Chapter 18

942 49 2
                                    


Riley POV's


Tahimik akong nakamasid kay Nickolas habang siya ay diniretsong inom ang isang bote ng alak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya. Para kasi itong basang sisiw, sobrang gulo ng ng buhok at tila kulang sa tulog.

"Ano ba talaga ang nangyayari sayo unggoy ka?" tanong ko rito.

"Yung babae kasi na iyon pre." sabi lang nito at uminom ulit.

Napailing na lang ako bago lumagok ng kunti sa hawak kung alak, habang naka tingin sa mga tao nagsasayawan sa ibabang bahagi ng bar na pinuntahan naming dalawa.

"Putcha tol, nababaliw na ako kakahabol sa babaeng 'yon." napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Ba't mo naman kasi hinahabol? Aso ka ba?" tanong ko rito.

"Gago ka ba, e alam mo namang mahal ko. Asong ulol na ata ako." inis na sabi nito.

Aba't tarantado rin to, minura pa ako ng ugok. Pasalamat talaga siya't lasing s'ya, kung hindi kanina ko pa ito nabatukan.

"Sa pagkaalala ko, noong isang linggo pila-pila ang mga babae mo, tapos ngayon sasabihin mo sa akon inlove ka na." sabi ko rito. "Aba't ginagago mo ba ako Nickolas?" dagdag ko pa.

"Anong isang linggo, ilang buwan na akong tigang dahil sa babaeng 'yun, tapos gagawa ka pa ng kuwento." depensa naman nito. "Kung alam mo lang kung ano-anong paraan ang ginawa ko para mapansin niya lang ako tapos ang manhid niya pa rin." dagdag pa nito habang napatingin na rin sa ibabang bahagi ng bar.

Uminom ulit ako bago magasasalita ulit, ngunit biglang nakuha ni Nick ang atensyon ko dahil sa sinabi nito.

"Is that your secretary?" sabi nito habang seryosong nakatingin sa ibabang parte ng bar.

Mabilis naman akong napatingin sa baba at sinundan kung saan nakaturo ang kamay nito. Napakunot ang noo ko nang makita ko ito sa harapan ng counter ng bar.

"What the hell is she doing here?" inis na tanong ko aking sarili. Lalo pa akong nainis nang makita kung may kausap itong lalaki at ang sweet pa nilang tingnan bago bigla rin naman umalis ito.

"Lime?" rinig ko namang sabi nitong unggoy na kasama ko. Napatingin naman ako sa tinitingnan n'ya. Obviously, it's a girl who's dancing in the middle of the dance floor. Aba, iba rin talaga tung unggoy na to kung mamili ng babae. May taste rin naman pala.

Nabigla naman ako ng tumayo ito at naglakad papuntang hagdan, kaya sumunod na rin ako dahil may pupuntahan din ako sa ibaba.



-



Tanya POV's


Napailing na lamang ako habang iniisip ang sinabi ng kapatid kong bwesit. After he left, I decide to go have a small drink so I end up here.

I was about to drink my nineth shot when a guy just sits beside me. Kaya naman napaatingin ako rito at napataas ang kilay.

"Mukhang daming nakakamiss sa akin ngayon, sunod sunod kayong nagpapakita sa akin." sabi ko rito.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon