Obsession 45

7.3K 159 3
                                    

Angel's POV

"Mommy, I want that monkey." Humalakhak si Kara habang naka nguso ang anak kong tinuturo ang maliit na unggoy na yinuyugyog yugyog ang sanga ng puno kung saan ito naglalaro ngayon.

Nandito kami sa Zoo ngayon gaya ng gusto ni Shaun. Ilang minuto narin kaming nakatanaw sa unggoy dahil hindi niya ito malubayan.

Kapag hahakbang si Kara ay hihilahin niya ito pabalik.

"No baby. Nandito lang tayo para mamasyal, hindi natin iyan pwedeng kunin. Magagalit yung may ari, do you want to be scolded?" Umiling ang anak ko dahil natakot siguro sa sinabi ko.

I never scolded him nor shouted at him, that's why he's afraid he might be.

"Okay, mommy, ninang. We'll not going to get that cute little monkey. Let's go." Masama ang pakiramdam niyang naunang naglakad. Ngumuso si Kara at sinundan ito, nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanila.

Inaliw aliw ni Kara si Shaun sa ibang animals para mawala sa isip ni Shaun yung unggoy kanina.

Picture dito, picture doon.

Mag tatanghali na ng umuwi kami. Tulog na ang anak ko pagkarating namin sa condo ni Kara, pagod na.

Umupo ako sa sofa at nakita ko si Kara na bagong ligo at naka pagpalit narin.

"Pupunta muna akong kompanya, Angel. Tumawag sa akin si mommy at kailangan niya ako duon. Zhan is in the office too, nabanggit sa akin ni mom." Pumasok ito sa kusina at nagsalin ng tubig tsaka ay ininom ito.

Tumango ako.

"Good for him." Tanging sambit ko lamang.

Ngumiti siya at kinuha ang mga gamit.

"Sige, alis na ako." She kissed my cheeks. Kumaway ako ng naka labas na siya.

Nang maka alis ito ay tumayo ako at nagpasyang maligo. Ang init init ng panahon ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa kwarto kung saan natutulog ang anak ko. He really doesn't want na may katabi siya sa kama. Matanda na raw ito. Pero kung gusto ko naman siyang tabihan ay pumapayag siya, but when Kara asked him, ayaw niya. 'No, I only want my mommy' iyan ang palagi niyang litanya.

I saw him peacefully sleeping while hugging his spider man stuff toy. Napangiti ako.

Dadalhin pa sana nito ang kanyang laruan sa Zoo ngunit sinabi ni Kara na bawal kaya labag sa loob niyang iniwan ito dito sa condo.

I sat on the edge of his bed and opened my phone. I need to find a job. Magtatrabaho ako sa Café, at hahanap din ako ng malilipatan namin ng anak ko. I already talked to Kara about this. Nakakahiya namang dito kami tumira.

Maraming Café ang hiring ng crews, naka hanap ako ng gusto kong pag aplayan.

I message the page, ilang minuto ay nareplayan agad ako.

Gusto nila akong mainterview ng personal, i happily and excitedly send yes as my reply.

After sending my reply, nilapag ko sa table ang phone ko sakto namang nagising ang anak ko na hinihingal at umiiyak. Tinabunan ako ng kaba.

"What happen son? Bad dream?" Agad siyang yumakap sa akin at panay ang kanyang hikbi.

"Mommy." Paulit ulit niyang sambit. Hinagod ko siya sa kanyang likod at pilit pinapatahan.

Ng kumalma ito ay saka ako dahan dahang kumalas ng yakap para matignan ko ang kanyang mukha. He's still sobbing.

"Why, baby? Anong napanaginipan mo?" I asked as I held his hand. Yumakap itong muli sa akin.

"Daddy." Nagulat ako. What about him? Did he dream of his father?

I look at my son.

"W-what about your daddy, baby?" Hirap na hirap kong tanong.

Siya na ang mismong nagpunas ng kanyang luha at humarap sa akin.

"W-we are having bonding mommy, we are playing basketball, I hit the ball and it rolled over the road mommy, then my daddy- mommy- daddy was hit by a car, mom. I saw blood- dripping- on the road." Umiyak itong muli at takot na takot ang kanyang reaksyon.

Nahihirapan itong ikwento kung ano ang kanyang napanaginipan.

Shit? What was that dream about?

"Mom, let's visit my Dad please. Please mommy. I want to see my Daddy. Is he okay? Mom." Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.

May luhang namuo sa aking mata.

Paano ko siya ipapakilala sa kanyang ama? Galit ito sa akin at mukhang nawalan na ito ng paki alam sa akin.

Naalala ko ang malamig niyang trato sa akin sa Marinduque bago siya umuwi dito sa Maynila. Ni hindi ko siya nakaka usap ng maayos.

"Mommy, please." Hindi ko na napigilang mapa iyak.

Nakita ko ang biglang pag iba ng ekspresyon ng anak ko.

"I'm sorry mom. I'm sorry. Please don't cry, I won't ask for daddy again, just please stop crying mommy. I'm sorry." Mas lalo akong napa iyak. Siya na ang yumakap sa akin. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang maliit na balikat habang paulit ulit na umiiling.

"Don't say sorry, baby. I'm the one, sorry, baby." He sobbed. "Please give mommy a little time more baby. Ipapakilala kita sa daddy mo." Hinagod ko ang kanyang likod.

I need to talk to Zhan about this. Kahit hindi maganda ang nangyayari sa amin ngayon, kakausapin ko siya.

I will not think of my feelings for now, I'm going to do this for my son. Magiging masaya ito kung makikilala at makakasama niya ang kanyang ama.

______________

June 25, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon