Tanya POV's
Tahimik akong napabagsak sa kama ng makapasok ako sa aking silid. Kahit antok na antok at pagod na pagod ako dahil sa mga pinapagawa niya sa akin kanina, pinilit ko na lamang ang sarili na bumangon ulit at maglinis ng katawan.
Makalipas ang ilang oras na pag aayos ng aking sarili ay napahiga ulit ako bago pinatay ang mga ilaw. Sa gitna ng pagtulog ko ay naalimpungatan ako sa malalakas na katok na nagmumula sa labas, kaya papikit-pikit akong naglakad upang tingnan kung sino ito. Nagtataka naman ako ng makita ang pagmumukha ng aking amo mula sa peephole, pigil ang inis na binuksa ko ang pintuan dahil baka masira na ito sa malakas na pagkakatok niya.
"Sir?" mahinang sabi ko para mapatigil ito sa pagkatok bago ko binuksan ng tuluyan ang pinto.
"Haley?" sabi nito at ngumiti kaya mas lalo akong nagtaka, nilapitan ko ito ng kunti dahilan para malanghap ko ang amoy nito.
"Are you drunk?" wala sa sariling tanong ko kahit na halata naman.
Sinubukan nitong tumayo ng maayos ngunit bigla itong nawalan ng balanse kaya dali-dali ko itong sinalo, buti na lamang ay napasandal ako sa pader kaya hindi kami natumba ng tuluyan, dahil na rin sa mas mabigat ito kumparabsa akin. Napaigtad naman ako ng bigla niya akong hinapit sa bewang at pinulupot ang kamay nito sa aking katawan.
Napabuga naman ako ng hangin at dahan dahan ko itong dinala sa loob, pagkatapos ay pinahiga sa sofa kahit hirap ako sa paglakad. Napatitig naman ako sa kanya at napaisip kung bakit lasing ito, dahil sa pagkakatanda ko ay nasa unit lang niya ito, maliban na lamang kung doon s'ya uminom, kaso ba't ito napunta rito.
Napailing na lamang ako at kumuha ng kumot. Matapos kong titiigan ito sa huling pagkakataon ay pumasok na ako upang gawin ang dapat kong trabaho.
-
Riley POV's
Masakit ang ulo kong bumangon sa aking hinihigaan, ngunit napahinto at nagtaka ako ng makita ko ang paligid. This is not my place, 'yon ang unang pumasok sa isip ko. Tatayo na sana ako ng biglang nabaling ang akong atensyon sa isang pintuang bumukas at niluwal nito ang aking sekretarya.
Ngunit seryoso lamang itong naglakad papunta sa kusina n'ya at hindi man lang ako binigyan ng pansin, kaya naisipan kung tumayo at maglakad papunta sa kanya habang hawak ang ulo kong sumasakit pa rin.
"Ms. Cervantes?" tawag ko rito ngunit hindi pa rin n'ya ako tinitingnan, nilapitan ko ito at tinapik sa balikat n'ya dahilan para mapalingon ito sa aking gawi.
"Sir?" tanging sabi lang nito sa akin.
"Why I am here?" tanong ko rito sabay upo sa isang high stool na upuan.
Umikot naman ito para makaharap sa akin habang naglalagay ng tubig sa kanyang baso at uminom sa aking harapan.
Para sa iba ay normal lang ito, ngunit bakit parang nauuhaw din ata ako habang nakatingin sa kanya. Kaya tumayo na lamang ako, lumapit sa lagayan ng baso para kumuha, at ng makainom na rin. Kinuha ko naman ang pitchel na nilagay nito sa mesa at walang ano-ano na inimon ito. Useless lang yung pagkuha ko ng baso.
"Bigla kang nagwala sa labas ng room ko at katok ka ng katok Sir, tapos magtatanong na sana ako sayo nang bigla kang nakatulog kaya no choice ako, kung kaya't dito na kita pinatulog." paliwanag niya sabay patung ng dalawang siko nito sa mesa, dahilan upang mapalunok ako at nakaramdam ulit ng uhaw.
BINABASA MO ANG
A Night with Mr. Stranger
RomanceIt starts when Tanya gets herself drowned in alcohol and then wakes up naked next to a certain stranger who happens to be her new boss. Ano kaya ang gagawin into???