Chapter 21

36 1 20
                                    

"Pansin ko lang, umuuwi ka agad pagkatapos ng klase."

Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil sa sinabi ni Kaleb. Tama siya. Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay umaalis agad ako. Alam kong hindi rin ako nakakapag-paalam sakanila minsan dahil sa pagmamadali.

"May pinupuntahan lang ako," sagot ko. Alam ni Nico kung saan ako pumupunta tuwing uwian. Sa bahay ni Cath. Nag-aalala pa rin ako sakanya ngayon kaya hangga't sa maari ay binibisita ko siya. Ganun din ang ginagawa ni Grant at Margie. Si Janice naman ay busy at si Jean, hindi ko na mahagilap.

"Saan naman?" Tanong ni Rem.

"Sa bahay ng kaibigan ko."

"Anong ginagawa mo ro'n?"

Tinignan ko si Rem. Hindi ako naman ako na-offend sa tanong niya pero para saakin, bakit kailangan niyang malaman kung anong ginagawa ko roon? It's been a month since Tito and Tita left here and it's still a sensitive topic for me also for Cath to bring it up.

Maliit akong ngumiti, "Sorry, ayokong pag-usapan."

Kumunot ang kilay ni Rem, "Bakit naman? May tinatago ka ba?"

Lumaki ang mata ko kasabay ng pag-uwang ng labi ko. "Rem..." Paano naman naisip ni Rem na may tinatago ako sakanila? Oo, meron at kaya nga tinatago ko dahil hindi ako ready at komportableng pag-usapan 'yon.

"Remy, sinabi na nga niya na ayaw niyang pag-usapan!" Si Kaleb.

"Nag-tatanong lang naman ako. Bakit nasaktan ka ba sa tanong ko?" Nakatingin na tanong ni Rem saakin.

"Remy!"

I was speechless. I admit. Medyo nasaktan ako sa paghihinala niya saakin. Iniisip niya ba na may ginagawa akong masama kaya tinatago ko? Kaibigan ko siya pero nasasaktan ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Pasensya na. Ayaw ko talagang pag-usapan ang bagay na 'yon. Rem, wala akong tinatago. Binibisita ko lang ang kaibigan ko dahil kailangan niya ako ngayon," ani ko. Sinara ko ang bag ko at sinuot iyon. "Mauna na ako. Ingat kayo."

Walang lingon akong lumabas ng room. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko at diretso lang ang tingin. Nang makalabas ako, pumara agad ako jeep papunta kila Cath. Pagkarating ko ay pumasok ako sa gate nila at nakitang bukas ang pinto, ibig-sabihin ay may tao sa loob.

"Cath," malumanay kong tawag sakanya ng makita siyang nakaupo sa sahig. Nakita ko agad ang mga papel na nakakalat sa coffee table. "Nag-aaral ka ba?"

"Hindi naman," sagot niya at sininop ang mgapapel. "Kakauwi mo lang?"

Umupo ako sa sofa sabay tumango. Nilapag ko muna ang bag ko sa sahig at sinandal ang likod ko sa inuupuan ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Okay lang ako."

Matalim niya akong tinignan. "Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko. Oo at hindi lang."

Tumawa ako. "Hindi pa naman. Sa bahay nalang ako kakain."

"Saang bahay? Sakanya o sainyo?" Taas-kilay niyang tanong at tumabi saakin.

"Sakanya," ngiting sagot ko.

Bumuntong-hininga siya at sinandal din ang likod. "Nga pala, nakita ko siyang pumunta sa lamay nila Mama. Sorry kung hindi ko siya naka-usap para mag pasalamat."

"Ayos lang. He just want to pay a respect to Tito and Tita."

"Salamat pa rin."

Nahulog kaming dalawa sa katahimikan. Napatingin ako kay Cath nang tumayo siya at pumuntang kusina nila. Pag-balik niya ay nagulat ako dahil may dala-dala siyang apat na lata na beer.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon