Obsession 11

9.9K 209 2
                                    

Angel's POV

"Good morning mahal ko." Zhan greeted as I sat on the island counter. He's cooking.

"Good morning too." Aabutin niya sana yung carrots na nahiwa into cubes pero tumayo ako at ako mismo ang nag abot sa kanya.

"What are you going to cook, mahal?" I asked as he puts the carrots in the pan.

"You favorite menudo, mahal."

Tinulungan ko siyang magluto. Sabay kaming kumain at sabay ding pumasok sa opisina. The usual morning routine.

"Puntahan kita mamayang lunch sa office mo, mahal. Let's eat together." I nod at him.

"I'll wait for you then."

"Sir, the meeting is about to start." Binalingan namin si Liam na hinihingal pang nagsasalita.

"Papunta na ako." Umalis si Liam.

"Bye mahal ko. See you later." He leaned and gave me a peck of kiss. "I love you." I whispered I love you too to him.

Kinuha niya ang kanyang coat at lumabas na sa office niya, sumunod din naman ako at dumiretso sa aking office.

I started doing my job. Hanggang sa diko na namalayan na 12:00 na pala.

Kumalam ang sikmura ko. Teka, nasaan ba si Zhan? Akala ko ba ay pupuntahan niya ako dito at sabay kaming magtatang halian?

Tumayo na ako at lumabas ng opisina. Silipin ko siya sa office niya baka nag overtime lang yun. But he never forget what he said.

"Zhan?, Mahal?" Mahinang tawag ko sa kanya habang kumakatok.

Walang sumasagot kaya binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

Bakit wala pa siya?

Umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin na lamang siya.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng katok. It's not Zhan probably. Kase kung siya bakit kakatok sa sariling pinto ng opisina?

Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Gulat na nagbaba ng kamay si Liam na kanina ay nakahawak sa doorknob.

"Good afternoon po ma'am." Yumuko pa siya.

"Ano ba Liam, Angel nalang. Nagtatrabaho lang din ako dito." Natatawang sabi ko. "Hinahanap mo si Zhan?" I asked. He nodded.

"May tumawag po kase kaninang babae at tinatanong kung busy daw ba si sir." Babae?

"Wala bang binanggit kung sino?" I said curiously.

"Hindi po nagsabi kung sino, ma'am. Basta boses maarte at tunog mayaman." Kibit balikat niyang sagot. Sino kaya yun and why is he looking for my boyfriend? Baka naman relatives lang or kaibigan.

"Anong ginagawa mo dito, Liam?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang napaka tigas na boses ni Zhan mula sa likod ni Liam.

Mabilis ang ginawang pagharap ni Liam kay Zhan. Madilim ang mukha nitong nilapitan ako at hinapit ako sa baywang.

Kita ko ring nagulat si Liam kaya hindi kaagad nakasagot.

"Ang sabi ko, bakit ka nandito, at bakit kayo magkasama?" Mas madiin niya pang tanong. Shit! His eyes were dark. Nakita ko ang paglunok ni Liam, tila ay kabadong kabado.

"Ano ba Zhan , we're just talking. Pagkadating ko kase kanina, wala ka and kararating lang din ni Liam at hinahanap ka rin." I explained.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko."
Dumiin ang kapit niya sa baywang ko.

"A-h si-r may tumawag po kase kanina at tinatanong kung busy ka, nandito po ang numero ng tumawag kanina, tawagan mo nalang daw po." Kabadong inilabas niya ang kanyang cellphone at may kinalikot duon bago ibigay kay Zhan.

Walang emosyon iyong kinuha ni Zhan at tinitigan ang cellphone number sandali. Tila inaalala kung sino ang may-ari ng numerong iyon.

"Ah excuse me po sir, balik na po ako sa conference." Yumuko pa siya. Zhan nodded strictly at him.
Tumalikod naman si Liam at lumabas na.

Binalingan ko siya.

"Where have you been earlier, mahal? I've been waiting you here." I asked as I pouted. Yumuko naman siya at pinatakan ako ng halik.

"Nag ikot ikot lang sa mga department, mahal, at ayoko ng nadatngan kong eksena kanina." Seryoso parin ang kanyang mukha. Here he is again.

"Heh, wala naman kaming ginagawang masama ah. Wag mo ngang masyadong pinag iinitan yang sekretarya mo, kita mong takot sayo yung tao." Inalis ko ang nakapulupot niyang braso sa aking baywang at naupo sa kaninang inupuan ko. Lumambot ang ekspresyon niya.

"Pinahanda ko na yung isusuot mo bukas para sa birthday ni mom, mahal. Ipapakilala kita bukas sa kanila." He lovingly said, diverting the topic.

Muntik ko nang makalimutan na sabado na pala bukas at kaarawan ni kanyang ina.

Hindi ko pa nakikita ang mama niya pero kinakabahan agad ako.
I don't know why.

"Are you nervous, mahal?" Lumapit siya sa inuupuan ko at naupo sa aking tabi.

Umiling ako pero ang totoo ay oo, I'm nervous! At hindi ko alam kung bakit.

"Tingin mo Zhan, magugustuhan kaya ako ng mommy mo?" Tanong ko. Mayaman sila and probably kapag nakilala niya ako at malamang mahirap ako ay tiyak na baka hindi ako nito magustuhan para sa kanyang anak.

"I'm ready to fight for you, mahal." He even smirked. By what he said, alam ko ng may mali.

Mas lalo lang iyong dumagdag sa aking kaba. Hindi siya nagku kwento tungkol sa kanyang pamilya pero sa pagkaka alam ko at pag oobserba ko ay mahal na mahal niya ang mommy at daddy niya. Mama's boy siya.

Sana naman ay maging maayos ang araw bukas.

_____________

May 10, 2021



The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon