Chapter 7

1.6K 66 12
                                    


Tanya POV's


"I-ik-ikaw?" wala sa sariling sabi ko habang nanginginig akong napalakad ng paatras, dahil ukopado ang utak ko ay nawalan ako ng balansi, buti na lamang ay malapit lamang ako sa pinto kung kaya't doon ako tumama at hindi natumba.

Ngumiti naman ito ng napakatamis at ipinag krus ang mga braso.

"Yeah, it's me." sabi nito at bigla namang tumayo kaya bigla akong nataranta.

"Hu-hwag kan-ng luma-mapit!" natatarantang sabi ko rito habang hindi mapakali. Maaari ko namang buksan ang pinto upang makalayo sa kanya, ngunit tila hindi gumagana ang utak ko dahil sa kabang nararamdaman.

Tanging ngiti lang ulit ang sagot nito at dahan-dahanh naglakad papalapit sa akin.

"Sa-sabing hu-hu-hwag kang lumapit!" natatarantang sabi ko rito ngunit huli na ang lahat dahil hindi ko namalayang nasa harapan ko pala siya.

"Paano ba yan malapit na ako, anong gagawin mo?" sabi nito habang paunti-unting nilalapit ang kanyang mukha sa aking mukha, kung kaya't wala sa sariling napakagat ako ng aking pang ibabang labi. Ngunit dahil doon ay napatitig ito roon at biglang ngumiti ng nakakaloko.

"Oh, you will kiss me? I'm okay with it. Though I'm still thinking about your lips kissing my body and mouth eating me. You're seem so expert at that time." sabi naman ulit nito habang napapikit na parang bang may inaalala.

Dahil doon biglang nanlaki ang aking mata at napatakip ako ng aking bibig. Kahit ako ay kinakabahan, pinilit ko pa ring inalala kung meron nga bang nangyaring ganoon, ngunit wala talaga akong maalala maliban sa sinuko ko ang bataan.

"Wa-wala ak-akong ma-matandaang nangya-yari i-yon." lakas loob kong sabi rito kahit hindi ako sigurado kung wala nga ba. Wala nga ba?

Nagkibit balikat naman ito sabay lapit pang lalo sa akin, yung tipong kunting galaw ko lang ay magtatama na ang aming mga labi, pinilit ko na lamang na hindi gumalaw at pinikit ang mga mata ko habang nagpipigil ng hininga, ngunit makalipas ang ilang oras ay wala namang nangyari kaya maingat kung minulat ang mga mata ko at nakita ko naman s'yang naka upo na ulit sa kanyang swivel chair, bigla akong napahinga ng maluwag at napabuga ng malakas.

"Ms. Cervantes, I would like to be more formal with you, and I want to talk about what happened to both of us the other week. Let's make thing ends here." pormal na sabi nito at biglang nagseryoso.

Huminga naman ako ng malalim just to compose me.

"Ano n-naman po a-ang paguusapan natin tugkol doon Sir?" pormal na tanong ko kahit medyo kinakakabahan at nauutal pa rin ako.

"I would like you to forget about it and act professionally. Let those things be in the past, let bygon be bygon. Let's forget about that night." sabi nito sabay titig sa akin ng seryoso dahilan para mapatango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Okay po Sir, masusunod kung ganoon ang iyong nais, iyon din naman ang nais ko and if that all you want to say then, I'd like to excuse myself, Sir." seryoso sabi ko at nag simula ng maglakad palabas ng kanyang office, ng makalabas ako ay biglang napa-padyak na lang ako sa inis na kanina ko pa pinipigilan.

"Tangina nya, matapos nyang makuha si Bataan ay sasabihin nyang kalimutan na lamang iyon, hindi ba nya alam na ilang taon ko iyong iningatan tapos, dapat sa magiging asawa ko lang yun ilalaan." mahinang bulong ko matapos padabog na umupo at nagsimula ng magtrabaho.



Makalipas ang ilang minute ay biglang umingay ang intercom na nasa gilid ng table ko

"Ms. Cervantes, send me my schedule for today"

"Yes Sir."



Ginawa ko lahat ang kanyang mga ipinagutos at gan'on nag umpisa ang umaga ko, ng dumating ang tanghali ay napag isipan kong kumain, kaya kahit ayaw kong makita ang pagmumukha nito ay kumatok ako sa kanyang opisina para mag paalam.

"Come in." sabi nito makalipas ang ilang sigundo, unti-unti kong pinihit ang seradura at dahan dahang binuksan ang pintuan at seryosong tumayo.

"Sir, mag papaalam po ako na kakain muna ako, baka po kasi hanapin mo ako. " pormal na sabi ko while making sure to use my most serious tone. Remember, dapat daw boss and employee relationship lang, para namang papatulan ko s'ya.

"Okay." sabi nito na busy paring nakatingin sa kanyang laptop at napansin ko rin ang tambak na mga folders at papers sa mesa nito.

Yumuko lamang ako at umalis na. Habang tahimik akong naghihintay na bumukas ang elevator, I suddenly feel someone's presence at my back, kaya naisipan kung lumingon and to my shock, it is Mr. Mallory. Kaya inirapan ko na lamang s'ya sa imagination ko, tamang-tama namang bumukas ang elevator at tumamban ang pagmumukha ni Sir Nick na nakangiti.

"Hello there Ms. Beautiful," sabi nito sa akin at bigla namang nag seryoso ang mukha ng matuon ang pansin sa taong nasa likuran ko "Hello Mr. Mallory, Ms. Castillio is walking in the lobby right now, and I know that you know what her is reason for coming here." mula seryoso ay napalitan ng nakakalokong ngiti ng binanggit nito ang pangalang Ms. Castillio and he also wiggle his eyebrow.

Diretso pumasok naman si Mr. Mallory na tila walang narinig and he leans in the elevator metal wall then he stares at me.

"Aren't you coming Ms. Cervantes?" seryosong sabi nito kaya natauhan ako at mabilis na pumasok, lumabas naman si Sir Nick at parang tanga ngumiti.

"Okay, I'll handle her." sabi nito, that took my attention, and it makes me curious about what they're talking about but pinag walang bahala ko naman ito. Masabihan pa akong chismosa.

Habang nasa loob kami ng elevator ay tahimik lamang ako, tanging ingay lamang ng elevator ang maririnig, ngunit pag karating sa 7th floor ay bumukas ito, nagsipasukan naman ang mga empleyado dahilan para mapuno ang elevetor, dahil duon ay sumiksik ako lalo sa aking pwesto ngunit medyo nahihirapan ako sa posisyon ko, sapagkat hindi ako makahinga pag masikip ang aking paligid, kaya nga lang ay hindi ko iyon pinapahalata.

Nabigla naman ako ng maramdaman kung may kamay na pumulupot sa aking bewang at hinila ako papunta sa likuran nito. Ng makita ko kung sino ito ay nabigla ako, kahit likuran lamang niya ang tinitingnan ko ay yet it's enough para alam ko kung sino ito. He also moves a bit to give me a small space, maybe he saw that I'm having a hard time breathing.

"Mabait din naman pala." mahinang bulong ko at naging ganoon ang sitwasyon namin habang nasa loob kami elevator, naririnig ko rin ang mga pagbati ng ibang empleyado sa kanya.

Nang makarating na kami sa second floor ay unti-unti ng lumabas ang mga tao sa loob at napatitig naman ako sa likod ni Mr. Mallory na parang modelo kung maglakad. He acts like wala lang 'yun kanina then something pops up in my mind.

"Yeah, boss and employee relationship, huwag kasing ma-fall. Hindi ka marupok sis." bulong ng baliw na utak ko kaya napabuga na lamang ako at idadaan nalang sa kain itong naiisip ko.

=

Hope you like it...

Sorry kung ngayon lang ako nakaupdate...

Walang signal sa province mga strangers...

Don't forget to like and vote...

A  Night with Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon