Chapter 12

1.4K 53 4
                                    


Tanya POV's


Para akong zombie habang naglalakad papunta sa pwesto ko. Bakit kasi hindi ako pinatulog ng lalaking iyon, 'yan tuloy pakiramdam ko lumulutang ang dinadaanan ko.

"Ms. Cervantes?" rinig kung tawag sa aking pangalan at wala akong magawa kundi tingnan kong sino ito.

"Mrs. De Vera, Ma'am?" tanong ko nang makalapit ng tuloyan.

"I want you to review these files, make a PowerPoint presentation, then send it to Mr. Mallory. Make sure to send it within this day, he needs to see that so he can do a quick review about it." paliwanag nito sabay bigay ng sampong files na sa tingin ko ay fifty ang page ng bawat isa.

"Okay po ma'am." pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya matapos ilapag ang binigay niya sa aking mesa, nanlumo na lamang ako ng makaalis na ito sa harap ko.

"Okay, I'll go ahead now." sabi nito sabay lakad papalayo .

Nang malapag ko na ang lahat ng files ay huminga ako ng napakalalim at nagsimula ng mag isip ko paano ko ito susunugin.


-


I let myself fall into my bed ng makauwi na ako sa bahay. Kaso napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses ng isang taong good news palagi ang dala.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay pagmumukha ni Carlo, ngunit mas lalo akong napangiti ng makita ang dala nito.

"Ito ang gusto ko sayo bestfriend e, may pasalubung ka palagi sa akin." sabi ko dito sabay kuha ng bagay na hawak niya at tiningnan kung ano ang laman nito.

"Yan problema sayo e, bestfriend lang tayo pag may pagkain akong dala." sabi naman nito sabay pasok sa loob at umupo sa upuan.

"Buti naman at alam mo iyon." pabirong sabi ko sabay kain ng chocolate na dala nito.

"Huwag kang mag alala, next time wala na akong dala pag uwi." nagaasta naman itong magtampo at binaling ang tingin sa kung saan.

"O s'ya, kamusta ang pagiibang bayan mo?" natatawang tanong ko sa kanya sabay upo sa upuang nakapwesto sa harap nito.

"Okay lang naman, nakakapagod nga lang. Ikaw kamusta?"

"Ito humihinga, nakakausap mo at maganda pa naman." simpleng sabi ko rito.

Napailing na lamang sya sa sagot ko.

"E 'yong trabaho mo, kamusta naman?"

"Ayon at trabaho pa rin"

"Buti naman." nakabusangot na reaction nito.

Napatawa na lamang ako sa kanyang reaction, tumayo para maglakad palapit sa kanyang likuran at mahigpit na yinakap mula sa aking pwesto.

"Ikaw naman bestfriend parang di ka na mabiro." sabi ko dito habang nakapatong ang aking baba sa kanyang ulo.

"Sinong nagsabing hindi? Sanay na ako sayo. Sanay na sanay." sabi naman nito sabay hawak ng kamay ko. "S'ya nga pala, kaya ako pumunta rito kasi magpapaalam ako, aalis na naman kasi ako mamaya. Hinatid ko lang ang regalo ko sayo." sabi nito sabay hila sa akin palapit sa kanya.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon