Chapter 17

1K 47 2
                                    


Third Person POV's


Matapos mapatumba ay mabilis na gumapang si Tanya sa sofang malapit sa gawi niya, dahil na rin sa sunod sunod na pinaliguan ng bala ang kanyang pinag tataguan. Buti na lamang ay walang ni kahit kunting daplis ng bala ang tumama sa kanya hanggang makatago sa likod ng kaniyang sofa.

Sa kabilang dako naman ay tahimik na minamasdan ng bisita ni Tanya ang kanyang paligid, natuon ang kanyang buong atensyon sa mga yabag ng mga taong naglalakad sa hindi kalayoan ng kanyang pwestong pinatataguan.

Maingat naman nitong kinuha ang kanyang TRIARC Glock 19 V2 RMR Cut Gen 5 Black Nitride, at walang ingay na naglakad papunta sa likod ng isang aparador. Seryoso nitong inasinta ang isa sa mga kalaban na malapit sa bintana ng bahay, habang inaasinta nito ay nilagyan niya ng silencer ang baril, pagkatapos ay walang pakundangang binaril ito sa ulo.

Naging alerto naman ang mga tao sa loob ng apartment dahil sa nangyari. Mabilis na gumalaw ang mga ito, ang iba sa mga kasamahan nito ay puwersahang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Tanya, at hinalughog ang buong silid.

Mabilis namang napatago sa kanang puwesto si Tanya ng mapansin niya ang isa sa mga lalaki na papunta sa kanyang pwesto, pwenesto nito ang hawak na baril kung sakaling mas lumapit pa ito sa kanyang pinagtataguan. Maingat naman siyang sumilip upang tingnan kung ilan ang taong naroon maliban sa lalaking papalapit na sa gawi niya.

Hindi naman kasi ganoon kadilim ang buong silid, dahil sa kunting liwanag na nanggagaling sa street light sa labas ng bintanang jalousie, sanay na rin ang dalaga na gumalaw sa dilim, kung kaya't nakikita n'ya ang bawat galaw ng mga taong nasa loob ng silid. Hindi rin tulad sa ibang apartment ay may kalakihan naman ang tinitirahan ni Tanya.

NNapansin n'yang mas lumapit na ang kanina pa niyang binabantayan kalaban kaya mabilis nitong pinaputokan sa bandang paa, dahilan para mapahiga ito at binaril n'ya ulit sa ulo.

"6 more left." sabi naman ni Tanya sa kanyang sarili, ngunit biglang natumba ang dalawa sa mga kalaban, napa-ngisi naman ito ng maalala niya na may kasama pala s'ya ngayon.

Nakagawa ng malakas na ingay ang pagbagsak ng tatlong kalaban, kung kaya't napatingin naman ang mga ito sa bandang sofa at mabilis pinaputokan. Mabilis naman lumihis ang direksyon ng mga bala sa kabilang bahagi ng bahay ng doon naman nila itinutok ang mga hawak na baril.

"It's not here," rinig ni Tanya sa ng isa sa mga lalaki matapos halughugin ang silid nito.

"Let's get out here now." iyon lamang ang saot ng taong sinabihan niya.

Maingat ang bawat kilos ng mga ito habang papalabas ng apartment, ngunit hindi pa silang lahat nakakalapit ng tudo sa pintuan ay sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga ito ng walang pagdadalawang isip na pagbabarilin ito nila Tanya at ng kanyang bisita.

Akala naman nila ay tapos na ang lahat, ngunit biglang sunod-sunod na bala ang tumama sa apartment nito kaya mabilis silang napada at nagtago sa likod ng sofa at cabinet.

Dahil sa sunod sunod na bala ay napuno ng butas ang pader, nawasak din ang mga ilaw at iba pang appliances. Makalipas ang tatlong minuto ay biglang may narinig silang tunog ng sasakyan na papaalis, maingat namang gumapang ang bisita ng dalaga papalapit sa bintana upang tingnan kung wala na nga ba talaga ang mga iyon.

Sa kabilang banda naman ay sapo ni Tanya ang kanang bahagi ng kanyang t'yan habang nararamdaman ang agos ng dugo sa kanyang kaliwang balikat.

Nang masiguro naman ng bisita nito na wala na ang mga kalaban ay mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon