Chapter 19

907 44 5
                                    


Tanya POV's


Hawak-hawak ko ang sumasakit kung ulo habang dahan dahang minumulat ang aking mga mata, ngunit bigla akong napaupo ng makitang wala ako sa aking silid.

"Shit!..Aray!" mahinang daing ko dahil biglang sumakit ang aking sugat.

Napatingin naman ako sa paligid at biglang napangiti ng makita kung nasaan ako ngayon. Dahan dahan akong tumayo, nang mapansin kong nag iba ang aking damit.

"Maybe he change my clothes." mahinang sabi ng aking isipan, ngunit bigla nanlaki ang aking mata ng maalalang may sugat pala ako, mabilis ko naman inangat ang aking damit at napansing bago na ang bandage nito.

Napabuga naman ako ng hangin. "He is really capable of ruining my system." mahinang bulong ko na lamang at tahimik na lumabas ng silid. Nakaamoy naman ako agad ng pagkain kaya biglang umingay ang aking tyan. Hawak hawak ang aking tagiliran ay walang ingay akong naglakad upang sundan kung saan nanggaling ang masarap na amoy.

Wala sa sariling napangiti at napa sandal ako sa pader habang naka tingin sa boss kong nakatopless lamang, kung saan ay busy ito sa pagluluto.

I can't help myself, thinking about how this guy became different from who he is back then. Dati mukha pa itong batang paslit ngunit ngayon ay kaya ng gumawa ng bata.

Nabalik naman ako sa realidad ng makaramdam ng dalawang pares ng matang nakatingin sa akin.

"Sir." 'yun yung unang salitang lumabas sa bibig ko nang hindi ko namamalayan.

Napangiti naman ito, pagkatapos nitong pataying ang stove ay naglakad ito palapit sa akin at bigla na lamang akong halikan sa labi.

"Morning beautiful." sabi nito sabay mabilis na hinalikan aking labi. "How's your wound?... Does it hurt and where the hell it came from?" seryosong tanong nito habang inaalalayan akong maupo.

"Don't mind it, it's nothing. What is that good smell you cooking?" simpleng pag iiba ko sa usapan.

"Just a simple breakfast meal, crunchy skillet eggs with herbs, and grains and greens scramble egg. Lastly, a warm cup of milk with honey just for you." nakangiting saad nito.

Hindi naman ito nagtanong pa tingkol sa sugat, inihain na lamang ang kanyang niluto at tahimik na nilagyan ng pagkain ang aking plato. Pagkatapos n'on ay naupo ito sa aking tabi at sabay kaming kumain.


-


Riley POv's


Tahimik kong pinapakiramdam ang aking katabi. Hindi ko na lamang ito pinilit na sabihin ang dahilan ng kanyang mga sugat. Even though, gusto ko mang malaman kung saan ito nanggaling, ngunit pinili ko na lamang na huwag ng magtanong ulit. Her wounds are somehow deep and she's acting like it doesn't bother to her at all. Like she used to it, others would totally lay in their bed because of pain, and here she is, just eating like everything is fine.

"Mr. Mallory." pagkuha nito ng aking atensyon. "Aren't you're going to work?" dagdag na tanong nito.

"No baby." sagot ko rito sabay nilapitan at niyakap sa kanyang likuran. I feel that she's shock for a second but continue to do the dishes afterward.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon