Special Chapter

157 5 0
                                    


Third Person POV


"TANYA!!" malakas na sigaw ni Rancho habang tinatawag ang kapatid na naghahanda ng kanilang hapunan sa kusina.

"Bakit bakla?" inis na tanong nito habang masamang nakatingin sa kapatid at hawak ang sandok sa isang kamay.

"Dion just called, pinapatawag daw tayo." nagmamadaling saad nito at mabilis na kinuha ang sandok na hawak kamay ng dalaga at hinila ito papunta sa pintuan.

"Manang Helen pakitingnan ng niluluto ni Tanya!" saad nito sa may kaedarang at nag iisang katulong ni Tanya.

"Sige po Sir," sagot nito habang nakatingin sa magkakapatid na tumatakbo papunta sa garahe ng dalaga.

Nagtataka naman nagpatianod si Tanya kay Rancho, ngayon lang kasi nito nakita na mataranta ang kapatid kung kaya't sa hindi malamang dahilan ay bigla rin s'ya nakaramdam ng kaba.

Matapos makapasok ang dalawa sa sasakyan ay nagmamadaling pinaandar ito ni Rancho at pinaharurot sa driveway ng dalaga at lalong binilisan matapos makalabas ng kaniyang gate.

Dahil medyo pribado at kakaunti lang ang nakatira sa lugar na tinitirahan ng dalaga kaya't hindi ganoon karami ang mga sasakyan sa daan.

Habang nasa highway ay paulit-ulit nitonga tiningnan ang kapatid na nagmamaneho, bago hindi makatiis at tinanong ito.

"Ano ba ang nangyayari ba't nagmamadali ka? Gaano ba ka importante ang sinasabi ni Dion at natataranta ka? Ano ba talaga ang nangyayari?" sunod-sunod na tanong nito sa nakakatandang kapatid.

"Ano kasi -" mabilis itong tiningnan ang kapatid bago ituon muli ang atensyon sa daan. "Ano- a- si-"

"Anong ano? Anong sino?" mababakas na ang inis sa tinig ni Tanya.

"Si C-ade na ano- ahm" panimula ng nito na nakakuha ng buong atensyon ni Tanya.

"Anong si Cade? Napano s'ya? Magsalita ka nga ng maayos!"  tuloyan na ngang hindi nakapagpigil ang dalaga at inis na sinigawan ang kapatid.

"SiCadedawnaambushngmgakalabanatnapuruhanngsobraathindipanilamahanapanggumawanoonathanggangngayonaynasadaanparinangsasakyannitongwasakna." hinihingal si Rancho matapos sabihin ito.

"Putchak kang bakla ka, ayusin mo magsalita kung ayaw mo mawalan ng dila. Hindi kita maintindihan." sigaw ni Tanya habang mabilis na kumakalabog ang dibdib sa kaba.

"Si Cade daw naambush ng mga kalaban at napuruhan ng sobra at hindi pa nila mahanap ang gumawa at hanggang ngayon ay nasa daan pa rin ang sasakyan nitong wasak na." pag ulit ng binata na naging dahilan upang panandaliang makalimutan ni Tanya huminga.

Nang makabawi ay tila naluluha nitong kinuha ang cellphone ng kapatid na nasa dashboard at tinawagan si Dion.

"How is he?" ito agad tanong ng dalaga ng mabilis na sinagot ni Dion ang tawag.

"He is still in the car crash. Sorry to say this but he's stuck and we're doing our best to get him out safe." habang patagal ay naging mahina ang boses ni Dion, kung kaya't napahagulgul na ang dalaga.

Kinuha naman agad ni Rancho ang cellphone sa kamay ng kapatid at sinabing malapit na sila sa pinangyarihan ng disgrasya.

Ngunit dahil sa nangyari ay nagkaroon ng mahabang trapiko kung kaya't hindi agad makausad ang sasakyan ng magkapatid.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon