Alam ko naman na mahiyain siya pero hindi ko maiwasang mag-alala sakanya. Baka naman binubully siya at hindi ko nalalaman iyon dahil hindi kami magka-blockmate.

"Ayos lang naman saakin." Mahinang sagot niya.

"Wala naman gumagawa or nagsasabi ng masama sayo? Sabihin mo lang saakin, sasapakin ko."

Tumawa siya, "Ano ka si Cath?"

"Marunong din ako manuntok 'no!"

"Weh? Nung pinagtulungan nga tayo ng kaklase natin last year, pinaghahampas mo lang-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Alam ko! E, 'yun lang ang nagawa ko nung oras na 'yon, e! Akala ko nga hindi kami makakatakas at mapupuruhan kami dahil sa mga nambu-bully kay Jean dati at si Cath ang talagang nakipaglaban dahil siya lang talaga ang masyadong marahas kapag nagagalit. Ayaw na ayaw pa naman 'non. Buti nalang ay dumating si Micheal kaya tumakbo ang mga basurang lalake na 'yon.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon