Chapter 28

700 35 0
                                    


Tanya's POV's


Mula ng magising ako galling sa pagkawala ng aking malay ay nalaman ko, at alam ko na kinuha si Cade ng mga taong sumusunod sa amin kanina, habang si Carl naman ay hindi pa rin nagkakamalay haggang ngayon. Nagpapagaling pa ito sapagkat mas malaki ang naging pinsala sa kanya ng nangyari, malapit pa naman sa kanyang pwesto ang pinangyarihan ng pagsabog, at dahil na rin sa nagkaroon ito ng tama ng bala sa kanyang kanang balikat at tiyan.

"Do you have any idea kung sino ang pwedeng gumawa nito?" tanong ni Derick o mas nakasanayan naming tawaging navigator habang nakatutok ang tingin sa mga files na nasa harap n'ya.

"Seriously bitch? Magtatanong ka niyan, halata naman diba kung sino." sabat ni Rancho habang pabagsak na nilagay ang mga files na hawak nito sa mesa.

"I don't know what to say, but why are so chill right now?" nagtatakang tanong ni Nickolas habang naka tingin sa aming lahat.

"Teka nga lang, bakit nandito ito?" biglang tanong ko habang tinuturo ko si Nickolas.

"Dinala ko 'yan dito kasi nakita ko s'yang hinahabol ng mga alam mo na. Tinulungan ko at naisip ko rin na baka pwede pa natin yan magamit kung sakali. Para naman kahit papaano ay masasabi kong may kwenta itong kaibigan." paliwanag naman ni Erika.

"Sino naman yung humahabol sa kanya?" dagdag na tanong ko.

"Mga taohan lang 'yon ng mapapangasawa ko." baliwalang sagot ni Nickolas.

"As if naman mapapasagot mo 'yon." balewalang sabi ni Erika.

"Bakit ka pala nandito?" biglang tanong ni Nickolas habang nagtatakang nakatingin kay Erika.

"I work here." mataray na sagot naman nito.

"So you're saying that you are a agent?" parang hindi makapaniwalang saad ni Nick.

"Of course! Also, as you can see, you already know us, so you should shut that filthy mouth of yours. Make sure you won't spill even a small tea out of the cup or something worse happen to you." nakangiti naman si Erika habang sinasabi ang bawat kataga.

"Is that a death treath or just a simple reminder?" may bahid ng sarkastiko ang tanong nito.

"It is up to you, on how your small brain understands everything that I utter earlier."

"Di niyo pa sinasagot 'yong tanong ko." wala sa plano nitong pansinin ang sinabi ni Erika at masama na lamang niyang tinitigan ang aking mga kasamahan.

"Anong tanong?" sabi naman ni Rancho habang walang ganang tinitingnan ang mga files sa harap niya.

"Bakit hindi pa kayo nagpa-plano o bakit wala pa kayong ginagawa ngayon para iligtas si Cade?" mahabang lantaya naman Nick ulit.

"Gago, nag iisip kami hindi lang halata." pabarang sabi naman ni Erika.

"Maka gago to! Ano bang plano n'yo?" dagdag naman nito uli.

"Secret." simpleng sabi lamang ni Rancho sabay kindat sa kanya.

Napailing na lamang ako sa pag uusap nila at napatingin ng tumayo na si C sa harap namin.

"Let's start the plan." panimula nito at naging seryoso na kaming lahat.


-


Riley POV's


Hindi ko maiwasang mapa ungol dahil sa malakas na suntok na tumama sa aking tiyan. Hindi rin naman ako makagawa ng malakas na ingay o makasigaw dahil sa bagay na nakalagay sa bunganga ko.

Matapos ang nangyaring iyon, nagising na lamang ako sa isang silid na kung saan ako ngayon inilagay, wala itong bintana at tanging isang pintuan na gawa sa bakal lamang ang naroon, kung saan ay may mga nakabantay sa labas. Tanging isang kama lamang ang laman nito at ilaw na malapit na atang mapundi. Puno na mga vandalism ang pader nitong kulay crema.

