Chapter 25

788 40 3
                                    


Riley POV's


Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang malaking itim na gate na unti-unting bumukas. Bumulagta sa akin ang isang three-story box-type house coated with black, white, and grey paint. The house has a black-painted wooden door and windows of different sizes on almost every floor. Carabao grass covers the area, and a brick pathway leads to the front door. The walls and corners have various well-placed plants, and small lights guide the way along the pathway. The house is beautiful and secure, with CCTV cameras installed from the gate to every corner inside.

Kahit kating kati na ang dila kong magtanong sa kanya, ngunit pinipigilan ko pa rin ang sarili at hinihintay na siya mismo ang magsalita at magpaliwanag sa akin ng lahat.

Matapos huminto ang sasakyan ay tahimik kaming dalawa na lumabas. Sumunod lamang ako sa kanya papasok ng binuksan nito ang pinto ng bahay.

"Do you want anything? Water, juice, tea or beer?" tanong nito habang nilagay ang susi sa isang key holder.

"Water will do." tanging sagot ko na lamang sa kanya.

"Okay, umupo ka muna d'yan at kukuha lang ako."

Sinunod ko naman ang sinabi nito at umupo sa isang pang-isahang sofa, habang tahimik na pinagmasdam ang paligid.

The wall has a black coating with a glimpse of white, and the furniture and carpet are also black. A fifty-inch flatscreen TV and two speakers are present on each side. Additionally, there are six big arrowhead plants placed in every corner, one Sweetheart Hoya in the center table, and a Cyclamen.

Nahinto naman ang pagmamasid ko sa paligid ng dumating si Tanya, hawak nito ang isang basong may lamang tubig.

"Magpapalit muna ako ng damit. Ikaw kung gusto mong magpalit ay pwede ka doon sa isang kwarto, may mga damit panlalaki roon." napahinto naman ito ng tiningnan ko s'ya ng may pagtataka. "Don't worry, bago ang mga 'yon. It was a clothes prepare if a guess will come." pagpaliwanag nya.

Tumayo naman ako. "Saan ba banda iyon?" tanong ko sa kanya.

"Sumunod ka na lang sa akin dahil katabi lang namam iyon ng silid ko." sabi nito habang nagsisimula ng maglakad paakyat ng hagdan.

Tahimik akong bumaba sa hagdan matapos ang ilang minuto na paglilinis ng katawan at pagpapalit ng damit. Mula sa aking kinakakatayuan ay may naririnig ang munting ingay sa kung saan, kung kaya't naglakad ako papunta sa gawing iyon.

Hindi ko mapigilang mapamangha nang makita kung sa kusina pala nanggagaling ang ingay na iyon. Her kitchen is coated with white and gray, a mahogany dining table that can be used by 8 people, she was standing at the front of the stove while stirring something.

She is wearing a simple plain black v-neck shirt and also black pajamas.

Walang ingay ulit akong naglakad papalapit sa kanya, ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalapit ay nakangiti n'ya ako nilingon.

"Upo ka muna diyan at malapit na akong matapos." sabi nito at nagpatuloy ulit sa pagluluto.

I can't help but stare at her, pakiramdam ko ay iniiwasan niyang mapagusapan namin ang nangyari kanina. Hindi ko rin magawang alisin ang tingin ko sa kanya habang nilalagay nito ang pagkain sa mesa.

Tahimik kaming nagsimulang kumain.

"About sa nangyari ka-"

"Let's talk about it later." pamutol nito sa sasabihin ko, kaya wala akong ibang nagawa at tahimik na pinagpatuloy ang pagkain.

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon