Tanya POV's
One week na ang nakalipas matapos mangyari ang isang kabaliwang bangungot na iyon. Oo, one week lang, alangan namang patagalin ko pa. Kaya ito ako ngayon nakatunganga sa harap ng full body size mirror at tinitingnan ang sarili ko.
"Haist..." I sigh deeply
Nang magsawa na ako sa kakatingin sa sarili ko ay kinuha ko na lamang ang resume ko na nakapatong sa kama at nag simula ng maghanap ng trabaho. Wala na rin naman kuwenta kung iisipin ko pa ang nangyaring 'yon, dahil hindi naman ako magkakapera at hindi rin ako mapapakain n'on, kaya mabuting kalimutan na lamang ang kagagahan ko at mag hanap na lamang ng trabaho.
Tahimik ko na lamang na sinarado ang pinto ng aking apartment at nag simula ng maglakad sa kahabaan ng magulong daan ng syudad. Dahil sa kaylangan kong mag tipid at malapit lang naman ang pupuntahan kung kompanyang naghahanap ng bagong sekretarya, kung kaya't napagdesisyonan ko na hindi na lang sasakay para makatipid.
Hindi naglaon ay nakarating din ako sa aking destinasyon at napatitig sa may kataasan at kalakihang gusali.
"Ramos Enterprise Corporation," pabulong na basa ko sa pangalan ng kompanya, inayos ko muna ang aking damit, kinuha ang pabango na dala ko sa aking sling bag, nagpabango upang mawala ang amoy ng usok na nadikit sa damit ko, at pagkatapos ay inayos ko rin ang buhok kong naka ponytail.
Naglakad na rin ako palapit sa pintuan ng building na ito at papasok na sana nang nadinig ko ang boses ng guwardya.
"Magandang umaga po Ma'am, ano po ang nais nila?" nakangiting tanong nito
"Magandang umaga rin ho, andito po ako para mag apply ng trabaho. I'm here for my second interview." magalang na sabi ko rito.
"Ganoon ho ba, o sya pasok na po kayo at nasa second floor po ang interview." nakangiting sabi nito ulit at pinagbuksan ako ng pinto
"Maraming salamat ho," nakangiting sabi ko habang naglalakad papasok na sa loob, tinungo ang elevator at pinindot ang numerong magdadala sa akin sa ikalawang palapag, kasabay n'on ay ang pag bukas nito ay tahimik na akong pumasok
Huminga ako ng malalim ng bumukas na ang elevator, naglakad ako palabas at dumiretso sa isang parte ng palapag na mayroong maraming taong nakapila, mapa babae man o lalaki. Tahimik na lamang akong umupo habang inaayos ang medyo nagulong buhok na hindi ko pala naayos ng mabuti kanina.
After an hour of waiting and still waiitng for my name to be called, may lumabas babae at narinig kung tinawag ang pangalan ko.
"Ms. Haley Tanya Cervantes, please you may come in."
Tumayo naman ako at naglakad papasok sa loob ng silid na pinagdadausan ng interview.
Matapos ang interview ay dali-dali akong naglalakad palabas ng building na iyon para pumunta sa isa pang company na naghahanap daw ng bagong secretary. Dahil medyo may kalayuan iyon ay napagdesisyonan kung magjeep na lamang.
-
Riley POV's
"Bakit ka naman magre-resign Nick?" nagtatakang tanong ko sa sekretarya kung nakaupo ngayon sa harap ko.
"Riley naman, alam mo na mang darating sa point na kaylangan ko ring umalis dahil aasikasuhin ko na yung restaurant na pag aari ng magulang ko, at isa pa, di ka pa ba nagsasawa sa cute na pagmumukha kong ito." sabi nito sabay hawak sa mukha nya at nag pa-cute pa ang gago.
BINABASA MO ANG
A Night with Mr. Stranger
RomanceIt starts when Tanya gets herself drowned in alcohol and then wakes up naked next to a certain stranger who happens to be her new boss. Ano kaya ang gagawin into???