Matalim na tingin ibinigay ko sa lalaking sumuntok sa akin. Pasalamat lamang siya at nakatali ako kung hindi ay basag sa akin yang pagmumukha niya. Pangalawang araw ko na sa lugar na ito at kahit anong pagpa-plano kung tumakas ay wala rin naman na itong kwenta.

Hinayaan ko na lamang na hilain ako ng mga lalaki matapos akong pagsusuntokin dahil sa hindi ko sinasagot ang mga tanong nila. Habang nakasalampak ako sa kama matapos nila akong walang pagdadalawang isip na ibagsak doon, nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan dahil sa gawa ito sa bakal at may kalumaan na kung kaya't gumagawa ito ng ingay pag ginagalaw.

Pinilit ko naman tingnan kung sino ang pumasok, ngunit dahil sa hindi masyadong maliwanag ang ilaw ay hindi ko ito maaninag ng maayos. Tahimik ko na lamang pinakiramdaman ito hanggang sa huminto siya sa gilid ng kama ko.

"Riley," panimula nito. "Hijo, kamusta ka naman, kaya mo pa ba? Bakit kasi hindi mo na lamang sabihin kung ano ang access control password ng device na ito." sabi nito habang pinakita sa harap ko ang dogtag flash drive na nasa pag-aari ni Carlo n'ong nasa sasakyan pa kami.

Hindi ko ito pinakitaan ng kahit anong reaction at hindi ito pinansin, pinikit ko lamang ang aking mata.

Narinig ko naman itong tumawa ng mahina. "Mukhang kulang pa ang ginagawa ko para magsabi ka ng totoo. Hindi naman ganoon kahirap ang hinihingi ko, ang tanging gagawin mo lang ay ibuka ang bibig mo at magsalita ka, bakit mas pinipili mo pa iyong mahirap na paraan." dagdag pa nito.

Wala sa sarili naman akong natawa ng mahina dahil sa mga sinabi nito, ngunit napadaing din dahil sa biglang pagsakit ng aking mga sugat at pasa sa mukha at katawan.

"Matapos akong gawing punching bag ng mga tauhan mo ng dalawang araw, tapos ngayon niyo lang sasabihin kung ano ang kailangan ninyo. Bobo din eh." matapos kung sabihin 'yun ay minulat ko ng kunti ang aking mata at sinalubong ako ng pagmumukha ng aking tiyuhin.

Gusto ko man mabigla ngunit hindi ko magawa, dahil sa umpisa pa lamang ay may hinala na akong may kinalaman ito sa pagkamatay ng aking magulang, at kahit hindi ko pa alam ang tungkol sa organisasyon ay siya pa rin ang taong pinaghihinalaan ko ng sobra.

"Mr. Felton Garcia, my beloved filthy damnass uncle." diretsong sabi ko na sinagot niya lamang ng malakas na halakhak.

"Hanggang ngayon ay ganoon ka pa rin talaga Riley, bastos kung magsalita." lantana nito at tumayo sa kanyang inuopuan.

"Bastos lamang ako sa mga taong hindi karapat dapat sa respetong meron ako." pabalik na banat ko habang ma-ingat ang aking galaw na sinandal ang aking katawan sa headboard ng kama.

Pailing-iling naman itong naglakad palapit sa akin kasabay ng pagtama ng kanyang palad sa aking mukha.

"Kung ganoon naman pala ay sabihin mo na lang kung anong encrypt code ng flash drive na ito." giit nito.

Ngumiti naman ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Why would I?" tanong ko sa kanya. "Anong benepisyo ang makukuha ko kung sasabihin ko sayo, will you set me free?" sandali muna akong huminto at diretsong tiningnan ito sa mata. "But sad to say this, I don't know the fucking code or password of that stuff and even if I know it, I will not going to tell you. Never." pagpatuloy ko sabay kindat dito.

Naiinis lamang ito na tumingin sa akin at walang lingon na naglakad palabas kasama ang mga tauhan niya. Napatingin na lamang ako sa kawalan at iniisip kung okay lang ba ang kalagayan ni Tanya.


===











A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon