Obsession 4

13.4K 312 6
                                    

Angel's POV

Nagising ako ng nakarinig ako ng kaluskos sa loob ng aking kwarto. Agad kong nakapa ang cellphone ko at binuksan ang flashlight pero wala naman akong nakitang tao sa loob ngunit may nararamdaman akong presensya.  

"Sino ka" takot kong bigkas.

Kahit natatakot ako ay pinilit kong tumayo upang buksan ang ilaw. Pinalibot ko ang tingin ko ngunit wala akong nakita, inisa isa kong binuksan ang maaaring pagtaguan ng sino mang nakapasok ay wala parin akong nakita.

Nang hihinang naupo ako sa dulo ng aking higaan. It was yesterday when i felt that. In the hospital. Maybe it's him? Did he came to see me? To do it again? Hindi niya ba ako nilapitan dahil nagising ako?

Hindi ko namalayang nakatulog na ulit ako dahil sa kaiisip. Nagising ako ng alas sais kaya naman ay nag ready nako para pumasok sa trabaho.

Nakita ko agad si nay Glo na naghahanda na ng mga sangkap at ingat na ingat ito sa paghihiwa. Pumasok na agad ako sa kusina.

"Good morning po nay" nakangiti kong bati sa kanya at nilapag na sa gilid yung bag ko.

"Good morning din nak" Bati niya din pabalik. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Tinawagan ako ni Zhan kahapon at sinabing hinatid ka niya" Bakit siya tatawagan ni Zhan? He has her number? Obviously Angel!

How? For what?

"Ah, maayos naman na po ako nay. Pasensya na po talaga noong isang araw at naabala ko pa kayo." Nahihiyang aniko at tumulong sa paghiwa-hiwa ng mga ingredients. Nakita kong natakot siya sa nangyare.

"Alam mo namang anak na ang turing ko sayo, Angel. Kaya huwag mo ng isipin iyon. Normal lang na mag alala ako sayo. Ang mahalaga ay nadala ka agad sa ospital, salamat nalang talaga kay Zhan." Yes. I'm also thankful for him.

Pero bakit parang kilalang-kilala ito ni nay Glo?

"Mayaman, matulungin at mabait, oh diba anak, san ka pa?" muntik kong mahiwa ang isang daliri ko dahil sa kanyang sinabe.

"Ho?" Ano daw? Saan naman niya yan nalaman. "Nay naman." Napanguso agad ako.

"Nagbibiro lang ako." Napangiti ako dahil sa munti niyang tawa. Bakit naman niya naisip yon? Mukha bang magkakagusto ako kay Zhan? Pwede din, malakas kaya dating niya. Pero ako magugustuhan niya ba? Impossible yang iniisip mo Angel. Nag dedelulu ka na naman. Gusto ka kaagad porket tinulungan ka?

"Late na naman tong si Sany, naki pag date naman kase kahapon." Nabalik ang isip ko ng magsalita bigla si nay Glo.

"Palaging nasa date si Sany pero wala pang naipapakilala sa atin ah, baka may jowa na pala siya nay tinatago niya lang." Pagbibiro ko. Nasa tamang edad naman na siya kaya okay lang.

Mag aalas otso na pero wala parin siya, baka mamaya pa ang dating niya.

Inasikaso ko ang mga customer. Lahat ng pumapasok ay ako na ang nag entertain at hindi ko na inabala pa si nay Glo.

Naging maayos ang araw ko sa karinderya. Hindi pumasok si Sany, may importante daw itong inasikaso. Kay nay Glo ito tumawag. Hapon na ng mapagpasyahan kong kausapin si nay Glo tungkol sa sinabi ni Zhan.

"Nay, pwede po ba kitang maka usap?" Tanong ko matapos pumasok sa loob ng kusina. Umupo ako sa kanyang harap para maka usap ko siya ng mas maayos.

"Oo naman nak. Tungkol saan ba yan at mukhang seryosong seryoso ka?" She helds my hand. "May nangyare bang hindi ko alam?"

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon