Chapter 21

822 48 3
                                    


Tanya POVs


Inis kong tinakpan ang tenga ko dahil sa ingay ng alarm clock. Balak ko na sanang tumayo ng biglang may pumulupot na kamay sa aking bewang, dahilan para hindi ako makabangon mula sa higaan.

"Where are you going?" mahinang bulong nito sa tenga ko.

"To kill that noisy stuff." sabi ko rito at babangon na sana ulit ng hinala na naman ako nito palapit sa kanya, sabay mahinang kinagat ang dulo ng kaliwang tenga ko.

"It will go silent on its own," he said, then buried his face on my neck. "I'm still sleepy," he added.

Hinayaan ko na lamang na manahimik ito dahil hindi naman ako papakawalan ng koala na ito. Last night went well at buti na lang ay hindi na ito nagtanong pa ng todo todo about sa kung bakit ako natagalan, though I ended up sleeping beside him.


-Flashbacks-


"Baby naman eh." maktol ni Cade habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"No." simpleng sagot ko pagkatapos ay kumain ulit.

"Bakit kasi ayaw mo?" may pagtatampong tanong nito. "Ganyan mo na ba kinakahiya ang gwapo kong mukha?" dagdag pa nito.

"Dahil baka may makakita sa atin at kung ano pang isipin nila." paliwanag ko rito.

He crossed his arms and stared at me with those pouty lips, making me want to laugh, but I held back. After I chew and swallow the food, I move a bit closer to face him.

"Pag hindi ka tumabi sa akin ngayon ay hindi kita titigilan bukas." panimula nito. "Tapos lalandiin kita sa harap ng marami, magtatanong sila kung bakit ganoon ako, sasagutin ko naman na tayo na, tapos ipagkakalat ko na buntis ka at ayaw ko lang mastress ka kaya gan'on." mahabang pagbabanta nito.

Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito at wala sa sariling napainom ng tubig.

"Anong buntis yang pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko rito.

"Sasabihin kong buntis ka." simpleng sabi nito.

"As if naman maniniwala sila." kampanting sabi ko.

"Bubuntisin nalang kita, para siguradong totoo talaga." nakangiting sabi nito.

"Aba't, hoy unggoy! Huwag na huwag mong sasabihin yan." inis na sabi ko sabay hawak ng tinidor at dinoro-doro sa harapan nito. "Kung ayaw mong putulan kita ng kaligayahan."

He just stuck out his tongue, grinned from ear to ear like a crazy person, and he pouted those lips again.

"Baby, payag kana. Ngayong week lang naman at tsaka na miss kita." parang batang sabi nito sabay hawak ng kamay ko at nilaro-laro ito. "Miss kita, sobra,sobra." paglalambing nito.

Natatawang umiling naman ako at hinawakan ang kamay nito dahilan upang yumuko ito. Nakangiti naman akong tumango ng magtama ang mata namin.

"Oo na." pag payag ko rito.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon