Chapter 9

1.5K 55 4
                                    


Tanya POV's


Lutang akong naglalakad sa hallway ng bigla kong mabangga ang isang babae, dahilan para matapon ang hawak nitong juice sa damit n'ya at damit ko. Napabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang matinis na boses nito.

"Bitch, hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" sabi nito sabay pamewang sa harap ko. "You have no idea how expensive this dress of mine, and you just ruined it!"

"Sorry po Ma'am." sabi ko rito habang ilang beses na yumuko.

"Sorry? What would be the use of your sorry, things already happen, tatanga-tanga kasi. You better be thankful for being lucky this time because I'm in hurry right now, if not ipapasesante talaga kita sa boss mo." sabi nito sabay lakad palayo.

Napabuga naman ako ng hangin ng tiningnan ko ang damit ko, dobleng malas naman oh, kanina nakarinig ako ng balyenang sumisigaw dahil sa hindi pa daw ako nakakabayad, tatlong araw lang naman akong delay ah, tapos ngayon nakabangga ako ng client. Teka! s'ya yung babae noon sa elevator, 'yung kinulang sa tela.

Nang makarating ako sa upuan ko ay nagsimula na akong magtrabaho at ng matapos ako kaagad, habang nag ta-type ako ay may isang babae na nakakuha ng attention ko habang naglalakad ito na para bang nasa catwalk s'ya at huminto sa harapan ko.

I stare at her, she has long semi-curly hair, a thin face, semi-round hazelnut eyes, and kissable lips, and her body figure is perfect, not too slim but not too fat, but still just like the other girl na nakabungguan ko kanina ay mukhang suplada ito at kinulang din sa tela but okay yung mukha n'ya, walang color paint.

Magalang naman akong tumayo. "Good morning, ma'am, what can I do for you?" tanong ko dito in a serious face, tinatamad akong ngumiti.

"Your boss?" diretsong tanong nito.

"Sorry po Ma'am, pero may appointment po ba kayo sa kanya?"

"I don't need to have an appointment just to see him, so tell me if he's inside or not." tinarayan naman ako nito.

"Pero Ma'am sabi ni Mr. Mallory ay tanging may appointment lang ang kakausapin at papasukin sa loob." pinilit ko na maging tunog magalang kahit kunti na lamang ay masasapak ko na ito.

"Bitch, hindi mo ba ako kilala?" sabi nito sabay turo sa kanyang sarili.

"Tanga, paano kita makilala kung hindi ka pa nagpapakilala, bobo besh." sabi naman ng utak ko.

"Sorry po Ma'am but hindi po." sabi ko rito at yumuko, inaantok ako sa kausap ko.

"Oh! I'm your boss fiancee, at kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay papasukin mo ako." sabi namam nito ulit at naglakad papunta sa pintuan ng office ni Mr. Mallory at binuksan ito, bumungad naman sa amin ang busy na sitwasyon ni Sir.

"Honey!" sabi naman ng palaka habang naglalakad papalapit kay Riley na nakatingin na pala sa amin.

"Dorothy, what are you doing here? When did you came?" nagtatakang tanong ni Sir kay palakang Dorothy na nasa harap niya na pala nito.

"Sorry sir, ayaw po paawat at biglang pumasok, hindi ko po napigilan at ang sabi niya ay fiancee mo po daw siya." paghingi ko ng paumanhin dito.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon