Chapter 31

47 1 0
                                    

"Call the doctor. She's waking up."

Boses agad ni Margie ang una kong narinig nang imulat ko ang mga mata ko. Sa una ay malabo pa ang paningin ko pero unti-unti ay naaaninag ko na ang mukha ng kaibigan kong si Margie.

"Christine, can you hear me? Do you recognize who I am?" Sunod-sunod niyang tanong. Pakiramdam ko sobrang bigat ng buong katawan ko at pati pag-sasalita ay hirap ako kaya isang mahinang tango lang ang naibigay kong sagot sakanya.

Ang huling naalala ko ay si Mama, Si Papa at si Charlotte. Asan sila? Alam kong nasa ospital ako pero gusto kong malaman kung ayos lang sila? At sino ang nakakita saamin? Si Janice ba? Margie o Grant?

May dumating na doctor at tinignan ako. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ni Margie dahil occupied ang isip ko kila Charlotte at kay Mama.

"Chris, rest more."

Napatingin ako kay Margie na nasa tabi ko. Nakaupo siguro siya sa upuan kaya mag-kapatantay ang tingin ng mga mata namin.

"M-Mama?" Mahina kong tanong.

She's just staring at me while caressing my hair. I'm not dumb to not realize what her silence means. I know... I feel like, she didn't make it.

"She died because she protected you from your father," Margie said.

Umuwang ang labi ko. She protected me? How? I'm confused.

"She shields herself for you causing her to stabbed multiple times at her back and leading to her death," pagpapatuloy niya nang hindi inaalis ang mata niya saakin.

I feel like my heart starting to hurt and the tears pooling in my eyes. So, that's how she died. She died because of me. Because she protected me... But why? Bakit niya ginawa 'yon? She could have survived! And the baby... She could have a new life away from that monster.

"Charlotte is safe. She's healing on her way and the baby... your baby sister is strong and alive."

Pagkatapos sabihin ni Margie iyon ay iniwan niya muna ako mag-isa. Pinipilit kong irehistro sa utak ko lahat ng nangyari. Bakit kailangan pa namin maranasan 'to? Lalo na si Charlotte. Ang bata niya pa para mangyari ang lahat na ito. She must be shocked on what happened to our family.

Tulala lang ako buong mag-hapon at kinabukasan, nagulat ako na pumasok si Cath sa kwarto ko at hinagkan agad ako nang makalapit siya saakin.

"Fuck... Just a minute," hingal niyang sambit.

Dahil naka-cast ang kaliwang kamay ko ay ang kanang kamay ko lang ang kaya kong igalaw at niyakap siya pabalik. Walang nag-salita saamin dalawa hanggang sa kumalma na siya ay binitawan niya ako at sinapo ang mag-kabilang psingi ko.

"You're not alone, okay? We're here. Tutulungan ka namin."

Malakas akong napalunok sa sinabi ni Cath at bigla nalang may tumulong luha sa pisngi ko. Umuwi siya dahil saakin. Siguro ay si Margie ang nag-sabi tungkol sa nangyari saakin at hindi agad siya nag-dalawang isip na umuwi.

Simula palang, they were ready to help me until now, they never leave me. Ngayon palang, imbis na ang paggaling ko ang iniisip ko, iniisip ko agad ang bill namin at si Mama pag-labas ko. Andami agad problema na nag-aabang saakin.

"Anong mangyayari sa tatay niya?" Tanong ni Cath kay Margie. Silang dalawa lang ang nandito sa loob at pinag-uusapan namin ang tungkol kay Papa.

"My father will be the attorney of Chris," sagot ni Margie.

"Sigurado ka?"

"If I can be her attorney, why not? Too bad, I'm still studying so, we don't have choice."

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon