Chapter 29

37 1 0
                                    

"Thank you for coming here. I really need someone tonight."

Isang maliit na ngiti ang iginawad ko kay Janice. Tinawagan niya ako dahil kailangan niya raw ng kausap at binigay niya saakin ang lugar kung nasaan siya.

Hindi na ako nagulat na isang bar iyon. Nag-tataka lang ako na bakit hinayaan siya ni Samuel na mag-isa.

Pinakatitigan ko ang mukha ni Janice sa tabi ko. Tulala siyang nakatitig sa hawak niyang baso na may lamang alak. Alam kong may problema siya pero hinihintay ko lang na mag-salita siya.

Kahit walang nag-sasalita saamin dalawa, ramdam ko na parehas kaming may mabigat na dinadala

Tatlong araw na ang lumipas matapos ng nangyari tungkol sa issue at paghihiwalay namin ni Nico. Sa loob ng tatlong araw na nag-daan, hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko na wala na kami. Kahit ni isang tingin ay hindi 'man lang niya ginawa kinabukasan. He acted like we didn't broke up. 

"He also broke up to you, right?"

Bumalik ang diwa ko dahil sa tanong ni Janice. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Wala naman mangyayari kung itatago ko sakanya ang pag-hihiwalay namin ni Nico.

Janice chuckled and took a sip of her drink. "He also did that today."

Nanlaki ang mata ko. Nakipag-hiwalay si Samuel sakanya? Ngayong araw? Biglaan?

Nakangisi niya akong nilingon at mahinang natawa dahil sa reaksyon ko sa sinabi niya.

"You also shocked, right? Damn, me too. After he became missing in action; no messages, no calls and update where is he or what he's up too, as in nothing! Then he came back to me because he wants to end our relationship. What a bullshit!"

Hinayaan ko lang siya na ilabas ang sama ng loob niya. Hindi nag-paramdam sakanya si Samuel tapos biglaan itong nakipag-hiwalay sakanya. That's why she's mess right now.

Lumaylay ang ulo ni Janice. Natabunan ang mukha niya dahil sa buhok niyang nakaharang. Hindi ko makita kung umiiyak ba siya o tulog na dahil sa kalasingan. Hindi ko na rin nabilang kung naka-ilang baso kami mula nang dumating kami rito.

"But you know, he didn't even give me a choice. He came to me as if he already made a decision to end us and I left nothing but to accept it," sabi ni Janice. Nakita ko ang pag-galaw ng balikat niya, sinyales na umiiyak na siya.

Inilagay ko ang kamay ko sa likod niya at marahang hinagod ang likod niya. Wala akong masabi dahil ganon din ang nararamdaman ko. Dahil ganon din ata ang ginawa saakin ni Nico at wala akong nagawa kung hindi tanggapin na ayaw niya na talaga. Gusto niya ng tapusin ang relasyon namin dalawa ng ganun-ganun lang.

"I-I love him... Alam niyo 'yon 'di ba?" Hikbing sabi ni Janice at inangat ang ulo niya saka hinarap ako. Pulang-pula na ang mga mata niya at basang-basa na rin ang pisngi niya dahil sa luha. "I know he loves me but... why? Out of nowhere? Yes, I sense there's something wrong with him. I asked him so many times so I can help him but he always said it's nothing. Fuck! Hindi naman ako nag-kulang 'di ba?"

Mahina akong tumango. Pinulupot ko ang braso ko sa balikat niya para yakapin siya. Humagulgol siya sa balikat ko at tahimik lang akong nakikinig sa iyak niya.

"I never knew this day would come because I thought I can save us," dagdag niya pa. "Labag sa loob ko na hayaan siya sa desisyon niya kasi ganon ko siya mahal. Kung doon siya sasaya, sige. Ayos ko lang saakin pero... p-pero naisip niya ba ako? Sumagi ba ako sa isip niya? I know he knew he will hurt me but why? Fucking why?!"

She's drunk. The alcohol is kicking to her now. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko para itext si Margie at mag-pasundo.

"But I'm so thankful... thankful to him that I met him," lasing na sabi ni Janice. Hinigpitan ko ang pagkaka-akbay sakanya dahil nahuhulog ang ulo niya sa balikat ko. "H-He taught so many things to me. I learned a lot from him, Chris."

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon