Obsession 52

11.2K 229 8
                                        

Angel's POV

Napahawak ako sa ulo ko ng dumilat ako. Pinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at agad akong nanghina.

This is Zhan's room! Hinding hindi ko ito makakalimutan.

Why I am here? Ginalaw ko ang aking mga paa at bumaba sa kama. Ngayon ko lang naisip ang nangyari, may pina amoy ito sa akin na dahilan ng pagkahilo ko.

Sinuot ko ang tsinelas na nakahanda sa sahig.

Nasa ospital ang anak ko! Bakit niya ako dadalhin dito? Sino ang magbabantay sa kanya! Nakalimutan ko pang tawagan si Kara.

Mabilis akong nakalabas ng kwarto at agad tinungo ang pinto ngunit napahinto ng nauna iyong buksan ni Zhan.

Galing ito sa labas, pawis na pawis. Agad namang nandilim ang kanyang paningin.

Umatras ako bahagya.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ng makabawi sa gulat. Pumasok ito at sinara ang pinto bago tumitig ulit sa akin.

"You're asking me that? Really?" He laugh without humor.

"Nasa ospital ang anak ko, I need to be there--"

"Shut it, Angel." Madiin nitong sabi.

Humugot ako ng malalim na hininga at deretso siyang tinitigan.

"Let me see my son, we'll talk about this if he's okay. Pero ngayon, pupuntahan ko siya." Matigas akong naglakad palapit sa pinto ngunit hinigit na niya ako.

Madiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya dumaing ako.

"You are not going anywhere. Dito ka lang. Our son is in my private room and he's resting so don't worry about him." Our! He already claimed him!

Magpoprotesta na sana ako ng hinigit na niya ako pabalik sa kwarto niya.

Binitawan niya ako, tinanggal nito ang kanyang jacket at pinatong sa kanyang table. Tanging puting sando ang kanyang suot ngayon.

"We can talk here. Now, explain. Every little things, Angel." Nawala ang tapang ko. Akala ko ay magiging madali lang pero ang hirap pala.

Nangatog ang aking mga tuhod. Napaupo ako sa gilid ng kama habang pinipigilan ang mga luha.

"Tama ka." Reffering to his clue that Shaun is his son. We cannot deny it.

I heard him cussed drastically.

"I'm sorry." Nanghihina kong dugtong agad at napaluha na. "I'm planning to tell you, Zhan. That's why we're here---"

"Tangina naman Angel! Nagkita tayo sa Marinduque pero bakit hindi mo sinabi! Anak natin yun eh! Anak natin!" Galit niyang bulyaw na nakapagtahimik sa akin.

Mas lalo akong umiyak.

"Alam mo palang buntis ka sa akin nuon, umalis ka pa! You still choose to leave me!" Namula ang kanyang mata sa galit at sama ng loob.

Umiyak lang ako, hindi makapagsalita dahil tama naman siya. Una palang ay karapatan na niyang malaman pero dahil sa pagiging duwag sa nangyaring aksidente sa mommy niya ay kinain ako ng takot.

My mind was full of negative thoughts by that time! Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupulutin kung hindi dahil Kay Kara.

Madiin kong ipinikit ang aking mga mata.

"I-i'm sorry. N-natakot lang ako, nuon." Umiling iling ako habang inaalala ang mga pinagdaanan ko. Mula ng ipagbuntis ko si Shaun at hanggang sa lumaki na ito. But I cannot blame him.

"Bakit ka matatakot?! Pinangako ko sayong aalagaan kita! Na proprotektahan kita! Hindi ko hahayaang may manakit sayo, dahil mahal na mahal kita. Pero Anong ginawa mo? Iniwan mo ako! Ni kahit isang salita ay wala akong narinig mula sayo! Umalis ako sa Marinduque dahil sobra akong nasasaktan sa mga ginagawa mo!" Puno ng sakit nitong bulyaw.

Hindi na niya makontrol ang kanyang sarili. Yumuko lamang ako, nagpatuloy sa paghikbi.

"Lahat ginawa ko para sayo, Angel. Lahat lahat! Maipakita at maipadama ko lamang sayo na ikaw lang sapat na. Ano pa bang kulang?" Humina na ang kanyang boses.

"Ang tagal kong pinangarap na magka anak sayo." Tumawa ito ng mapakla. "Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. I dreamt of a happy family, Angel. Hindi iyong ganito. Ang pinangarap ko ay sabay natin siyang palalakihin, na sabay nating makikita ang kanyang unang tawa, unang lakad, at ang marinig nang unang beses ang mommy at daddy mula sa kanya." Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya.

Hindi ko alam na may ganuon pala siyang plano, habang naririnig ko iyon ngayon sa kanya ay wala akong ibang nararamdaman kundi galit. Galit para sa aking sarili.

Napaka makasarili ko! I didn't consider his feelings too! I was focus with my own!

"Lagi nalang bang ganito, Angel? Sasaktan mo nalang ba ako palagi? Dito ka masaya? Sige, Saktan mo nalang ako ng saktan kung iyan ang nakapagpapasaya saiyo." Umiling ako at umiiyak siyang tiningala.

Nakatingin ito sa akin at halos sabunutan ko na ang sarili ko ng makitang umiiyak din ito!

Damn it, Angel!

"No. Please don't say that, Zhan." Umiling ako. "It's not like that." Another tears fell. "Patawarin mo ako, Zhan. This is all my fault, I'm sorry. Nasasaktan din ako." I break down.

His eyes bloodshot as he looks on me.

Hindi na ako nagsalita, pinunasan ko ang luha ko ngunit patuloy parin ang pag agos.

I understand why his angry, pero nasaktan din ako. Ngunit hindi ko talaga siya masisisi kung bakit ganito ang kanyang reaksyon.

"Fuck it!" Ginulo nito ang kanyang buhok.

Nagulat na lamang ako ng isang mainit na yakap ang binigay nito sa akin. Mas lalo akong umiyak at sumubsob sa kanyang dibdib.

I suddenly felt home. I felt secure already.

Sa ilang taon na lumipas, ang epekto niya sa akin ay ganun parin, walang pinagbago, kahit ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mahal na mahal ko parin siya.

_________________

June 30, 2021

The Billionaire's ObsessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon