Obsession 12

13.6K 256 1
                                        

Angel's POV

"Are you ready, mahal?" Isang katok ang narinig ko habang inaayos ko ang aking damit.

"Sandali lang, Zhan." Umikot ikot ako sa harap ng salamin upang tignan kung bagay ba sa akin ang damit. Hindi ko kase ito nasukat kahapon.

"I'll just wait you here outside, mahal." Aniya sa malambing na boses.

I simply uttered okay and then continued fixing my dress. Binilisan ko na din ang pag aayos at lumabas na. He is standing gorgeously beside the door.

He looked at me with full of admiration. His smile grew bigger when he held my hands.

"You are so beautiful that I wanted to kiss you right now but i have to control myself because i don't want to ruin your lipstick." I love how he always appreciates my beauty. I love hearing those words from him.

"Salamat" Niyaya ko na siyang umalis dahil ayokong malate kami.

Panay ang amoy niya sa buhok ko habang pababa kami sa garage.

He opened the front seat door for me. He even gave me a peck of kiss before turning to the driver's seat.

Limang oras mahigit ang naging biyahe namin bago nakarating sa
mansion ng mga magulang ni Zhan.

Ang lawak lawak at ang ganda ganda ng paligid pero mas malawak parin ang mansion ni Zhan.

Maingay na musiko ang sumalubong sa amin. Ang daming tao at makikitang big time ang mga ito. Madami ang napapalingon sa amin habang kami ay naglalakad papasok.

"Let's go inside, mahal." Tumango ako at sumunod sa kanya.

Panay ang bati ng mga kakilala ni Zhan sa kanya, pinapakilala din ako nito.

Tahimik lamang ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng kanilang mansion. Kung maganda sa labas ay mas lalo na dito sa loob.

Their chandelier got my attention. Ang ganda nito. Kumikinang ang mga nasa paligid nito at kay gandang pagmasdan. Nakita ko ang picture frame nilang pamilya na nakalagay malapit sa engrandeng hagdan nila pataas.

Matagal na ang litrato dahil bata pa si Zhan dito. Ang ganda ng mommy niya at gwapo din ang daddy niya. No wonder kung bakit gwapo si Zhan. Maganda ang genes ng mga magulang. Nakayakap siya sa mommy niya habang ang daddy niya ay nakahawak sa balikat ng mommy niya. Perfect family.

Bahagya akong nalungkot dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko pero winaglit ko ang iniisip ko dahil hindi ito ang tamang oras para isipin muna iyon.

"Oh Zhan, nandito ka na pala." Nabalik ako sa reyalidad ng  may lumapit na magandang babae kay Zhan at hinalikan ito sa pisngi. Niyakap ito ni Zhan habang nakangiti!

"Oh my ghad, namiss kita. Buti nalang talaga at dito naisipan ni tita mag celebrate, kung hindi pa magbibirthday si tita wala ka na yatang balak pang magpakita sa amin." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ng babae.

Para akong hangin dahil hindi manlang ako nito natatapunan ng tingin. Her attention is focused on Zhan. Who is she?

"I'm sorry, I got busy in the company. Btw, How's your stay with them?" Ngumuso ang babae at napunta ang tingin sa akin. Nanlaki ang kanyang mata na ikinagulat ko.

"Is she your girlfriend? oh my ghad, Zhan." Hindi niya na nasagot ang tanong ni Zhan dahil sa akin. "Hi I'm Kara, Zhan's cousin. Are you his girlfriend?" She extended her hands.

"uh-"

"Ya. She's my girlfriend. Angel this is Kara." Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot na si Zhan.

The Billionaire's ObsessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon