Chapter 10

34 2 2
                                    

"Talaga bang wala kang kailangan saakin kahit sobrang weird mo ngayon?"

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya at saglit niya akong sinulyapan saka binalik din ang tingin sa harap dahil nag-mamaneho siya.

"I'm not a bad person, Christine," sabi niya.

"I'm not saying you are, Nicholas."

Ang sinasabi ko lang naman ay sobrang weird ng inaakto niya ngayon. Parang ibang Nico ang nasa harapan ko ngayon. Matagal ko siyang tinitigan at hinihintay ang sunod niyang sasabihin pero wala kaya nilipat ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.

Iniisip ko kung saan niya ako dadalhin. Hindi naman niya tinanong ang address ng bahay namin at hindi ko rin naman sasabihin sakanya. Kasasabi ko lang kanina ay hindi naman kami close at iba ang inaakto niya ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Have you had a dinner before you leave in office?"

"Meron naman. Hot choco."

"That's it?"

Nakangising tinignan ko siya, "Bakit? Iillibre mo ba 'ko?" Biro ko sakanya kahit alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon.

"Yes."

Eh?

"H-Hala?!" Gulat kong sambit. Akala ko naman nakuha niya 'yung joke ko! Seryoso pala siya?! "Nag-jojoke lang naman!"

"I'm serious."

Inalis ko ang tingin ko sakanya at ngumuso, "Lagi naman." Bulong ko. Kailan ba siya hindi naging seryoso? Always naman. Kahit 'yung mukha niya, kulang nalang lagyan niya ng karatula na 'I'm a serious person.'

"What did you say?"

"Sabi ko lagi ka naman seryoso."

"Oh..." Mahina niyang sambit. Hindi ba siya aware?

Mahina akong natawa, "Halos laging nag-lalaban 'yang kilay mo. Ang sungit mo pa." I'm surprise na nagiging smooth ang usapan namin. Ito ba ang una namin conversation na wala na akong naramdaman na awkwardness sakanya? O, baka ako lang talaga ang madaldal saamin dalawa at nakikisabay lang siya?

"I'm not masungit." Pag-dedepensa niya sa sarili niya.

Tumawa ako. "Joke ba 'yan? E, parang mananapak ka nga kapag naka-poker face ka."

Matalim ang matang sinulyapan niya ako at agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang pag-tawa ko.

"Is that a joke or an insult?"

"Depende sayo."

Buntong-hiningang umiling siya. Ano ba 'yan. Mukhang ako lang ata ang mag-sasalba ng usapan namin ngayon. Pero hindi naman mahirap 'yon saakin dahil natural na madaldal ako pero natatakot lang ako na baka kalaunan, maging komportable ako kay Nico ay may masabi akong makaka-offend sakanya. I should be more careful.

Isa pa, hindi ko siya ganon kakilala at hindi ko alam ang mga bagay na ayaw niyang mabanggit kaya mas lalo akong mag-iingat. Ayoko naman maging awkward ulit kaming dalawa. Natapos ang isang semester saamin, ito lang ang pag-kakataon na matagal kami mag-kakausap kaya sasamantalahin ko na.

"Libre mo 'to ah?" Ani ko kay Nico nang dumaan siya ng drive thru ng mcdo. "Tutal ikaw naman ang nag-hatak saakin dito sa kotse mo." Wala na rin akong perang natira para ngayong araw na 'to. May pera ako pero para bukas na namin ni Charlotte.

"Ano ba sabi ko?" May bahid na inis niya sabi.

"Bakit ang sungit mo?" Pinapaalala ko lang naman dahil baka bigla niya akong singilin! Lalabas talaga ako ng wala sa 'di oras dito. Malakas siyang bumuntong-hininga at hininto ang kotse dahil may pila.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon