Chapter 29

732 29 0
                                    


Tanya POV's


Pulido ang bawat galaw ko habang inaakyat ang malaking bakod ng bahay kung saan naroroon at nakatago si Cade. Huminga ako ng malalim para kumuha ng bwelo upang makaakyat ako sa puno, kung saan ay naka pwesto sa gilid lamang ng pader. Matapos kong maakyat ang puno ay maingat akong tumingin at nagmasid sa aking paligid, mula sa aking pwesto ay kita ang malawak na bakuran na natatakpan ng mataas na pader. Mabilis kung kinuha ang aking night vision telecscope at sinuri ang paligid.

"May apat na bantay ang nasa east at tatlong bantay naman sa southeast , limang bantay din ang nakikita ko sa bahaging northeast at lahat sila ay fully armed." mahinang sabi ko habang isa-isang sinusuri ang mga bantay na aking nahahilap.

"Limang bantay naman ang nandito sa outh at dalawa sa southwest, fully armed lahat sila." dinig ko ring sabi ni Rancho.

"I'm ready to enter the main gate," Erika uttered as she was in the west part where the big steel gate is.

"Everyone listen. Napasok ko na ang security system ng buong bahay, mayroon kayong twenty minutes para pasukin ito ng walang nakakaalam. Try to make less noise, h'wag masyadong papansin-" naputol naman ang sasabihin ni Navigator nang biglang sumabat si Rancho.

"Hoy Erika, narinig mo 'yon. Bawal daw papansin, kaya umayos ka d'yan."

"Bwesit kang bakla ka. Ako na naman nakita mo. Manahimik ka na lang kaya at gawin mo yang dapat mong gawin." saad naman ni Erika

"Guys pwede na ba akong magsalita?" pagpapaalam ni Navigator sa kanila.

"Magsalita ka na lang diyan." asik naman ulit ni Erika.

"So like what I've said kailangan ninyong gumalaw ng mabilis, kung maari ay huwag lumikha ng scenario na makakakuha ng attention ng iba. Patulugin ninyo ang bawat bantay, patayin sa tahimik na paraan kung kinakailangan. We only have twenty minutes bago nila malaman na may nakialam sa system nila, kaya bilisan ang galaw-"

"Oh tapos?" walang ganang tanong ni Erika.

Hindi naman ito pinansin ni Navigator at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

"Remember na ang mission lang natin ay kunin si Mr. Mallory, kunin ang flashdrive at wala ng iba pa." saglit naman itong huminto sa pagsasalita.

"Set your timer. Your twenty minutes start now. Stop messing around. We didn't make a good for nothing bitches." saad naman nito na naging dahilan upang gumalaw na kami.



-


Third Peron POV's


Matapos sabihin ni Navigator ang go signal ay nagsimula ng gumalaw ang lahat. Mula sa south area ng bahay ay maingat ang galaw bawat ni Tanya habang dahan-dahang bumababa sa punong pinagtataguan nito kanina. Dahan dahan, pulido at maingat.

Mula naman sa lilim ng mga halaman ay mahinang ingay ay nilikha ng pagbagsak ni Rancho, mabilis naman itong gumalaw at pumunta sa likod ng malaking puno. Mula sa kanyang tinataguang pwesto ay kitang kita nito ang mga bantay na palakad lakad. Nakahinga ito ng maluwag ng masiguro na walang nakarinig sa pagbagsak niya.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon