Obsession 23

9.2K 176 1
                                    

Angel's POV

It was 10 in the morning when I waked up. Maaga atang nagising si Zhan dahil wala siya sa tabi ko.

Bumangon ako at inayos ang kama.

Masakit parin ang pagitan ng hita ko, hindi ako tinigilan ni Zhan, well I enjoyed it too.

Lumabas ako ng kwarto. Ang tahimik, dumeretso ako sa sala. Wala parin si Zhan.

I decided na lumabas ng resthouse.

Tahimik ang paligid, pinalibot ko ang aking paningin hanggang sa natamaan ko ang bulto ni Zhan di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Nakatingin lang siya sa dagat at mukhang may malalim na iniisip. Mukhang problemado.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at linapitan siya.

Agad naman siyang napatingin sa direksyon ko, ngumiti siya ng makita ako, nawala ang seryosong ekspresyon niya kanina, ngunit hindi maitatago ng kanyang mata ang tunay na nararamdaman.

"Mahal, how's your feeling, hmm?"

"May problema ka ba Zhan?" I asked the obvious instead of answering him.

"No, I don't have. Mahal, Come here." Ginawa ko ang gusto niya. Lumakad ako palapit sa kanya.

Pinatalikod niya ako, pinaharap sa view ng dagat at niyakap ako mula sa likod. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking leeg.

"I don't expect you to say yes Zhan. Pero girlfriend mo ako, I need to know what's your problem or what's bothering you. You should'nt keep that to me." Sabi ko habang nakatanaw parin sa dagat.

Hindi niya dapat sinasarili kung ano man ang problema niya. Naisip ko naman ang sarili kong problema, pinanatili ko ang aking tingin sa karagatan. Minsan talaga ay mas mabuti ding ikaw lang mismo ang nakakaalam sa iyong problema lalo na pag alam mong may masisira kapag isiniwalat ito.

Bumuntong hininga siya at humigpit lalo ang kanyang yakap. From that, I know he really have a problem.

"Tell me, please Zhan." Marahang aniko. "Please." May pagmamakaawang tanong ko pa.

Hindi ako sanay na makita siyang ganito. He never shared his problem to me. Ganun ang mga lalaki, mas gusto nilang sa kanila lang ang problema nila, na okay lang na sinasarili nila ang kanilang mga problema.

Hindi mo sila makikitang umiiyak, dahil minsan, sinasabihan silang mahihina o di kaya naman ay bakla. Ang mga babae kase madali lang umiyak, kapag umiyak sila, gumagaan kahit konti ang kanilang pakiramdam, but boys are other way around. They better keep and hide their emotions than showing it.

"Hindi ko na alam ang gagawin, mahal." Naramdaman ko ang pag iling iling niya. Mahina at napapaos na ang kanyang boses. "Mom is in comma, Dad wants to bring her in States para duon ipagamot. I want to go with them but you are here, mahal. I can't leave you. Gusto kitang isama kung gusto mo para sumama din ako, I really want to be with mom while she's recovering." Hindi ako makapaniwala sa narinig.

Ano?

He wants me to come with them? With his parents? Is he serious? And what?

Kung hindi ako sasama at hindi rin siya sasama? para sa akin?

"Are you out of your mind? You're insane Zhan! Your parents needs you! It's obvious kung sino ang uunahin mo!" Pagalit na sabi ko habang deretsong nakatingin sa kanya.
"Don't use me as an excuse not to be with your parents, Zhan." Tahimik niya akong pinakikinggan.

" I am just your girlfriend Zhan, they're your family. They need you especially your mom! You should be taking care of her by now! Hindi yung ganito, I can handle myself, Zhan. Hindi sa lahat ng oras sa akin ka nakatuon! Look around, Wake up! Umiikot na ang mundo mo sa akin, and I don't want it!" Pinatatag ko ang loob ko. I need to push him. He's being unhealthy when I am around.

"Choose them Zhan. Kaya ko ang sarili ko."

Imbes na ang ina niya ang kanyang alagaan at bantayan ay nandito soya sa akin. He even take me in this Island!

He's really out of his mind.

"Don't you fucking say that, Angel." Malamig pa sa yelong aniya.

Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya pero kailangan kong maging matapang.

It's my fault why his mother is in the hospital right now.

Okay, Angel. Keep blaming yourself of what happen!

"I won't fucking leave you, do you understand?" Umiling ako sa kanya.

"Tama na Zhan. Let's go back in Manila. Sasama ako sa hospital, I want to visit your mom." I said in a low voice.

This is the only solution so I can easily escape. I'll try convincing him again once we're back in Manila.

"No. We'll stay here." He uttered with finality. I just shook my head.

Kung nasa Manila kami, makakagalaw ako ng maayos, kung magtangka man akong tumakas ngayon dito sa Isla ay baka pa mawala ako, hindi ko kabisado ang lugar na ito.

"Hindi pwede Zhan. Please, huwag na nating pag awayan pa ito. We need to fix this, only if bumalik na tayo. Hindi panahon ng bakasyon ngayon, huwag mo nang dagdagan pa ang iisipin ng daddy mo." He look at me for a while and sighed.

"Okay, but make sure to be always with me, Mahal." I nod.

We stayed in the island for an hour before we went back in Manila.

Tahimik lang siya, hindi nagsasalita habang nagmamaneho. Hindi nalang din ako nagsalita.

He looks like he's thinking of something deep. I want to ask him but no, mag aaway lang din kami. I better shut my mouth.

Buong biyahe kaming tahimik. Walang gustong magsalita.

Gabi na ng makarating kami sa bahay. Naunang lumabas si Zhan at akala ko ay mauunang papasok pero umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Maingat akong lumabas. He snaked his arms around my waist.

"Punta tayong ospital bukas, Zhan." Sabi ko ng makapasok na kami sa loob ng bahay.

Ayaw ko sanang pumunta duon dahil natatakot ako pero para kay Zhan, gagawin ko.

Tumango lamang si Zhan at walang salitang dumiretso sa banyo.

_______________

May 28, 2021

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon