Chapter 26

33 1 4
                                    

"What did you say?"

"Tinatanong ko kung nag-seselos ka ba kay Kaleb?" Muli kong tanong kay Nico. "Oo at hindi lang ang isasagot mo."

Hindi siya umimik. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Is he really jealous?! Totoo?! And just because Kaleb hugged me?!

He shifted his seat. Pinatong niya ang kaliwang siko niya sa bintana at pinaglalaruan ang tungki ng ilong niya. Lihim akong natawa dahil hindi 'man niya sagutin ang tanong ko, halata naman sa galaw niya ang sagot niya.

"Okay! Hindi na ulit mauulit 'yon! Promise!" Sabi ko sabay pinakita ang palad ko. Sinulyapan niya 'yon saka tinignan ako. "Hold me."

Bumuntong-hininga siya, "I'm driving."

"'Yung isang kamay mo nalang 'yung ihawak mo sa manibela! Hindi ba pwede 'yon?" Nakangusong tanong ko.

"I'm not left handed."

I scoffed. Ang daming excuses! Kailangan bang mag-selos muna siya para lang huwag bitawan ang kamay ko?! Para siya 'yung unang humawak ng kamay ko? Bakit lagi nalang ako 'yung nag-fifirst move? Nakakainis siya!

Hindi niya na nga inamin na nag-seselos talaga siya! Not by on his own words! Nag base lang ako sa galaw niya! Paano kung mali ako? Na hindi naman talaga siya nag-seselos?

"We're home."

Malaki akong napangiti nang salubungin kami ni Dream. Umupo ako para magkasing pantay kami ni Dream at malaro ko siya. Si Nico naman ay agad na umupo sa sofa kung nasaan natutulog si Mirri.

"Come here, baby. Let's cook some lunch!" Tumayo ako at hindi 'man lang pinansin si Nico.

Sumunod si Dream saakin papuntang kusina. Nag-simula na akong mag-luto ng tanghalian namin. Hindi rin naman kami nag-tagal sa pag-enroll at gusto laging umuwi ni Nico. Akala ko pa naman ay gagala kami. Like date? Pero hindi siya nag-yaya. Kung ako 'man ang unang mag-yayaya, malaki ang posibilidad na tumanggi siya at mas pipiliin nalang na umuwi.

"Kumain ka na," sabi ko kay Nico nang matapos ako. "Nasa lamesa na 'yung mga pagkain. Iwan mo lang sa lababo pagkatapos mo."

Lumakad ako papunta sa hagdanan para umakyat sa kwarto nang mag-salita siya.

"How about you? Hindi mo 'ko sasabayan?"

"Mamaya na ako. I'm tired," sagot ko at tuloy-tuloy sa pag-akyat papuntang kwarto. Nakabuntot pa rin si Dream saakin hanggang kwarto. Humilata ako at si Dream naman ay tinabihan ako sa kama.

Aaminin ko, nag-tatampo ulit ako sakanya. Parang hindi ko siya maramdaman. Kami ba talaga? Sigurado ba siya sa sinabi niya noong nasa La Union kami? Iyon ba talaga ang intensyon niya pagkatapos niya akong halikan?

Even after he made us official, I haven't hear him said those words.

Ang alam ko, kapag kayo na, lagi mong sasabihin na mahal mo 'yung tao. Ako, mahal ko siya. Walang duda roon. Kaya nga handa akong mag-hintay hanggang sa mahalin o magustahan niya rin ako pero bakit hindi niya pa rin sinasabi saakin?

"Don't think such things like that!"

Ngumuso lang ako sa sinabi ni Janice. Nakipagkita ako sakanya since siya 'yung bihasa sa ganitong bagay lalo na't matagal na sila ni Samuel.

"Kayo ba? Sinabi ba agad ni Samuel na mahal ka niya nung naging kayo na?" Tanong ko at pumalumbaba. Marahan kong pinaikot-ikot ang hawak kong straw sa shake na iniinom ko.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon